Chapter 3

564 29 1
                                    

Chapter 3

"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Ryan. Mabilis ko siyang hinila palabas ng kwarto ni papa. Mabuti na lang at bumili si Momma ng pagkain kaya hindi niya malalamang nandito to.

"Kumusta na ang papa mo?" Kahapon kasi siya inoperahan at successful ang operasyon. Sinagot lahat ni Felix ang bayarin kahit ang mga gamot ay sagot din niya.

"Hinihintay lang namin siyang gumising. Bakit ka nga nandito?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Samahan mo daw si Felix mamaya" Nagulat ako sa sinabi niya. Simula kasi ng pumunta ako sa opisina ni Felix ay hindi na niya ako tinawagan pa. Dapat magpasalamat ako dahil ginawa niya ang sinabi ko pero kasi naguguluhan ako.

"Bakit daw?"

"Ipapakilala ka daw niya sa pamilya ni Nathan" Tinignan ko si Ryan.

"Ganun ba? Pakisabi na lang na pupunta ako mamaya kapag nandito na si Momma" Walang gana kong sabi.

"May nangyari ba? Mukha kasing" Hindi niya tinuloy ang sinabi niya at bumuntong hininga "Sabay na tayong pumunta sa bahay niya. Ang bilin niya ay ihatid kita sa kanya"

Hindi na ako nagsalita at pumasok ulit sa kwarto ni papa. Kailangan kong gawin ang lahat para matapos na ang trabahong to. Ang kaylangan ko lang ay paghiwalayin silang Nathan at Laura. Yun lang ang trabaho ko. Hindi kasama dun ang pagkakagusto sa kanya. Makalipas ng ilang minuto ay dumating na si Momma kaya nagpaalam muna kami.

"May date kayo?" Tanong ni Momma. Nagulat ako sa sinabi niya.

"Momma naman. May pupuntahan lang kami" Nakita ko ang pag ngisi ni Momma.

"Date nga yun. Ayie~" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Momma at lumingon kay Ryan namumutla siya at parang hindi mapakali.

"Okay ka lang? May problema ba?" Mabilis siyang umiling.

"T-Tara na" Nang makasakay na kami sa kotse niya ay tahimik lang siya at parang may malalim na iniisp. Ayoko namang tanongin kung anong problema niya baka isipin niyang ang chismosa ko. Hanggang sa makarating kami sa bahay ni Felix ay hindi parin siya nagsalita. Nakita ko naman na naghihintay si Felix sa labas ng bahay niya. Nang makalabas kami ay parang galit pa siya kaya nagtago ako sa likod ni Ryan. Ano bang problema niya? Kakarating lang namin ha!

"What took you so long?" Irita nitong tanong.

"Traffic kasi" Si Ryan na ang sumagot. Did he woke up on the wrong side of the bed? Masama ba ang gising ng isang to. Bad trip siya. Napalunok ako ng tignan ako ni Felix.

"You" Tinuro niya ako "Get inside. Now" Nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay niya ng hindi sila tinitignan.

Bakit ba galit siya? Para namang asawa niya ako at nahuling may kasamang lalaki kung maka get inside siya. Siya nga tong pinasundo ako kay Ryan. Pwede naman siya mismo ang pumunta doon. Umupo ako sa isang sofa at doon na lang siya hinintay. Nang makita ko siyang pumasok ay bigla akong nataranta. Baka sa akin niya mabuntong ang galit niya!

"What are you doing? Why are you hiding behind the sofa? Labas dyan" Tinaasan niya ako ng kilay at nakapangewang pa siya. Ha! Uma attitude ka dude!

"May kinuha lang!" Padabog akong umupo sa sofa at tinignan siya ng masama.

"Kapag nasira yan, babayaran mo" Napatayo ako sa sinabi niya sa gulat. Wala akong pera para bayaran to! Nakita ko naman ang pag ngisi niya sa reaksyon ko at umupo sa harap ko.

"Sit down" Pang-aasar nito. At ngayon papaupoin niya ako?! Gago ba to? Wala akong choice kundi umupo sa sahig. Ayokong pagbayarin niya! "Ahni, sit down in the sofa"

The Deal (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon