Pahina 10

76 3 0
                                    

“Hoy babae! Bitawan mo ako” hila hila ko ang buhok ng sekretarya ni Ethan at pumasok kami sa kwarto saka nilock ang pinto.

Binitawan ko naman siya. Sigaw siya ng sigaw dahil sa sobrang nakakairita ang boses niya,tinulak ko siya sa pader at hinawakan ang leeg niya hinigpitan ko pa ang paghawak.

“Bitawan mo ako” maya maya pa ay nahimatay siya saka bumagsak sa sahig.

Dali dali kong kinuha ang patalim ko at sinaksak ko ang dibdib niya.

Dahil wala na siyang malay hindi siya nakasigaw nung idiniin ko ang patalim sa dibdib niya.

Sinaksak ko siya ng sinaksak, ramdam na ramdam ko ang dugo niya sa mukha at kamay ko. Tuwang tuwa ako dahil sa ginawa ko sa kanya.

Para akong bata na ngayon lang ulit naglaro dahil sa saya.

“Hmm mukhang kulang?” sabi ko at tinignan ko ang buong mukha niya hininto ng mata ko ang mata niya saka ko ito dinukot.

Kinain ko naman ng buo yung mata, para akong kumain ng kendi.

“Dahil yan sa panglalandi mo yan kay Ethan hayop ka” Pagkatapos ay kinuha ko ang malalambot niyang pisngi at kinain ko rin ito. Sobrang lambot ng karne niya.

Marahas kong kinuha ang puso niya at iba pang lamang loob niya para kainin.

Nung babalatan ko na sana siya narinig ko ang boses ni Ethan papalapit sa silid na ito.

Nabuksan niya ang pinto at di ko na kayang makakilos pa “Zel–What the hell?!„ gulat ang reaksiyon niya at napasigaw siya dahil na nakita niya akong hawak ko ang patalim at nasa harap ko ang babae na wala ng lamang loob at mata, lalo na at puro dugo ang buong paligid.

“Ano to Zelda?” nakita kong tumulo ang luha niya. Tumayo naman ako at binitawan ang patalim.

“Ethan magpapaliwanag ako” lalapitan ko na sana siya pero lumayo siya sakin

“Ano ka ba talaga Zel?” tanong niya.

“Pasensiya ka na” umatras naman siya saka tuloyan na siyang tumakbo.

Bumagsak naman ang katawan ko sa sahig ng nakaluhod kasabay na ang pag agos ng luha ko.

Nakayuko lang ako habang naka upo sa upoan dito sa isang silid ng kulongan. Oo kasalukuyang nasa kulongan ako, nalaman ng mga pulis at ng detectives na ako iyong pumapatay doon sa yaya ni Ethhan pati na rin yung mga patayan na nangyayari.

Nakita din nila yung naiwang karne ng bata na tinago ko lang sa kanto kung saan ko napatay yung bata.

“You're a murderer! How dare you to kill my daughter, human eater” dinuduro duro naman ako nung ina ni Yza.

At oo umiiyak ako dahil nagsisisi ako sa ginawa ko, hindi ko kasalanan ang lahat kung bakit ako nagkaganito.

Nalaman na rin ng buong tao kung ano talaga ako, pero hindi yung dahilan kung bakit ako ganito at kung sino talaga ako.

Nakita ko naman si Ethan nakaharap sakin gusto kong lumapit pero naka kadena yung paa at kamay ko “Ethan pasensiya ka na, ginusto kong sabihin sayo”

“I wish you tell me your secret since the day I met you para hindi magkakaganito. I'm sorry Zelda, ayokong pati ako ay mabibiktima mo na rin.”

“Ethan, ginusto kong sabihin sayo. Tulongan mo ako hindi mo ako pwedeng ipakulong delikado akong tao.”

“Sorry” tumalikod naman siya saka umalis.

“No, Ethan!” bumagsak naman ako sa sahig at doon umiyak.

Hatler's Pov

“Hindi pwede!„ tumakbo naman ako at pinuntahan ang kaibigan ko.

“Kasper” sigaw ko nakita naman niya ako saka nagtago kami sa medyo walang katao tao.

“Oh bakit, ano ang nangyari?”

“Kailangan mong tulongan mo si Zelda, ayokong matuloyan na siyang imortal. Hindi siya pwedeng magstay doon maraming tao makakabiktima siya”

Zelda's Pov

“Kumain ka na” binigyan naman nila ako ng karne ng baboy.

“Hindi ako kumakain ng hilaw na baboy” sambit ko habang nakaupo at yakap yakap ko ang tuhod ko.

“Arte arte mo! Kumain ka nga ng tao baboy pa kaya pwee” hindi ko nalang ito kinain kasi alam ko na pag kumain ako nito magiging ganap na imortal na ako.

“Oh how poor. Zelda Alethia was a human eate” nakita ko naman si Sabrina halata ang galit na galit niya sakin.

“Buhay ka?” agad akong napatayo at tiningnan siya ng maayos.

“Imortal ka diba? Ako rin. Akala mo ata porke kinain mo ako ay mapapatay mo ako, baka nakakalimutan mo na kahit may natira pang parte ng katawan ko ay posible rin akong mabubuhay.”

“Paano mo nakokontrol?”

“Sabihin na lang natin na simula ng ipinanganak ako ay ganito na ako. At ngayon ay ramdam ko na isinumpa ka lang  at kaya ka pala nagpapakita dahil alam mong si Ethan ang susi para makawala sa sumpa. Pwes hindi ko hahayaang mangyari yun sayo. Sasamahan mo ako Zelda, sa ngayon” lumapit naman ito ng konti bago ulit siya nagsalita.

“Mawawala muna ang taong makakawala sa sumpa mo. Huwag kang mag alala hindi ko siya pagtitiisin sa sakit” agad naman siyang tumalikod saka siya umalis.

“Sabrina bumalik ka dito!” agad naman akong binuhosan ng tubig ng mga pulis saka ako tinataboy.

“Ang ingay mo. Manahimik ka” agad kong akonh napasuntok sa pintuan ng kulongan habang nakatingin sa kanila.

The Psychopath's loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon