Pahina 1

180 2 1
                                    

"Zelda bangon ka na diyan" nagising naman ako dahil sa kakayugyog sakin ni Hatler. Bumangon naman ako at kinukusot ang mata ko.

"Ang aga pa anong oras na ba?" tanong ko kay Hatler habang inaayos yung kama ko.

"Alas otso na ng umanga, kaya bangon ka na at mag almusal may masarap na pagkain sa baba„ nagbihis muna ako bago bumaba. At dumiretso ako sa kusina nakita ko naman yung kinuha niyang karne na nasa plato nakahanda. Umupo naman ako at nasa harap ko si Hatler.

"Presko pa iyan wag kang mag aalala. May bagong inilibing kanina malapit dito. Kaya kinuha ko na rin agad para pang almusal mo" nakangiti lang ako sa sinabi niya at kumain na. Tama, hindi ito basta karne ang kinakain ko isa itong karne ng tao.

Naging ganito ako noong 10 taong gulang pa ako. Sabi sa akin ni Hatler na isinumpa raw ako ng mga magulang ko dati at simula nung naging ganito ako nawala raw ako sa isip ko, pinatay at kinain ko raw ang sarili kong mga magulang.

Isinumpa ako dahil ako ang nagdudusa at nagluluksa sa kasamaan na ginawa ng mga magulang ko.

Wala akong naalala tungkol doon. Basta ang alam ko lang ganito na ako, kumakain na ng tao at pumapatay ako ng tao.

Ngayong 22 taong gulang na ako, siguro wala na talagang pag asa na maging normal na ulit ako.

Sabi ni Hatler pag hindi pa nawala iyong sumpa pag tungtong ng 23 years old habang buhay na itong sumpa.

"Ah Zelda" hinarap ko naman si Hatler nakangiti siyang nakatingin sakin parang may magandang sasabihin ata.

"Mahalaga itong sasabihin ko sayo" dagdag pa niya.

"Ano iyon?" tanong ko habang pinunasan ang bibig ko.

"Pwede ka ng makakalabas dito sa bahay. Pwede ka na pumunta sa ibang lugar. Habang hindi ka pa 23 magsaya ka" bumuntong hininga naman ako.

"Pero Hatler alam mo naman na delikado akong tao" tumabi naman siya sa akin at kinurot yung balikat ko.

"Alam ko namang makokontrol mo iyan kaya halika na labas na" pinatayo naman niya ako saka tinulak palabas ng bahay.

"Pero" lilingon na sana ako kay Hatler pero naglaho siya bigla.

Nakatanaw ako sa paligid, nasa malayong gubat ang bahay namin. Sobrang madilim na kagubatan kung mag gagabi. Walang masyadong tao dito na naglalakad.

Humakbang ako ng konti at ramdam na ramdam yung paa ko yung dahon at lupa. Nakayapak lang ako at inamoy ang simoy ng hangin.

Nagsimula naman akong naglakad at parang nagustohan ko kaya tumakbo ako at wala akong pakialam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko.

Ethan's Pov

"Yaya nakaready na ba?" tanong ko kay yaya na nasa kusina naghahanda ng pagkain.

"Opo sir malapit na" pumunta naman ako sa sala at umupo. Sabik na sabik na akong makita yung babaeng kanina ko pa inaantay.

Maya maya dumating siya "Babe!" binungad ko naman siya ng mahigpit na yakap "I'm glad you're here let's eat" hinawakan ko naman ang kamay niya at nagpunta kami sa kusina't kumain.

"Alam mo babe sobrang busy talaga ako kanina sa work. Iyong boss ko gustong ako ang kasama pag aalis siya papunta sa Palawan may project siya doon" nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya sakin.

"Ah!" Nakarinig naman ako ng sigaw "Babe who's that?" tinignan ko siya.

"I don't know. Wait here okay? Be right back" tumayo ako at nagpunta ako doon sa likod ng bahay dahil pakiramdam ko doon galing ang sigaw.

May nakita naman akong babae na naka white polo lang ang suot pero may blood stains ito, magulo yung buhok niya at naka upo sa damohan ng walang suot na tsinelas habang hawak hawak niya yung binti niyang dumudugo.

Nataranta naman ako kaya linapitan ko siya "Hey are you okay? Anong nangyari diyan?" inalis ko naman yung kamay niya sa binti nakita ko naman yung kagat ng aso.

"Are you hurt?" tanong ko ulit. Tinignan ko siya sa mukha at hindi ko aakalain na maganda pala siyang babae.

"Tulongan mo ako masakit!" naiiyak niyang sambit. Binuhat ko naman siya papalapit sa pintuan saka pumasok sa loob.

"Babe sino siya?"

"Sabrina, can you get me the first aid kit. She's hurt faster and yaya tawagan mo si tita" nagmamadali naman sila.

Pinaupo ko naman ang babae sa couch at lumuhod ako para tingnan ang sugat niya "Hey, kalma ka lang. Huminga ka ng malalim" nagulat nalang ako bigla nung umiiba ang kulay ng mga mata niya. Kanina itim ito pero ngayon namumula..

Hindi ko nalang yun pinapansin kahit weird isipin.

The Psychopath's loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon