Agad akong umalis matapos kong makita yung yaya ni Ethan na nakahandusay sa lupa na wala ng lamang loob.
Umaagos ang luha ko kasabay na ang pagtakip sa bibig ko habang tumakbo ako palayo sa kanila. Napunta naman ako sa isang lugar kung saan may ilog at sobrang ganda ng tanawin, pati hangin ay sobrang sariwa.
Napaupo ako sa malaking ugat ng puno at dun binuhos ko ang mga luha ko. Hindi ko alam pero naapektohan ako dun sa nangyari sa yaya niya. Dahil alam ko na ako ang dahilan kung bakit nawala siya.
“Hatler!” sigaw ko at bigla siyang nagpakita mismo sa harap ko at lumuhod para punasan ang mga luha ko.
“Huwag ka ng umiyak Zel. Naintindihan kita” umupo naman siya sa tabi ko habang hinahaplos yung buhok ko.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko eh. Ayokong may mabibiktima ulit” sambit ko.
“Ang drama mo ah! Tumahan ka na ganda ganda mong babae iiyak ka ayan panget mo na” nilingon ko naman siya at sinamaan ng tingin "Joke lang talaga yun wag mong seseryosohin"
“Zel, alam mo”
“Zelda!” May narinig naman akong sumisigaw ng pangalan ko. Kaya tumingala ako sa likod hanggang sa nagpakita si Ethan.
“Alis na ako” biglang naglaho agad si Hatler “Zelda! Kanina pa kita hinahanap thank god you're okay”
“Bakit ka nandito?”
“Gusto ko lang mapag isa kahit saglit”
Hinawakan ko naman yung mga mata ko at naramdaman ko na hindi ito namamaga at walang luha na tumutulo.
Thanks Hatler
“Let's go” hinawakan naman ako ni Ethan sa pulso ng biglang kumirot yung puso ko kaya bigla akong natumba.
Anong nangyari sakin? “Hey are you okay?” agad niyang tanong habang niyuyogyog ako. Tumango tango lang ako hahawakan niya sana yung pulso ko ulit kaso umiwas ako.
“Kaya ko na" tumayo naman ako at pinagpag yung damit ko.
“Tara na„ nauna naman akong naglakad sa kanya.
“Teka, bat parang kakaiba yung nangyari habang hinawakan ng lalake yung pulso ni Zelda? Wag mong sabihing.” napangiti si Hatler habang nakatingin sa kanyang salamin para makita ang nangyayari kay Zelda at Ethan. Punong puno siya ng saya dahil sa naiisip niya.
Kinabukasan, maagang umalis sina Zelda at Ethan para magpunta sa mall. Malaking pasasalamat si Zelda dahil wala siyang nabiktima ngayong araw.
Nagsusukat ng maraming damit si Zelda habang si Ethan naman ay namimili ng mga pwedeng masusuot nito.
Pagkatapos nilang bumili dumeritso sila sa parlor ng tita niya na siya namang kapatid nung tita ni Ethan na gumamot kay Zelda nung unang nilang pagkikita.
Matapos ang lahat ng yun kumain sila sa isang magarbong resto. Halatang unang pasok palang ni Zelda sa resto.
“Firat time?” Tanong niya sa dalaga at tumango tango lang ito. Nung nilapag na ang mga pagkain sa mesa halatang umiiba ang awra nito.
Kinokontrol ito ni Zelda pero kahit anong pilit niya gusto niyang makatikim ng karne ng tao ulit. Tumingin siya sa kanyang likoran at may nakita siyang babae na umalis parang papunta sa comfort room.
Humarap naman siya kay Ethan at halatang naweweirduhan na ito sa dalaga “Ah banyo na muna ako kanina pa ako naiihi eh” pinunasan ni Ethan ang kanyang bibig gamit ang tissue.
“Sure!” sagot niya at agad tumayo ang dalaga papunta sa banyo.
Pagpasok niya nilock niya yung pinto, alam din naman niya na walang katao tao dito kaya nilock niya ito kasama niya ang babae na nakita niya kanina.
Agad na umiiba na ang awra niya, habang nakaharap sa salamin ang babae at unting unti siyang lumapit sa babae.
Dahil naka dress siya na hanggang tuhod agad niyang kinuha ang kanyang patalim mula sa kanyang hita. Lumingon sa kanya ang babae at sisigaw na sana ito ng bigla niya itong pinugotan ng ulo. Nakahandusay naman agad ang katawan nito habang yung ulo ay hawak hawak niya.
Mabilis niya itong kinuha ang karne nito at kinain at hinihigop ang dugo na umaagos mula sa katawan nito. Tuwang tuwa naman siya dahil nakatikim ulit siya ng karne ng tao. Matapos ng ilang minuto nilagay niya sa isang cubicle ang hindi niya maubos na katawan pati ulo. Mabilis siyang nakapagbihis dahil dala rin niya yung dala niyang bag.
Nilinis niya rin ang buong lugar para iwas ibedensiya pati patalim niya at kanyang nilinis at binalik niya ito sa kanyang hita.
Lumabas naman siya sa banyo at tinungo niya kung saan nakaupo si Ethan.
“What took you so long? Nagbihis ka na rin ah, nagustohan mo atang sukatin yung binili ko sayo” tanong nito sa kanya.
“Ah oo saka sakit kasi ng tiyan ko kanina kaya ganun” umupo naman ito at kumain ng kaunti si Zelda. Matapos nun ay agad silang umalis sa resto. Halatang nagugulohan si Ethan sa reaksyon niya nung paalis sila.
“Zelda are you really okay?” tanong niya dito.
“Oo ayos lang ako” sagot ng dalagita sa kanya. Hinawakan nito ang ulo niya at agad itong nawalan ng malay.
“Zelda!”
BINABASA MO ANG
The Psychopath's love
HorrorBabaeng isinumpa upang maging isang baliw, mamamatay tao at kumakain rin ng kapwa tao. Siya ang nagluksa sa lahat ng kabayaran sa kasamaan ng mga magulang nito. Hindi mapigilan ng isang dalagitang isinumpa upang hindi gawin ang pagiging imortal nito...