"May Tagos ka!"

327 20 6
                                    

Hala--Nakakabugnot! Nakaka-irita! At nakakakaba na rin at the same time! At feeling ko, parang may red alert ako ngayon... ARGH!!!

I'm Jonaly Hilario. Grade 10 na. Hindi kagandahan pero sanguine kung maituturing. At alam niyo naman na po siguro kung anong kalunos-lunos na sitwasyon ko ngayon!

Simula nung unang araw na datnan ako, which is n'ong Grade 8 ako, ito na ang welcome sa akin ng pagdadalaga ko, TAGOS!

Hindi ko kasi ugali na magbilang sa kalindaryo. Paano naman kasi, sa tuwing bibilang ako sa kalindaryo at na-set ko na, kung hindi maagang darating, late. Kaya sa banas ko, hindi na ako nagbibilang. At malalaman ko na lang na first day ng mense ko pag natagusan na ako. 

Kaya minsan, uma-angal ako kung bakit pa kasi ako naging babae--may lalakeng yumakap ho sa akin from behind!

"May tagos ka." He said in whisper. I felt my chest just tremble--teka....

NAKOW! Siya na naman... NAKAKAHIYA NA TALAGANG TAGOS 'TO EVER! KUNIN MO NA AKO SAN PEDRO PLEASE!

Naiilang akong medyo lumingon patalikod, "Sorry, Drake, ah. Nakita mo na naman 'tong--"

"Oo na. Halika na sa C.R." At sumunod siya sa akin habang medyo malapit siya sa likod ko para takpan yung tagos ko.

Siya si Drake Manansala. Kaibigan ko at knight in shinning armor ko pag may tagos ako since 2nd year. Siya ang unang nakasaksi sa pagdadalaga ko noon sa corridor.

Siya ang madalas, or "lagi" to be exact na nakakakita pag may tagos ako. At nakakahiya kasi hindi lang siya ang taga-sagip ko, taga-bili ko pa siya ng napkin.

Dyusko, hiyang-hiya na nga ako sa kanya, eh. Kasi aside sa kaibigan ko siya, may tinatago din akong "pagtingin" sa kanya. Pero I admit, I just don't like him, I already fell in-love with him. Eh, bakit nga ba hindi ako ma i-in-love sa kanya eh, malaking sakripisyo sa pagka-lalake niya ang sinusugal niya pag bumibili siya ng napkin. Hindi niya ako gf pero binibilhan niya ako ng napkin.

Kaso bumaliktad at nawasak ang pagpapantasya ko sa kanya nung nalaman ko na crush niya si Marry. At may balak pa yata siyang ligawan. Ma-basted sana! De, joke lang! Pagbigyan maging bitter! Sawi ako eh.

Pagpasok ko sa C.R, tinanggal ko agad yun palda ko para masilip kung marami ba yung tagos ko. Naka-shorts naman ako, eh.

And thank God konti lang. Mukhang maaalis pa ng tubig. So binasa ko ng kaunti yung palda ko and ginusot-gusot ko until mawala na yung matsya.

Pero teka lang ah, first time niya akong niyakap from behind. Hindi niya pa 'yun nagagawa before. Baka naman. Pero napahinto ako sa sasambitin ng utak ko!

'Wag kang demanding! Baka medyo marami ng tao sa likod kaya niya...'

Naputol ang guni-guni ko dahil may umalingawngaw na katok. "Jona, Sandwich mo." As I open the door a little, pinasok niya na lang yung hawak niya sa pintuan.

'Nakaka-in-love siya--promise!'

oooooo

"Uy! Salamat ah. Sinagip mo na naman ako." Papunta kaming canteen,

"Your welcome. Pero nasaan si Mae? Bakit hindi mo siya kasama?" Umiling ako,

"Wala, eh. May sakit." Mae is my bestfriend. Sakit-sakitan ang babaita. Hindi siya 'yung may sakit, yung puso niya. Ewan ko ba d'on. Dinamdam yata yung sobrang heartbreak eh. Nung nag-text kasi siya sa akin, may #(T^T) at #</3.

Napakamot si Drake sa batok niya. "Tsk! Nabawasan na naman ang allowance ko. Bayaran mo 'yung pinang-bili ko ah," inirapan ko nga siya. Tsh. Lagi niyang sinasabi 'yan. Pero pag nagbabayad ako, hindi naman niya kinukuha.

"Libre na lang kitang lunch! Baka hindi mo na naman kunin yung bayad ko, eh."

Pero huminto siya, napahinto rin ako. Nung tumingin ako sa kanya, he's looking at me like... like he want to tell something important.

"Hey--" He hug me. Nag-rigudug bikla yung puso ko and I felt like biglang nag-init yung pisngi ko! Ano 'to?! Biglang-kilig yata ako eh?!

