Hi! Enjoy Reading!
Chapter 8
"Tapos ka na?" Tinignan ko siya na mukhang nakaligo at nakabihis na. Tch! Ang bango niya tignan. Tumango lang ako at umupo sa pinakamalapit na upuan na nakita ko pero sinigurado ko namang malayo ako sa kanya. Bigla niya kasi akong hinila papunta sa pinakamalapit na hotel at pinagpalit ng damit. Baka daw kasi magkasakit ako. Hindi ko alam kung paano siya nakakuha ng damit na pamalit.
"Aalis na ako kapag tumigil na ang ulan" Nakita ko ang pagkunot ng noo niya.
"You won't. We need to talk, Shorty" Seryoso nitong sabi. Umiling ako sa kanya.
"Sana pinabayaan mo na lang ako. Okay lang naman ako. Kung gusto mong puntahan si Laura, okay lang. Wag kang mag-alala" Nag-iwas ako ng tingin.
"Kahit anong sabihin mo, I'll stay here with you"
"Kung nag stay ka lang dahil sa awa, umalis ka na lang" Mabilis kong pinunasan ang mga butil ng luha ko "Hindi ko kaylangan ng awa mo"
"Damn it! Sino bang nagsabi na naaawa ako sayo?!" Inis niyang sinabonutan ang sariling buhok niya "Come here!"
"Wag mo kong sisigawan!"
"You're making me frustrated! I want us to talk!" Kinabahan ako ng lumapit siya papalapit sa akin.
"Dyan ka lang! Felix, isa!" Parang wala lang siyang narinig at mas lumapit pa sa akin. Napalunok ako ng lumuhod siya sa harapan ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng hawakan niya ang pisngi ko.
'Ayan ka na naman Felix e!'
"Let's talk. Please. Shorty?" Napakurap ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Ano bang pag-uusapan natin? Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin"
"Pero hindi ko pa nasasabi ang lahat ng gusto kong sabihin" Ang kamay niya na nasa pisngi ko kanina ay bumaba sa mga kamay ko "I know you've said you'll forget about me, about your feelings for me but... don't"
"A-Ano?"
"Gusto kong malaman kung sino talaga ang nandito" Tinuro niya ang puso niya "I'm confused, Shorty"
"Y-You mean..."
"Alam kong si Laura ang nandito sa puso ko. Pero hindi ko alam kung bakit palagi kitang naiisip"
"And are you telling me to wait for you?"
"Let's have a deal again"
"Deal?"
"I'm giving you a week. Isang linggo lang, Shorty "
"Anong ibig mong sabihin?"
"Make me fall inlove with you in a week"
***
"Bakit wala ka pang boyfriend, Momma?" Natigilan siya sa pagtitimpla ng kape sa tanong ko at tinignan ako "May naging boyfriend ka po ba?"
"I have one" Ngumiti siya ng malungkot "Mahal na mahal ko siya na kaya kong ibigay ang lahat para makasama ulit siya"
"Pero anong nangyari?"
"Pumunta ako noon sa states para mag-aral. And then pagbalik ko" Nakita ko ang butil ng luha niya na lumabas.
"Momma, did he cheated on you? May mahal na ba siyang iba?"
Tumawa siya at pinunasan ang luha niya "Of course not! Mahal na mahal niya ako"
"Pero anong nangyari?"

BINABASA MO ANG
The Deal (COMPLETED)
Teen FictionLet's have a deal - Felix Tyler Date Started: May 9, 2020 Date Finished: June 4, 2020