What the?
Tumayo ako bigla at linapitan ang pwesto nila Sabrina, halatang gulat na gulat sila ng nakita niya ako.
“Ethan?”
“So is this what you called busy? How dare you you are busy flirting with your own boss?” sabay lingon ko kay Frank ang boss niya.
“Babe let me explain”tumayo si Sabrina at lalapitan sana ako pero tinulak ko siya.
“Explain?It's too late for that! Nakita ko na sa mismong mga mata ko ang kalandiang ginawa mo” tinignan ko si Frank at sinuntok siya sa mukha tumayo siya saka ako sinuntok pabalik.
Zelda's Pov
Bakas sa mukha ni Ethan ang galit na nararamdaman. Nakita ko siya kung pano niya suntokin yung lalakeng nilalandi ni Sabrina.
Inaawat naman siya ni Kasper. Hindi ko na napigilan kaya hinila ko palayo si Ethan at tinignan siya.
“Ethan, tama na” pagmamakaawa ko sa kanya nakita ko ang mga mata nito umaagos na ang luha niya. Marahas na tinabig niya ang kamay ni Kasper at tumakbo paalis.
Susundan ko sana si Ethan ng nagsalita si Sabrina “This is all your fault” nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
“Wala nga akong ginawa. Kasalanan mo ito Sabrina ilang araw ka hindi nagpaparamdam tapos makikita ka niya na lumalandi ka sa iba” sasampalin niya sana ako pero naunahan ko siya.
“Huwag mo akong subokan” huling sabi ko nagulat siya dahil naramdaman niya atang nag iiba ang awra ko kaya mabilis siyang tumakbo paalis.
Takbo ng takbo si Ethan habang umaagos ang luha nito hindi niya napigilan kaya pumasok siya sa isang bar.
Si Zelda naman hanap ng hanap kay Ethan, hindi niya ito nahanap ilang oras yata siya tumatakbo hanggang sa may nakita siyang isang bar kaya naisip niya na baka pumasok dun.
Pagpasok pa lang niya sa bar nakita niya si Ethan naka upo sa isang couch habang umiinom napansin niya na may babae na sumasayaw linapitan niya ang pwesto ni Ethan.
Nagalit naman siya nung hinahawakan nung babaeng sumasayaw ang balikat mi Ethan kaya hinawakan niya sa balikat ang babae at hinila palayo kay Ethan.
“Ethan alis na tayo dito” hinawakan niya ang kamay nito sumunod nalang si Ethan at lumabas agad ng bar.
Naglalakad sila sa isang matahimik na kalsada dahil 1 am na ng madaling araw kaya sobrang tahimik. Naririnig ni Zelda ang mga bawat hikbi ni Ethan hindi niya napigilan pinaupo niya muna ito sa isang malapit na bench.
“Zel, ang sakit. Yung pakiramdam na yung mahal mo ay tumataksil na pala sayo” tumabi naman si Zelda sa kanya at huminga ng malalim.
“Oo nga pala wala kang alam ata sa buhay pag ibig hahaha. Hindi mo pa ata naranasan ang umibig” nakangisung sambit nito habang pinupunasan ang luha niya.
“Pasensya ka na”
Ethan's Pov
Sakit ng ulo ko. Bumangon naman ako habang hinahawakan yung ulo ko pagdilat ng mga mata ko nakita ko agad si Zelda nakaupo habang nakatulog siya sa table malapit sa kama ko.
Kahit nalasing ako kagabi naaalala ko pa din yung sinabi niya, hindi ka na dapat umiyak pa sa taong tulad niya, hindi pa nga ako nakaranas ng pag ibig o magmahal dahil simula bata pa ako ay walang nagpaparamdam sa akin nun
So mag isa lang pala siya sa buhay niya, kaya siguro wala siyang kaalam alam masyado dahil sa buhay na meron siya.
“Gising ka na pala, pasensya ka na nakatulog ako dito nag aalala lang rin ako”
“No need to apologize Zel, ako dapat magsorry dahil sa kahihiyan na ginawa ko kagabi at lalo na dahil sakin tagal tayong nakauwi” tumayo naman siya at nakangiti siya sakin.
“Huwag mo ng isipin yun ililigpit ko na muna itong kalat” kinuha naman niya yung mga bote ng alak. Tumayo naman ako at tutulongan dapat siya ng nagkahawakan yung kamay namin.
Parang huminto yung oras nung magkahawak ang kamay namin, nilingon niya ako ng dahan dahan at di ko maiwasang tingnan din siya.
“Gising na–Oh fuck sorry sorry” dahil sa sigaw ni Kasper mabilis akong lumayo at si Zel naman mabilis na kinuha yung bote.
“Mauna na ako sa baba” sambit niya habang daling dali siyang lumabas ng kwarto ko. Nakatingin naman si Kleo kay Zelda habang umalis ito saka ito pumasok ng tuloyan sa kwarto ko.
“Oh dude! Nadistorbo ko ata kayo hahaha” nag middle finger naman ako sa kanya.
“Pero yung totoo, may balak kang halikan siya no?” nag smirk naman ako sa kanya.
“Wala akong atensyon! Naniniwala ka naman ata sa kasabihang nangyayari minsan ang hindi inaasang mangyari” sabi ko habang binuksan ang cabinet magpalit ng pang itaas.
“Well maybe? Oh kamusta na pakiramdam mo after what happened last night?” bumuntong huminga naman ako saka ko siya nilingon at nakapamewang.
“Ewan ko kung anong nararamdaman ko, halo halo yung emosyon ko eh. Galit? Sakit? But you know I'm doing fine when Zelda came after me. She's the one who comforts me” nakangiti naman ako habang inaalala yung nangyari kanina na muntik na kaming magkahalikan.
“You must thank her. Hindi mo alam na ang bigat bigat mo babaeng tao yung umaalalay sayo” sambit niya habang nakatingin sa salamin.
“Alam mo naisip ko, isang buwan na kayong magkasama baka naman may gusto sayo yun laging nakadikit pansin mo?” tanong nito habang nakaupo sa kama ko.
“She doesn't know about love Kasper, I remember what she told me last night. Simula bata siya ay mag isa na siya. And no one ever taught her or kahit na iparamdam sa kanya yun” sagot ko.
“Poor girl. May rason ata bakit siya napadpad dito” tumingim naman ako sa kanya.
“Ano naman sa tingin mo?”
“Ikaw ang magpaparamdam nun sa kanya”
Seriously, a man who just got a broken heart? Pero I would love to do that para naman matuto siya at marealize niya kung ano talaga ang love. As family and friends. Not for relationship, she's not ready for that.
BINABASA MO ANG
The Psychopath's love
HorrorBabaeng isinumpa upang maging isang baliw, mamamatay tao at kumakain rin ng kapwa tao. Siya ang nagluksa sa lahat ng kabayaran sa kasamaan ng mga magulang nito. Hindi mapigilan ng isang dalagitang isinumpa upang hindi gawin ang pagiging imortal nito...