Chapter 10
Kung nasa bahay lang ako ay kanina ko pa naubos ang pagkain na nasa harap ko pero ang problema ay wala ako sa bahay. Naging mahirap sa akin ang paglunok ng pagkain dahil feeling ko lahat sila nakatingin sa mga kilos ko.
Uminom ako ng tubig para matulak ang pagkain na nginunguya ko. Hindi ko alam kung paano ko kakausapin ang mga tao dito bukod kay Carlo. Feeling ko talaga ako ang pinakamasamang tao dito. Alam ko namang may mali ako sa nangyari kahapon pero hindi naman nila ako masisisi. Dinamay nila si papa. Hindi naman kasi ibig sabihin na pumayag akong sumama dito ay magiging okay na ang lahat sa amin, na tatanggapin ko na na may iba siyang pamilya. Hindi madali ang gusto nilang mangyari. Mahirap yun ibigay. Tumigil ako sa pagkain at tumayo.
"Tapos ka na, Ate?" Agad na tanong ni Carlo. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango "Pero nakakatatlong kutsara ka pa lang. Hindi ka pa ata nabubusog e"
"Busog na ako" Yun lang ang tanging sabi ko. Alangan namang sabihin ko na ayaw kong kumain kasama ng pamilya niya. Baka masampal pa ako ulit.
"Stay. Mag-uusap tayo pagkatapos kumain" Matigas na sabi ni mama. Hindi ito nakatingin sa akin pero alam kong ako ang sinasabihan niya. Ako lang naman kasi ang aalis.
"Lalabas lang ako, Carlo" Hindi ko pinansin ang sinabi ni mama.
"Ate, sama ako"
"Hindi pwede. Sumama ka na kahapon e" Ginulo ko ang buhok niya ng makitang ngumuso siya. Ang cute niya talaga kapag ngumunguso.
Lumabas ako ng hindi sila pinapansin. Hindi sana ako lalabas ng kwarto pero si Carlo kasi. Hindi daw siya kakain kapag hindi ako kumain. At nung sinabihan kong huwag kaming dalawang kumain ay nagsimula na siyang umiyak dahil gutom na daw siya.
"Manong, pwede po bang hiramin ang kabayo ninyo?" Tanong ko sa lalaking may kasamang kabayo. Kahapon ko pa kasi gustong sumakay ng kabayo. Hindi naman pwede kasi kasama ko si Carlo kahapon.
"Ikaw yung anak ni ma'am, diba?" Ngumiti lang ako sa kanya "Oo naman pero marunong ka bang sumakay ng kabayo? Baka mahulog ka"
"Marunong naman po ako" Binigay niya sa akin ang kabayo niya at inalalayan akong umakyat.
"Mag-iingat ka. Baka mapaano ka, iha"
"Opo. Ibabalik ko po siya mamaya. Lilibutin ko lang ang buong lugat" Pinatakbo ko ang kabayo palayo. Gusto ko lang talagang lumayo sa bahay na yun. Yung malayong malayo na hindi na ako makakabalik. Pinahinto ko ang kabayo at pinagmasdan ang paligid.
Tatlong araw na ako dito pero ni minsan hindi man lang tumawag si Felix sa akin para kumustahin ako. Hindi ba niya ako namimiss? Kasi ako miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makita. I've tried calling him pero out of coverage palagi ang cellphone niya. Si Ryan naman hindi sumasagot sa mga tawag ko kaya hindi ko matanong kung nasaan si Felix. Kumusta na kaya siya? Okay lang kaya siya? Baka nakalimutan na niya ako. Baka kasama niya ngayon si Laura.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Nasasaktan akong isipin na kasama niya si Laura ngayon. Hindi ko naman pwedeng pagbawalan si Felix. May sarili siyang desisyon. Pero hindi ko alam ang mararamdaman ko kapag pinili niya si Laura. Nasasaktan na nga ako kapag iniisip ko e.
Nanatili lang ako doon hanggang sa magtanghali. Napagdesisyonan kong umuwi na baka kasi hanapin na ni manong ang kabayo niya. Nang makabalik ako ay nakita kong kasama ni Carlo si Rose at mukhang may pupuntahan sila. Tumakbo papunta sa akin si Carlo.
"Ate, sama ka sa amin. Pupunta kami ng bayan. Bibili kami ng pagkain"
Tinignan ko si Rose na mukhang hindi komportable sa akin "Hindi na, Carlo. Kayo na lang"
BINABASA MO ANG
The Deal (COMPLETED)
Подростковая литератураLet's have a deal - Felix Tyler Date Started: May 9, 2020 Date Finished: June 4, 2020