K U B E T A

1.1K 15 0
                                    

Dali-dali akong nagtatakbo sa banyo ng girls nang makaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan. Ibang-iba ito sa kulo ng aking tiyan sa tuwing nagugutom dahil kakakain ko lang kaya alam kong hindi ako gutom.

At ito ay "Tawag ng Kalikasan"

Pagpasok ko sa loob ay agad din akong natigilan nang madatnan ko na puno ang C.R ng mga babae. Napatingin sila sa akin.

Pilit akong ngumiti ng taasan nila ko ng kilay kaya naman lumipat ako sa kabilang banyo. Sa banyo ng lalaki.

At laking swerte ko nang makitang walang tao rito kaya naman, I feel so free na maglabas ng sama ng loob dito.

Sa sobra kong pagpipigil ng ilang oras ay nanlamig na ang aking pawis at nagtataasan ang aking mga balahibo. Argh! Ang sakit na ng pwet ko. Pakiramdam ko ay kapag hindi ko agad 'to nailabas ay unti-unti na 'tong mapupunit. Shete naman! Please lang, lumabas ka na. Malapit na mag bell!

Parang konti na lang ay gigiba na ang pader dito dahil sa sobrang tulak ko kasabay ng pag ire ko. Bakit ko ba kasi nilantakan yung lakatan sa lamesa ni Inay kanina! Hinang-hina na ako dahil feeling ko kinayod ang buo kong bituka.

"Ugh shet," bulalas ko.

Sa totoo lang, masakit sya sa pwet. Sobra!

"M-mama..." Anang ko.

Kailangan ko na ata ng tungkod upang makaalis at makatayo rito sa kubetang 'to. Lalong nagtagaktak ang pawis ko dahil sa init dito sa loob. Mamamatay na yata ako sa fusion ng amoy ng banyo ng mga lalaki at tae ko. Nakakahiya mamatay kung ang dahilan ng kamatayan ko ay ang tubol kong tae. Baka dumalaw pa si crush kapag nagkataon!

Tatayo na sana ako nang bigla kong makaramdam ng sakit saking tiyan. Eto na naman sya! Kinakayod na naman ang aking bituka!

Kaya naman sa sobrang sakit ay isinandal ko ang aking kaliwang kamay sa pinto para tumuon at maibalanse ang katawan ngunit dahil tanga ako ay nalimutan ko itong isarado kanina kaya naman nag ala-Dyesebel ako at napadapa sa sahig na akala mo'y tinubuan bigla ng buntot ng sirena.

Like shet, yung dede ko! 'Te yung dede ko masakit! Nakaharang ang aking buhok sa aking mukha kaya naman kung sino man ang makakita sakin dito ay 'di ako makikilala.

Ngunit nagdilang anghel ako at nakakita ako ng binti ng lalaki sa aking harapan.

"M-multo!" Sigaw nya.

Akma itong tatakbo kaya naman hinawakan ko ang binti nito upang pigilan syang mag hysterical ngunit sa sobrang takot nya ay nasipa nya ang nguso ko.

Kung sa baboy, na double dead ako. Sumakit na dede ko pati ba naman nguso ko?! Kaya naman tumayo na ako dito sa sahig.

"Ano ba? Nakakasakit ka na ah!" Sigaw ko ngunit pagtungo ko ay agad akong natigilan.

OWEMJI SI CRUSH!

"T-Tao ka?" Namumutlang tanong naman nito. Kaya naman para mapanatiling sikreto na crush ko sya ay nagpanggap ako na galit. Galit galitan ang lola mo 'te!

"Hindi. Tae! Tae ako!" sarkastikong sigaw ko sa kanya. In fairness ang galing umarte ng lola nyo. Best Actress 'to 'te!

Para mapatunayang hindi ako multo ay hinawakan nito ang aking kamay. "Enebe weg ke ngeng genyen" bulong ko sa sarili.

"Ay oo nga, tao nga. S-Sorry akala ko kasi multo ka. Kamukha mo kasi si Sadako kanina." Natatawa nitong sabi habang napapakamot sa ulo. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainis sa sinabi nya. Like shutangina! Sadako? Itong face ko, Sadoko? Crush naman eh, okay na sana kaso nilait mo pa ko. Hindi na tayo bati. Hmmp!

Lumabas na ako sa banyo bago pa may makakita sa akin dito ngunit laking gulat ko nang habulin nya ako at patuloy syang humingi ng tawad sa akin. Takot sigurong mapatawag sa guidance dahil sa ginawa nya sa akin kaya ganon. Sinamantala ko ang pagkakataong yun para palagi kaming magkausap at kahit papaano ay naging close kami tulad ng inaasahan ko.

And I'm so thankful kay kubeta. Yieee! Oo na ang weird ko pero sobra akong nagpapasalamat sa kubetang ginamit ko. Nang dahil sa kubeta, si crush ay akin ng jowa.

ONE SHOT COMPILATIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon