Pahina 2

104 2 0
                                    

“There. She will be fine, naturokan ko na siya ng anti rabies and please Ethan don't allow her to walk just for a day medyo malala iyong sugat mahihirapan siyang maglakad, medyo malala ang sugat niya. Understood?” sabi ni Tita habang inaayos iyong gamit niya.

“Sure tita. Thanks” sagot ko habang nakatayo at nakipag beso kay tita bago siya umalis.

Bumuntong hininga ako at umupo sa harap nung babae. Dalawa na lang kami dito si Sabrina naunang umalis dahil agad siyang tinawagan ng boss niya.

Tulog pa din ang babae na nasa harap ko. Simula kasi nung tinurokan siya ni tita nahimatay siya. Mukhang first time niya ata.

Maya maya nakita ko siyang dumilat at tinignan ko siya ng nakangiti.

“How's your sleep?” tanong ko.

“Ayos lang. Salamat” umayos naman siya sa pag upo at nakita niya ang binti niyang nakabenda.

Aakmang hahawakan niya ito pero mabilis kong nahawak yung kamay niya.

“Huwag mo munang hawakan mahapdi iyan. Nga pala ano ang pangalan mo?”

“Zelda, Zelda Alethia” sagot niya.

“Zelda? Your name sounds familiar. Anyways taga saan ka ba?” Hindi na niya ako sinagot pa.

Tinatanong ko siya pero wala siyang sinasagot except dun sa tinanong ko kung ilang taon na siya.

“Dito ka muna tumira saglit. At si yaya na ang bahala sayo para makapagpalit ka ng damit. At sa ngayon dadalhin kita sa kwarto mo nang makapagpahinga ka ng maayos” tumayo ako saka ko siya binuhat ulit at umakyat papunta sa kwarto niya.

Pagpasok namin pinaupo ko siya sa kama “Si Sabrina parating na din yun may damit siyang ibinigay para sayo” sabay on ko dun sa ilaw.

“Sino si Sabrina?” nilingon ko naman siya.

"She's my girlfriend. And I guess you haven't caught my name. I'm Ethan Benedictus" ngumiti lang siya. Aalis na sana ako ng tinawag niya ako

"Salamat" aniya ni Zelda. Hindi na ako sumagot at tuloyan na akong umalis sa kwarto niya.

Ang ganda niyang babae, ngayon ko lang siya nakita. Yung balat niya sobrang puti at makinis, may pouty lips siya, red headed, maganda ang pilik ng kanyang mga mata. Basta ang ganda niya.

Di ko naman maiwasang mapangiti habang iniisip ko siya pero bigla nalang nagbother isa isip ko yung biglang naging pula ang mga mata nito nung nakatitig siya sa sariling dugo niya. Nevermind.

“So Zelda wala ka ba talagang pamilya? Pwede tayong magpatulong sa mga pulis” sabi ni Sabrina habang kumakain kami.

“Hindi na. Ayos lang ako” tinitigan niya pa din yung beef steak na niluto ni yaya kanina. “Kainin mo na yan. Masarap yan” sambit ko dahilan na napatingin siya sakin

“Hindi ako gutom. Sa kwarto nalang ako” agad naman siyang tumalikod at umakyat sa taas pero inalalayan siya ni Yaya dahil masakit pa ang binti niya.

“Okay that's weird” mahinang sabi ni Sabrina. Yeah so weird.

Kinabukasan, hinahanap ko naman si Yaya Auring. Kanina pa kasi nawawala. Siya yung inaasahan ko lagi pagdating sa mga gamit ko eh.

“Ano yaya nakita niyo siya?” tanong ko habang nakapamewang ako.

“Hindi po sir”

“Sir Ethan!” liningon ko naman yung sumigaw, nakita ko si Manang Theresa na hingal na hingal.

“Nakita ko na siya” sambit niya habang nababalutan ng takot.

“Saan?” hinila naman ako ni Manang, napunta naman kami sa gubat. Ilang hakbang kasi mula sa bakuran ng bahay ko may gubat na.

Maya maya umiyak si manang, nakita ko si manang auring na wala ng lamang loob. Naghihiwalay na yung iba't ibang parte ng katawan niya at puno na ito ng dugo. Napatakip naman ako sa bibig at ilong ko dahil sa masangsang iyong amoy.

May langaw na ang dumadapo sa kanyang katawan at dinadaga na din.

“Magtawag kayo ng mga pulis dali!„ agad kong utos sa kanila.

“Ilang araw po ba siya nawala?” tanong nung pulis habang yung iba nililibot yung buong paligid.

“Kaninang umaga lang. Hinahanap ko siya, si manang ang nakahanap sa kanya at yan na ang naabotan namin” sagot ko.

“Hindi kami siguro sir pero para samin siguro hayop ang may gawa nito” napahilamos naman ako gamit ang palad ko. Malaki ang duda ko na hindi hayop ang pumatay kay yaya.

Imposible yun.

Maya maya dumating si Zelda at nung nakita niya si Yaya nagulat naman siya bigla.

“Anong nangyari sa kanya?” naramdaman ko naman na puno na siya ng kaba.

“We don't know. Basta ganyan na siya„ tinakpan niya ang bibig niya.

“Alis na ako” agad naman siyang tumakbo paalis. Nakita ko yung reaksyon niya nung tumalikod siya. Baka di niya ata kinaya yung nangyari kay Yaya.

The Psychopath's loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon