Chapter 10
When To Speak Up, When To Shut Up
“Mabuti’t sumabay ka ngayon sa amin?” Ciel asked Colton while we’re on our way to the Yellow canteen.
Colton shrugged. “Phil was busy with his research, Kiel was absent. Bakit, ayaw mo ba ‘kong kasabay?” He grinned at Ciel.
“Uy wala akong sinabi, ah. Gustong-gusto ka nga naming kasabay kahit alam naming ginagamit mo lang kami, eh. Ayos lang talaga sa’min kahit nakikita mo lang kami kapag busy ang mga pinsan mo. Dakilang manggagamit!” Biro ni Ciel.
Colton shot Ciel a ridiculous stare. “Tangina, Alfieri! Hindi mo bagay ang magdrama!” Basag ni Colton sa kanya.
“Mas bagay kasi ako sa’yo.” Ciel grinned. Umarko ang kilay ko. Aba! Balak pa yata nitong maging karibal ko kay Colton!
“Bro.” Colton, grimaced.
“Bro.” Ciel chuckled.
I frowned at Ciel and his eyes averted on mine. Tinaasan niya ako nang kilay at bahagyang inilapit ang mukha sa may bandang tainga ko.
“Inggit ka ‘no? Hindi ka kasi marunong bumanat.” Asar pa niya sa akin. Inirapan ko lang naman siya at bahagyang tinulak sa may balikat niya para lumayo siya sa akin.
“Putang ina. Nawalan na yata ako nang ganang kumain dahil sa inyo, Colton.” Nakangiwing sabi ni Cyprian. “Joke lang. Gusto ko yata ng porkchop.” Bawi niya nang makarating na kami.
There’s a certain stall here that serves the best porkchop, of course, I know dahil iyon ang madalas kong bilihin dito noong highschool pa lang ako. Nagpapa double rice pa nga ako no’n.
“Shet. Ako rin. It’s been awhile.” Ciel said.
“Gusto ko rin. O, ano? Porkchop na tayong lahat?” Colton suggested, looking at the three of us. The two of them agreed and Colton’s eyes stopped on me.
“Kain ka na rin ng kanin, Mona. H’wag ka na munang mag diet. Kahit ngayon lang.” Hiling niya sa akin.
I pressed my lips together and I found myself nodding even though deep down I am protesting.
“‘Yan, ‘yan!” Ciel and Cyprian both cheered nang mapapayag ako ni Colton. Shit! Ano ba naman kasing mga titig ‘yan, e. Nakakarupok!
“Mona, upo ka na dito… Kami na ang bibili nila Colton.” Cyprian said, pointing at the table in front of the stall.
“Ah, sige. Salamat. Ito nga pala ang bayad,” Sabi ko at akmang kukuha ng pera sa wallet ko but Colton was quick enough to stop me.
“Hindi na. Libre ko na, ako naman ang pumilit sa’yo.” He said, slightly smiling.
My eyes narrowed at him as my stomach did that thing again.
“Pre, kami rin ililibre mo?” Ngising asong sabat ni Ciel.
“Bakit, cheat day niyo rin?” Colton fired at him.
Ciel just made a face. “Unfair,” Nakanguso niyang reklamo.
“U-Uy, Colton! H’wag na. Nakakahiya naman…” Pigil ko sa kanya habang pinapakiramdamang nag-iinit ang magkabilakong pisngi.
“Ano ka ba, h’wag ka nang mahiya. Magkaibigan naman tayo. Kami bahala sa’yo,” Aniya bago sila tuluyang naglakad ni Cyprian papunta sa stall.
Ciel shot me his most annoying grin. “Ha! Kaibigan pala, eh.” Nakapamulsa niyang pang-aasar sa akin bago siya tuluyang sumunod sa dalawa.
Kahit na nakatalikod na siya sa akin ay ramdam na ramdam ko pa rin ang na nakangisi siya! What an annoying pesk!
BINABASA MO ANG
To Fall And Conquer (It Girls Series #2)
RomantizmMona Lisa Clavel is a beautiful, smart, regal, and classy surgeon with a body that can pass to be one of those superstar models. A lot of women would kill to be in this it girl's place... but despite all the perfection hugging every feature of her p...
