Chapter 2
"Hindi ba masyadong sexy itong suot ko?" Parang wala siyang narinig at pinapatuloy lang ang pagtipa sa cellphone niya "Tinatanong kita Felix"
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa "How can you seduce him kung hindi yan ang suot mo? You can get his attention using that dress"
"But I'm not comfortable" Mas hindi ako naging komportable dahil sa mga titig niya. Para akong nalulunod dahil sa mga titig niya.
"Akala ko ba kaya mong gawin ang lahat? Are you backing out?" Tinaasan niya ako ng kilay.
"I'm not backing out. Ang sabi ko hindi ako komportable sa suot ko. Para kasing makikita na ang dibdib ko dahil dito" Parang wala siyang narinig sa sinabi ko at tumayo lang.
"Tara na. Wala akong planong pakinggan ang kaartehan mo"
"Hindi to pag-iinarte! Iba ang pag-iinarte sa hindi komportable!" Nakita ko pagkainis sa mukha niya kaya nainis din ako. Ni minsan hindi ko pinangarap na magsuot ng ganitong damit "Ikaw na lang ang pumunta sa party na yun"
Bago pa ako makaalis sa harapan niya ay pinigilan niya ako. Hinubad niya ang jacket na suot niya at pinatong sa mga balikat ko "Okay na ba yan?"
Huminga ako ng malalim. Damn heart "Hindi ba talaga ako pwedeng pumili ng iba?"
"I already texted my secretary to send us some decent dress for you. Pero dun sa party niya ipapadala" Tumango ako sa sinabi niya. Atleast makakapagbihis ako mamaya "Can we go now?"
"Kinakabahan ako, Felix"
"Don't worry. Nasa likod mo lang ako" Nang makarating kami sa event ng party ay mas lalo akong kinabahan. Ang grande kasi at alam kung hindi ako nabibilang dito.
'Para kay papa to' Huminga ako ng malalim bago bumaba sa sasakyan. Ang sabi kasi ni Felix na mauuna ako na pumasok. May invitation naman siyang binigay sa akin kaya walang problema yun. Ngumiti ako at binigay ang invitation ko sa babae. Kinumperma naman niya yun at pinapasok ako. Kaylangan ko daw makibagay sa mga tao at hanapin si Nathan. Kakaibiganin ko muna daw bago ko aagawin dahil kilala na naman niya ako. Mukhang na plano na ni Felix lahat.
Napakagat ako sa labi ko ng makita ang mga tao. Hindi kasi talaga ako sanay sa maraming tao. Kahit nga noon hindi ako komportable kapag maraming tao. Pumunta lang ako sa isang sulok at hinahanap si Nathan. Kaylangan ko siyang mahanap para mabilis akong maka-alis dito. Kumuha ako ng wine na dala dala ng waiter sa party na to at iinomin na sana ng may magsalita sa likod ko.
"You shouldn't drink" Nilingon ko ito ang ngumiti.
"It's you!" Umarte akong nabigla ng makita siya. Ngumiti ako at lumapit sa kanya "Mabuti naman at may kakilala ako dito"
"Nice meeting you again. Wala kang kasama?"
Tumikhim muna ako bago sumagot sa kanya. Memorise ko na ang sasabihin ko "Wala eh. Si papa kasi may business trip kaya hindi niya ako masasamahan. Pinilit niya akong pumunta dito para makipag socialize sa ibang tao. Buti na lang dumating ka kundi baka mapanis na laway ko dito" Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Ipakilala na lang kita sa ibang kaibigan ko para may maka-usap ka din"
'Don't let him leave you. Maghanap ka ng dahilan para mapilitan siyang hindi ka iwan' Naalala ko bigla ang sinabi ni Felix. Ano namang dahilan ang gagawin ko? Kapag pinakilala niya ako sa mga kaibigan, baka iwan niya ako sa mga yun. Anak ng.
"Huwag na. Nakakahiya. Okay lang sa akin na ikaw ang kausap ko"
"I insist. Mababait naman sila. I also want to introduce you to my bestfriend, Felix. Sigurong magkakasundo kayong dalawa" Gusto kong umirap dahil sa sinabi niya. Kami magkakasundo? Bago pa ako makapagsalita ay nakita ko si Laura na lumapit sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
The Deal (COMPLETED)
Novela JuvenilLet's have a deal - Felix Tyler Date Started: May 9, 2020 Date Finished: June 4, 2020