"Hindi lunch at pera ang gusto kong bayad, Jonaly..." And he embrace me tighter. Hindi ko na carry 'to! Medyo nahihiya na ako sa mga nakaka-kita sa amin! Iiiiih!

"Matagal akong humugot ng lakas ng loob na sabihin 'to, kaya sana, makinig kang mabuti." At rinig ko pa ang paghinga niya ng malalim.

"Puso mo ang gusto kong bayad."

Biglang huminto ang mundo nung mapagtanto ko 'yung sinabi niyang 'yon. Mga 1 second lang naman, eh.

"I Love you, Jonaly. Matagal na. Simula ng makita kita noong tinawag kita para sabihin sa 'yo na may tagos ka, nagustohan na kita. Hindi mo ba napapansin? Sa tuwing matatagusan ka, laging ako ang unang nakakakita? Kasi lagi kitang minamanmanan." KAYA PALA! Matagal na pala kitang stalker?! Lalo tuloy kinilig ang lola n'yo! 

"Hindi lang ako maka-amin kasi natatakot ako na baka tanggihan mo 'yung pag-amin ko." Binitawan niya na ako, pero yung tingin niya sa akin... serious na serious. Ayaw maalis!

"Kaya ako umamin ngayon kasi nakita ko kayo ni Kiano na magkayakap kahapon. Natatakot ako na... na mapunta ka sa kanya." Napa-ngiti na lang ako sa itchura niya. Tulad ko, namumula rin siya!

PUWEDE BANG TUMILI?! DREAM COME TRUE 'TO! Ang lalakeng pinag-papantasyahan ko, umaamin ng feelings niya sa harap ko ngayon?! O me gash! Makapag-pasalamat nga kay Kiano mamaya!

"Eh... kaya nakayakap sa akin si Kiano kahapon kasi nagpapa-salamat siya. Nagtapat  kasi siya sa akin na... baeki siya."

Natameme saglit si Drake. Nasindak siguro kasi bakla yung pinagselosa--eh, teka?!

"Paano si Marry? 'Di ba, sabi mo crush mo siya?" He nod,

"Oo nga, crush ko siya. Crush lang." Ang nega ko lang pala. Paki hampas n'yo nga ako.

"Wag kang mag-selos. Crush ko siya, pero mahal naman kita." Kilig much ng tunay!

"Oo na. Matagal na rin naman kitang mahal. Manhid ka lang." Umamin na ko. Umamin na rin naman siya eh, 'di ba?

"Anong manhid? Pareho lang tayong nag-aalangan na umamin 'kamo. O, ano? Magbabayad ka ba?"

Ano pa nga ba? E, di bayaran ang dapat bayaran. Mag pa-pakipot pa ba ako? Kinabig ko yung batok niya sabay hinalikan ko siya sa pisngi. Pagtingin niya sa akin, ang lawak ng ngiti niya! Kulang na lang mapunit ang bunganga niya ha.

Pero... ang guwapo niya pag ngumingiti. Lalo tuloy akong tinamaan sa kanya! Ang corny ko na pramis! Kasi 'tong Drake na 'to eh!

"Yan! Sa susunod na bibili ako ng "sandwich" sa clinic, may isasagot na ako pag tinanong ako kung para kanino yung "sandwich." Tumingin ako sa kanya ng naka kunot-noo,

"Ano bang sinasagot mo pag tinatanong ka ng ganon?"

"Gf ko." Namula na naman ako!

"O, puwes, hindi mo pa ako gf. Manligaw ka muna."

"O, sige ba! Kahit pa hindi mo pa ko sagutin hanggang mag-menopause ka--liligawan pa rin kita!"

Hinampas ko nga siya sa braso! Pero hinawakan niya yung kamay ko sabay hinalikan. Nanahimik ako doon ah.

After that, naglakad na kami papuntang canteen while naka-holding-hands. Ang cheesy!

Kahit perwisyo, konsimusyon at kahihiyan ang dinala ng tagos na 'to sa akin all over these passed years, salamat at binayaran rin ng tagos na 'to lahat 'yon sa pamamagitan ng pag-buo ang love life ko.

Ang saya lang 'no?! Kinakain ko na yung sinabi ko na uma-angal ako sa pagiging babae ko. Masaya ako bieng a girl! Masayang datnan pramis!

The End. :)

oooooo

Hello~

First time ko gumawa ng one shot story. Napag-usapan kasi namin ni pusa yung tungkol sa "tagos". Naalala ko tuloy noong natagusan ako ng todo-todo. And nung nasa-writter mode ako, a hilarious idea just pop-out on my head kaya nagawa ko po ito.

Thanks for reading po ha! (^u^)b

-IsipSabaySulat

St.Vaskerville Memories: May TAGOS Ka! (One Shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon