Chapter 1

2K 35 3
                                    

Chapter 1

Hindi ko alam kong tatawa ba ako o magugulat sa narinig ko. Gusto niyang akitin ko ang best friend niya.

"Akala ko ba best friend mo siya? B-Bakit gusto mong akitin ko siya?  Para lang makuha mo ang babaeng yun"

"Are you gonna accept my deal or not?" Seryoso nitong sabi. Napadako ang tingin ko sa isa niyang kaibigan na kakilala ko. Si Ryan. Si Ryan kasi ang nagsabi sa akin na may raket daw siya para sa akin. Hindi ko naman alam na ganito pala ang raket na sinasabi niya.

"Seryoso ba to, Ryan? Mukha kasing nababaliw na tong kaibigan mo!"

"Woah. Relax lang Ahni"

"Nangangailangan ako ng pera pero hindi ibig sabihin na maninira ako ng relasyon!" Tinignan ko si Mr. Felix Tyler "Did you hear me? I won't accept your offer. Maghanap ka ng taong gustong manira ng relasyon ng bestfriend mo! Wag ako!"

"Ahni, paano ang papa mo? Isipin mo nalang ang papa mo"

"No. Hindi ako mananakit ng tao para lang sa pera" Nilingon ko ang lalaking parang walang pakealam sa amin "Bakit hindi ikaw ang gumawa? Ikaw nakaisip diba?"

Umalis na ako sa opisina ng lalaking yun. Ni minsan hindi ko inisip na manira ng relasyon. Oo, gipit ako pero hindi yun excuse diba? Baka paggising ng papa ko at malaman niyang nanira ako ng relasyon, iuumpog niya talaga ako sa pader. Dumiretso ako sa hospital kung saan ang papa ko naka confine. Naabutan ko ang doktor na inaasikaso ang papa ko.

"Dok, kumusta na po ang papa ko? Gagaling na po ba siya? He'll be okay, right?" Nakita ko ang pag-iling ng doktor sa sinabi ko.

"Iha kapag nagpatuloy ang ganito, malalagay sa panganib ang buhay ng papa mo. Kaylangan na niyang sumailalim sa operasyon bago pa mahuli ang lahat"

"G-Gagawa po ako ng paraan. Salamat po"  Pagka-alis ng doktor ay hinawakan ko ang kamay ng papa ko "You are the strongest person I've ever met, papa. Kakayanin mo to, okay? Gagawa ako ng paraan. You can't leave me. Ikaw na lang ang meron ako, papa" Tinuyo ko ang luha ko atsaka hinalikan ang noo niya. Tumunog ang cellphone ko kaya mabilis ko itong kinuha at sinagot.

"Sure ka na ba talagang tatangihan mo ang raket, Ahni? Sayang rin yun eh. Tsaka siya na daw bahala sa lahat ng gagastuhin ng papa mo. Basta lang daw gawin mo ang gusto niya. He is desperate to get the woman he like, Anhi"

Tinignan ko si papa bago sumagot. Kaylangan ko atang kainin ang pride ko "Okay deal! Tatangapin ko, Ryan. K-Kaylangan ni papa na maoperahan sa madaling panahon"

"I think that's the right thing to do, Ahni" I won't do this kung hindi ko lang kaylangan. Hinding hindi ako mananakit ng kapwa ko kung hindi ako gipit. Pumikit ako ng mariin.

"Siguradohin mong gagawin niya ang usapan kundi iuuntog ko yang kaibigan mo sa pader" Narinig ko ang pagtawa ni Ryan dahil sa sinabi ko. Ano namang nakakatawa dun?

"Sa liit mo, paano mo ko mauuntog sa pader?" Nanigas ako dahil sa narinig ko sa kabilang linya.

"Hindi ako maliit! Mataas ka lang talaga!" Inis kong sabi. Naiinis talaga ako kapag tinatawag ako na maliit.

"Yeah. And pigs can fly"

Mabilis kong pinutol ang usapan naming yun. Gusto ko siyang puntahan ulit at ipamukha sa kanya na hindi naman ako masyadong maliit. I'm 5'3! Sabi ni papa, hindi ako maliit. Syempre, naniniwala ako sa kanya.

"Ahni, kanina ka pa dito?" Ngumiti ako sa bagong dating na babae. Nag-iisa itong kapatid ni papa. Kasama namin siya sa bahay dahil wala naman siyang ibang pamilya bukod sa amin. Hindi siya nag-asawa. Ayaw daw niyang mag-asawa, masakit daw sa ulo. And I agree. Ni ako, ayokong nagkaboyfriend. Ayokong maging katulad ng mga kaibigan ko na iiyak dahil lang sa lalaking.

The Deal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon