Chapter 9

568 26 0
                                        

Chapter 9

"I chose to be happy, Ahni"

Nasaktan ako sa narinig ko galing kay mama "Ibig sabihin, hindi ka masaya kasama kami? Nagpapanggap ka lang ba noon?"

"Hindi. Masaya akong kasama kayo"

"Pero bakit? Minahal ka ni papa. Nakita ko yun. Ang gabi gabi niyang pag-iyak. Ang pagtawag ng pangalan mo habang natutulog siya. Sabihin mo sa akin kung bakit"

"Mahal ko siya. Masaya ako sa kanya"

"Mahal mo siya kesa sa amin?"

"Ahni, kalangan kong pumili"

"Kaya pinili mo siya at iniwan kami?" Nakaramdam ako ng galit sa kanya. Ayokong magalit pero hindi ko magawa. Bumalik lahat ang nangyari noon. Yung araw-araw kong pag-iyak dahil hinahanap ko siya. Ang sakit na dinulot niya kay papa na kahit hindi sabihin ni papa, ramdam ko yun.

"Mahal ko siya. I need to sacrifice, Ahni" Pinunasan niya ang mga luha niya at lalapit sana sa akin ng humakbang ako palayo sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Wag kang lalapit!"

"Anak"

"You sacrifice us for your happiness! You sacrifice us para maging masaya ka. Habang masaya ka sa kanila, kami nagdudusa" Puno ng hinanakit na sabi ko sa kanya. Parang hindi ako makahinga sa galit. Para lang maging masaya siya, nagawa niya lahat ng yun.

"Ahni, alam kong naging selfish ako"

"Hindi ka lang selfish. Napakaselfish mo. Sinira mo ang pamilya natin para sa pamilyang mayroon ka ngayon. Masaya ka ba? Mas masaya ba silang kasama kesa tunay mong pamilya?"

"I'm sorry"

"Umalis ka na. Nagawa naming mabuhay ng labing isang taong wala ka. Magagawa parin namin yun. Hindi ka namin kailangan"

"Ahni, hindi ko sinasadya"

"Ang alin ang hindi mo sinasadya?! Ang mang-agaw ng asawa ng iba?! Ang manira ng pamilya?! Ang sirain ang pamilya natin?! O ang pag-iwan mo sa amin?!"

"Ahni-"

"May pagpipilian ka pero hindi mo kami pinili!"

"Ahni, please listen to me"

"Sinira mo lahat mama. Sinira mo ang pagkakaibigan ninyo ni Tita Yassi. Sinira mo ang pamilya natin" Umiwas siya ng tingin sa akin "Umalis ka na po. Kahit kaylan hindi ako sasama sayo"

"Pero anak. Kaya kong ibigay ang mga kaylangan mo" Umiling ako.

"Hindi kita kaylangan" Matigas kong sabi sa kanya. Lumapit ako sa pinto at binuksan yun "Umalis ka na"

"I'm sorry" Sinara ko ang pinto ng maka-alis siya. Hindi ko mapigilan ang paghagulhol. Paano niya nakayang iwan kami?

"Anak" Mabilis akong lumapit kay papa at niyakap siya "Sorry. Wala akong lakas ng sabihin sayo kasi alam kong masasaktan ka. Ayokong masaktan ka, Ahni. Patawarin mo si papa"

"Papa, mas masaya ba siya sa kanila? Hindi ba siya naging masaya sa atin? Hindi niya ba tayo mahal?"

"Ahni, may mga bagay na kaylangan tayong gawin na hindi maintindihan ng ibang tao. Ginawa niya yun dahil yun ang sa tingin niya ang tamang gawin"

"Hindi ba tama ang piliin tayo? Ang sabi niya mahal niya tayo, bakit hindi niya tayo pinili?"

"Ahni, mas magiging masaya siya sa piling ng iba. Masakit man pero kaylangan nating tanggapin ang totoo" Marahan na sinuklay ni papa ang buhok ko.

The Deal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon