Chapter 5

561 29 3
                                    

Enjoy~!


Chapter 5

"May hindi ka sinasabi sa akin, Ahni" Napatingin lang ako kay Momma.

"Po?"

"Inlove ka ba?" Nagulat ako sa tanong ni Momma. Nag-iwas ako ng tingin "You are inlove. I've been there, Ahni"

Huminga ako ng malalim "Imposible naman pong magustuhan mo ang isang taong kakakilala mo lang po diba?" I'm hoping na baka crush lang tong nararamdaman ko kay Felix. Kaylangan ko na talagang pigilan to dahil alam kong ako lang ang masasaktan.

"Hindi naman panahon at tagal ang basehan kapag nagmamahal. Kusa mo yang mararamdaman"

"How can I stop this?" Bulong ko sa sarili ko. Napatingin ako kay Momma ng marahan niya sinuklay ang buhok ko at ngumiti.

"You can't stop that, Ahni. Kahit anong gawin mo, hindi mapipigilan yan" Pinaglaruan ko ang mga daliri ko. Ayokong umasa na baka isang araw, parehas yung mararamdaman naming dalawa. Alam ko namang mahal na mahal niya si Laura. At ako? Kapag natapos ko na ang trabaho ko, malilimutan lang niya ako. Isa lang akong tao na dadaan sa buhay niya habang si Laura ay ang mananatili sa buhay niya.

"Pero Momma masasaktan ako. Ayokong masaktan" I opened up.

"Ahni, kung masasaktan ka eh di masasaktan ka. Kasama yan sa pagmamahal. Kapag pinigilan mo yan pagsisisihan mo. Just do what your heart says. Walang masama kong susubukan mo"

Nang matapos ang pinag-usapan namin ni Momma ay inutosan niya akong bumili ng pagkain. Napabuntong hininga ako ng maalala ang mga sinabi ni Momma kanina. Papaano ko susubukan kong may mahal naman siyang iba?

Napahinto ako ng makita sila Nathan at Laura sa tapat ng hospital. Malaki ang ngiti ni Laura habang tinatanggap niya ang bulaklak na bigay ni Nathan sa kanya. Hinalikan niya ang pisngi ni Nathan at pinulupot ang kamay sa braso ni Nathan. Ano namang ginagawa nilang dalawa dito? Sinundan ko sila ng tingin habang papunta sila sa sasakyan.

Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad para bumili ng pagkain ng may kamay na humila sa akin. Akmang susuntukin ko na sana yun ng bigla itong magsalita.

"Kapag nasaktan ako, ipapakulong kita" Tinignan ko siya ng masama pero ngumisi lang siya sa akin "Hi"

"Masasaktan ka talaga kapag bigla bigla ka nalang nanghihila ng tao! Anong kaylangan mo?" Tumingin siya sa direksyon kung nasaan sila Nathan at Laura.

"They're going on a date. Let's follow them" Lumayo ako sa kanya ng akmang hahawakan niya ako. Umiling ako sa kanya kaya nakatanggap ako ng masamang tingin sa kanya "Let's go! Umaandar na ang sasakyan nila!"

"Kaylangan ko pang bumili ng pagkain para kay Momma"

"Ako na ang bahala dun" Mabilis niya akong hinila papunta sa sasakyan niya "Put your seatbelt. Kasalanan mo talaga kapag hindi natin sila nasundan"

"Kasalanan mo din kapag hindi nakakain si Momma mamaya" Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata niya. Hinagis niya ang cellphone niya sa akin bago paandarin ang sasakyan.

"Tawagan mo si Ryan dyan. Sabihin mong dalhan ng pagkain ang Momma mo" Sabi niya habang ang atensyon ay nasa daan. Mabilis kong ginawa ang sinabi niya. Ilang ring lang ay sumagot na agad si Ryan.

"Oh, ano? Nakita mo ba siya? Kung namimiss mo, sabihin mo. Napakatorpe mo naman, dude. Wala akong kaibigang torpe!" Rinig kong sabi ni Ryan.

"Ahm. Ryan si Ahni to" Naging tahimik si Ryan sa kabilang linya.

"Ahni, bakit na sayo ang cellphone ni Felix? Magkasama kayo?" Tinignan ko si Felix. Kahit na nasa daan ang mga mata niya alam kong ramdam niya na tinitignan ko siya.

The Deal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon