Chapter 4
"Miss mo na no?" Sisinghalan ko sana si Leona ng magsalita ulit siya "Kaso hindi ka niya miss"
Gumulong gulong siya sa tawa ng makita ang mukha ko. Tinuro turo pa niya ang mukha ko habang tumatawa siya "Mawalan ka sana ng hininga. Hindi nakakatawa yun" Padabog akong umupo sa kama niya. Seryoso niyang akong tinignan. Alam na niya. Wala akong matagong sekreto sa kanya kaya sinabi ko na lang. Hindi naman siya masyadong madaldal at pinagkakatiwalaan ko siya.
"Inaway mo kasi yung tao. Sinabi mo sana sa kanya na nagseselos ka. Eh di tapos ang usapan"
"Paano naman tapos ang usapan? Iniisip mo ba kung ano ang magiging reaksyon niya kapag sinabi ko yun? Nag-iisip ka ba?" Tumayo siya sa harap ko.
"Nasa dalawa lang ang pwedeng gawin niya" Ibinagay niya sa akin ang nakasimangot niya stuff toy "Una, tatawanan ka niya o magugulat siya sa inamin mo dahil nga hindi niya inaasahan yun. Iiwasan ka niya dahil nga mahal na mahal niya yung Laura na yun at wala siya gusto sayo" Hinila ko ang buhok niya sa sinabi niya. Kaibigan ko ba talaga siya? "Aray! Alam kong masakit. Truth hurts nga, diba? Tapos hindi na siya makikipagkita sayo dahil iiwasan ka niya" Binigay niya ang stuff toy na nakangiti "Or aaminin din niyang may gusto siya sayo!"
"Wag ka ng manuod ng mga drama. Naaapektohan ang pag-iisip mo" Inirapan niya ako dahil sa sinabi ko. Totoo naman ha.
"Umamin ka kasi sa kanya na gusto mo siya. Sa panahon ngayon, wala ng arte arte baka maunahan ka pa" Maarte niyang tinakpan ang bibig niya "Ay! Naunahan ka na pala"
"Aalis na ako!" Padabog akong lumabas ng kwarto niya. Gustong gusto talaga niyang asarin ako. Sana pala hindi ko sinabi sa kanya kahit na hilain niya ang buhok ko.
Pumunta ako sa mall para magtingin tingin. Pumunta ako kanina sa hospital. Hindi parin nagigising si Papa pero sabi ng doktor okay naman siya. Tapos pinagtabuyan ako ni Momma sa hospital. Maglakwatsa daw muna ako at huwag ng alahanin si papa. Malakas si papa kaya alam kung kaya niya to. Naglakad lakad ako ng makita ang isang bag. Maganda iyon pero hindi ko naman kayang bilhin yun. Bumuntong hininga ako. Noon siguro kaya kong bilhin yan pero iba na ngayon.
Noon kaya kong bilhin lahat ng gusto ko, lahat ng luho ko. Nasa akin na ang lahat noon — pera, pamilya, kaibigan, magandang eskwelahan — pero hindi ko inaakala na mawawala lahat ng yun. Si mama, nawala na lang bigla. Hinanap ko siya pero wala akong mahanap na kahit clue lang. Nang mawala si mama, bumagsak bigla ang negosyo namin. Magkaroon kami ng maraming utang. At dahil wala na kaming pera, nawala rin ang kaibigan ko bukod kay Leona at hindi na rin ako pwedeng mag-aral sa eskwelahan na pinapasukan ko noon. Sila Papa at Momma na lang ang natitirang pamilya ko. Hindi ko nga alam kung bakit nahihirapan silang makahanap ng magandang trabaho. Nakapagtapos naman silang dalawa ng pag-aaral sa magandang eskwelahan. Marami din silang alam tungkol sa mga kompanya. Gusto kong malaman kung bakit naging ganito ang buhay namin. Parang pinapahirapan kami.
"Hi" Bati sa akin ng isang babae. Nakasuot siya ng simpleng t-shirt at jeans. May kasama siyang napakaputing batang lalaki.
"Hello" Ngumiti ako sa kanya.
"Pwede bang iwan ko muna ang kapatid ko sayo?"
"Ha?" Gulat kong tanong. Hindi niya ako kilala tapos ipagkakatiwala niya sa akin ang kapatid niya. Nakita ko ang pagkamot niya sa ulo niya at ang pag nguso niya. Ang ganda niya. Napakasimple lang ng suot niya pero ang ganda parin niya. Hindi katulad ko na kaylangan pang mag effort para maging tao tignan.
"Mabilis lang naman miss eh. May limited edition kasing laruan na gusto ng kapatid ko. Limang minuto na lang at ipapalabas na yun. Hindi ko pwedeng isama ang kapatid ko kasi" Tinuro niya ang maraming tao na mukhang naghihintay din tulad niya "Baka masaktan siya"
BINABASA MO ANG
The Deal (COMPLETED)
Ficção AdolescenteLet's have a deal - Felix Tyler Date Started: May 9, 2020 Date Finished: June 4, 2020