Chapter 7
"Aray!" Mabilis akong lumayo kay Leona at tinignan siya ng masama "Anong problema mo?!"
"Kasi naman! Nanood tayo ng action pero ikaw yang mukha mo malapit ng umiyak. Ano bang problema mo?"
"W-Wala" Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang pag-iisip habang ang mga mata ko ay nasa pinapanood namin.
Kumusta na kaya si Felix? Masaya kaya siya ngayon na sila na ni Laura? Syempre masaya siya. Yung babaeng mahal niya, mahal na din siya. Nakita na siya ni Laura hindi bilang kaibigan lang kundi higit pa dun. Siguro hindi yung nakatulog ng sagutin siya ni Laura. Niyayakap kaya niya si Laura ngayon? Tumatawa kaya siya kasama ni Laura ngayon? Magkahawak ba ang kamay nilang dalawa ngayon?
"Hoy! Bakit ka umiiyak?" Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko at ngumiti sa kanya.
"Cr lang ako" Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Sinabi ko sayong sabihin mo ang nararamdaman mo sa kanya. Mukhang hindi ka nakinig sa akin" Natigilan ako sa sinabi ni Leona.
Kung sinabi ko ba sa kanya, may magbabago ba?
"Paano pala kung may nararamdaman din pala siya sayo? Eh di sayang ang love story ninyo!"
"May mahal nga kasi siya"
"Palaging ganyan ang excuse mo, Ahni"
"Totoo naman kasi"
"Sabihin mo lang na takot ka pero Ahni" Tinignan ko siya "Kung mahal mo bakit ka natatakot?"
"Aalis na ako" Kinuha ko ang bag ko.
"You're a coward" Napakagat ako sa labi ko at mabilis na umalis sa bahay niya. Pinunasan ko ang mga luha ko.
Yes, i'm a coward. Natatakot ako na baka kapag sinabi ko sa kanya ang totoo, he'll reject me. Tatanggihan niya ako. Iiwasan niya ako. Masasaktan ako. Nang sabihin sa akin ni Laura yun, parang nawasak ang puso ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung anong irereact ko. Basta ang alam ko lang ay masakit. Ang sakit sakit sa puso.
"Mahal ko siya" Bulong ko. Nanghina ang tuhod ko kaya naupo ako sa gilid ng kalsada at doon umiyak. Ayokong makitang may kasama siyang iba pero hindi ko naman siya pwedeng diktahan. Hindi ko naman siya pagmamay-ari. Hindi ako sigurado kung mamahalin niya ako pabalik kapag sinabi ko ang nararamdaman ko sa kanya.
"Nathan" Ngumiti siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko.
"Hindi maganda tignan na umiiyak ka, Ahni. Mas magandang tignan kapag ngumiti ka" Lumayo ako konti sa kanya dahil ang lapit lapit ng mukha niya sa akin.
"A-Anong ginagawa mo dito?"
"Binisita ko lang ang kaibigan ko dito. Hindi ko inaasahan na makita ka dito" Hinawakan niya ang braso ko para alalayang tumayo "Gutom na ako. Kain tayo"
Hindi na ako nakatanggi ng hilain niya ako papunta sa sasakyan niya at pagbuksan. He even put my seatbelt on. Kumunot ang noo ko sa mga kilos niya. Hindi naman siya ganito eh.
"Nathan?"
"Hmm?"
"T-Totoo bang wala na kayo ni Laura?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla siyang magpreno. Buti na lang at nakaseatbelt ako.
"Saan mo naman nalaman yan?"
"Kay Laura. Sorry" Paghihingi ng tawad ko sa kanya. Baka kasi ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila.

BINABASA MO ANG
The Deal (COMPLETED)
Novela JuvenilLet's have a deal - Felix Tyler Date Started: May 9, 2020 Date Finished: June 4, 2020