We were down to our last rotation. Tapos na din yung defense namin. Damn. 1-month nalang at gagraduate na din kami!

It's a sad thing that Kath isn't my pair anymore. Yung partner ko kasi ngayon napakatahimik. Pero okay naman kami. We would sometimes talk, but just some work-related stuff.

Nagkakamali talaga yung mga classmates ko nang sinabi nilang intimidating ako kasi na kay Nicole yung korona. She was the queen of the resting bitch face club.

"Hi, Nicole!" I said when I saw my partner.

"Hello." She greeted back with a smile before going to our section in Hema.

I was currently on duty. Night shift and it was a 16-hour duty sa isang government hospital. Sadly, napullout ako for warding sa isang floor.

"Paano na tayo makakauwi niyan?"

"Pasensya ka na ah? Naubos na talaga pera natin dito, e. 'Wag kang mag-alala. Hahanap ako ng paraan."

'Di ko sinasadyang marinig ang usapan ng mag-asawa. From what I can observe, na-discharged na yung anak nila. Their daughter was about 6 years old. She recovered from dengue. Alam ko kasi I once collected blood from the kid. They were already packing up their things. My heart broke at the sight of them.

A plan formed in my head. I pasted the results first on the same floor and waited outside their room. Sakto lang at lumabas yung tatay ng bata. 'Di nagtagal ay pumunta ng CR yung nanay niya. Dali-dali akong lumapit sa batang naglalaro lang ng teddy bear niya.

"Hello," bati ko sa kanya. Tumingin muna siya sa 'kin bago napadako ang kanyang tingin sa dala kong puno ng syringe. Kitang-kita ko ang takot sa mga mata niya. Patay.

"Ay! 'Wag kang umiyak. 'Di na kita kukunan ng dugo." sabi ko.

I reached for my pocket and pulled out a thousand bill. Ibinigay ko naman iyon sa bata. Gumuhit sa kanyang mga mata ang pagtataka.

"Ibigay mo 'to sa nanay mo ha? Kung hindi, tutusukin kita ulit." Pagbibiro ko.

Nanlaki yung mga mata ng bata at mabilis na tumango. "Okay po! Okay po!"

Agad naman akong umalis dun para bumalik sa laboratory. Buti nalang at may dala akong extra na pera. May 50 pesos pa ako para sa pamasahe bukas pauwi.

Matapos kong ibigay sa iba't ibang section yung mga specimen na nakuha ko ay tumungo muna ako sa pantry para uminom ng tubig.

Nadatnan ko doon si William at Noah na kumakain ng dinner. William gave me a genuine smile while Noah just gave me a nod, acknowledging my presence.

William and Noah were friends with Shawn. They belonged in the same circle. They graduated in the same school back when they were in highschool. Nakakatuwang pagmasdan sila kasi parang mga bata. William was the childish one while Noah was kind of the mature one between them.

"Kumain ka na ba?" William asked.

"Gago! Ano ka jowa? Sumbong kita kay Shawn sige ka." Sabi ni Noah sabay tulak kay William dahilan para mahulog siya sa kinauupan niya.

Sinamaan naman ni William ng tingin si Noah habang inaayos ang sarili niya sa kanyang upuan. "So kailangan nanunulak? Nagtatanong lang oy!"

Natawa nalang ako sa kanila. Nagaaway na naman yung dalawa.

"To answer your question, 'di pa ako kumakain." Sabi ko nalang.

"Sabay ka na sa 'min!" William invited.

"'Di naman ako nagugutom."

Lie! Gutom na gutom na ako! Gusto ko nang kumain kaso wala na akong pera.

Shawn and AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon