Chapter 6

520 28 5
                                    

Comment your thoughts, darlings ~

Chapter 6

Naging tahimik kaming dalawa. Narinig ko yung sinabi niya pero hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Ano bang dapat kong sabihin? Magiging marupok ba ako at sasabihing na miss ko din siya. O magpre pretend ako na hindi ko narinig ang sinabi niya?

"Narinig mo ba yung sinabi ko, Shorty?" Tinignan niya ako "I said I miss you"

"N-Narinig ko naman yun" Ibig sabihin ako yung tinutukoy ni Ryan na namimiss niya?

"Ano ang iniisip mo? Gusto kong malaman kong ano ang iniisip mo ngayon"

"Ano ba ang dapat kong isipin?"

"Ahni! Felix!" Umayos ako ng upo at ngumiti kay Laura at Nathan. Bigla kong naisip na hindi dapat ako umasa. Kaibigan lang ang tingin niya sa akin at mahal niya si Laura "Tama nga ako, Nathan. Nandito nga sila"

"Oo na. Tama ka nga" Umupo silang dalawa sa harap namin "Nagdadate ba kayong dalawa?"

"H-Hindi" Mabilis kong sinagot ang tanong ni Nathan at tinignan si Felix. Hindi man lang niya tinignan sila Laura. Ang atensyon niya ay nasa pagkain at parang wala siyang pakealam sa amin.

"Sus. Wag na kayong mahiya" Tinignan ni Laura si Felix "Felix?"

Nag-iwas ako ng tingin ng makita ang pagngiti ni Felix kay Laura. Tinawag lang siya, nginitian niya agad samantalang kapag tinawag ko siya, tinitignan niya ako ng masama.

"You two are on a date?" Gusto kong inikot ang mga mata ko dahil sa tanong ni Felix. Napaka obvious naman ng tanong niya.

"Oo tsaka pumunta pa kasi kami sa pinsan ni Nathan. How about the two of you?" Ang atensyon ko ay nasa cellphone ko na biglang nagvibrate. Mabilis kong kinuha yung at tinignan. May message si Leona sa akin.

'Hoy! Bakla! Asan ka ba? Buhay ka pa ba? Hindi mo na ako binibisita sa bahay, na bo bored na ako dito! Tumakas ako sa bahay kanina at naggala gala. Alam mo bang may nakita ko yung crush mo dati na ngayon hindi na? Kaholding hands niya si Crissa! Nasuka ako kanina ng makita ko sila'

Umiling ako dahil sa mga text niya. Napakadaldal talaga niya. May pinadala ulit siya message sa akin.

'Nga pala galing ako sa hospital para sana makita ka pero wala ka naman pala dun! Asan ka ba? May good news ako, gising na papa mo! Ehehe!'

Bigla akong napatayo sa nabasa ko. Gising na si papa! Aalis na sana ako ng may humawak sa kamay ko para pigilan ako. Nilingon ko siya.

"What's wrong?" Ngumiti ako sa kanya.

"Gising na daw si papa" Nilingon niya sila Nathan.

"We'll get going" Hinila na niya ako palabas. Nang makarating kami sa sasakyan niya ay hindi parin ako mapakali. Gustong gusto ko ng makita si papa.

"Pwede bang bilisan mo, Felix?" Mahinang sabi ko sa kanya habang nagmamaneho siya. Nagulat ako ng abutin niya ang kamay ko at hawakan yung habang ang mga mata niya ay nasa daan parin.

"Relax, Shorty. Okay na ang papa mo" Tumango ako sa kanya.

"I just really wanna see him now" Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. Pinagmasdan ko siya habang nagmamaneho. He's always right here to calm me down kapag hindi ko na alam ang gagawin ko. Palagi niyang pinapagaan ang loob ko. Paano kaya magmahal ang isang Felix Tyler?

"Nandito na tayo" Tumango lang ako atsaka mabilis na lumabas sa sasakyan niya. Tinignan ko siya ng hindi siya lumabas ng sasakyan.

"H-Hindi ka sasama?" Umiling siya.

The Deal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon