“Hala! Kawawa naman yung bata sir no” sabi ng katulong ko habang nanonood ng tv.
Nagtataka ako bat nawawala ang balat nito, pati puso at lamang loob wala?
Bakit ganun? Imposible naman na may kumain niyan, parang katulad lang rin nung nangyari ng yaya ko. Halos ang mga balita ngayon sa patayan ay puro nawalan ng lamang loob, nakakapagtataka dah simula nung dumating si Zelda ngayon lang nangyayari ang ganitong bagay. Nakakapagduda.
At ang bata ngayon ay yung bata na binigyan ng pagkain ni Zel, kaya siguro nawawala yung bata sa paningin niya dahil ganyan na ang nangyari.
At ang sabi raw parang may hayop raw na kumain nito, pero wala pa silang ibidensya na hayop ba talaga ang kumain nito. Dahil kung hayop edi sana marami ang namamatay, saka may kagat man lang.
Bakit nahati yung tiyan kung hayop? Malakas ang kutob ko na tao ang gumawa nito. Pero sino? At anong klaseng tao?
“Ethan?” lumingon ako bigla dahil sa may nagsalita sa likod ko.
“Oh zel” bigla kong pinatay yung tv.
“Ano yun?” tanong niya.
“Wala. May bata raw na nakita sa isang kanto medyo malayo sa bilihan ng isaw.” umupo naman kaming dalawa dun sa kusina para kumain ng umagahan.
“Anong bata? Sino?” nauutal niyang sabi. Baka may alam siya.
“Yung batang pulubi kagabi” pagkasabi ko nun bigla niyang nakain ng buo yung hilaw na isda.
“Teka? Hilaw? Di ito luto?” sambit niya. Ngayon lang siya nagtanong tungkol sa pagkain.
“Akala ko ba di ka kakain ng luto? Lalo na pag hayop” nag iba ang reaksyon niya.
“Alis na muna ako babalik ako” tumakbo naman siya paalis.
Sino ka ba talaga Zelda? At ano ka ba talaga?
Zelda's Pov
Tumakbo ako pabalik sa bahay na tinirhan ko dati.Pagpasok ko sinirado ko agad “Hatler? Hatler magpakita ka!” Sigaw ko.
“Oh bakit?” sambit niya habang nakaupo sa sofa.
“Pakiramdam ko alam niya lahat” panginginig ko habang nakatayo ako at nakaharap sa kanya.
“Edi mas mabuti” sagot niya na ipinagtataka ko.
“Alam mo ba kung bakit ako nagkakaganito? Ayokong malaman niya na di ako basta ordinaryong tao!” sigaw ko ulit sa kanya. Lumapit siya sakin.
“Zelda, halatang halata na sa una pa lang ay nakakaramdam siya na di ka lang basta tao. At kahit anong gawin mo ay hindi mo ito makokontrol. Baka nga siya yung susi para makawala ka na sa sumpa” sambit niya na ikinagulat ko. Tinignan ko siya ng seryoso
“Anong ibig mong sabihin na susi? Nihindi nga niya ako mahawakan sa pulso, sa leeg at paa ko. Nakukuryente ako sa tuwing hinahawakan niya ang pulso ko” sigaw ko sa kanya. Tinapik naman niya ang balikat ko
“Ayon na nga. Iyon ang patunay na siya talaga ang susi para makalaya ka” muling sambit niya. Umupo naman ako at bumuntong hininga
“Sa tingin mo ba na may pag asa ako? Akala ko habang buhay na ang sumpa ito sakin”
“Oo may pag asa ka, patunayan mo na mabait na ang angkan niyong Alethia. Nag iisa ka na lang Zel at alam mo na hindi ako lagi nasa tabi mo mawawala ako pag natapos ang sumpa. Kaya siguro dapat mo ng ipaalam sa kanya ang totoo baka lumala pa ang mangyayari” aglaho naman siya agad.
Ngayon pa lang kinakabahan na ako sa mangyayari ngayong napamahal na ako kay Ethan. At ayoko siyang madamay ng dahil sa sitwasyon na meron ako.
Ethan's Pov
Nasa sala lang kami kung saan nanonood kami nung malaswang movie. Yung mga taong kumakain din ng mga tao habang nanonood si Zel napapansin ko siya na parang amaze na amaze siya or something na natatakam ata siya.
Hanggang ngayon iniimbistigahan ko siya kung ano ba talaga siya. Dahil masama talaga ang pakiramdam ko na hindi siya ordinaryong tao lang.
Zelda's Pov
Nakaraan ang ilang araw, marami na akong mga kaalaman bilang isang ordinaryong tao.
Mas nandidiri pa din ako sa pagkaing niluluto pero kailangan kong tiisin para di malaman ni Ethan na kumakain ako ng tao.
Nasa isang park raw kami sabi ni Ethan, umalis siya para bumili ng pagkain. Nag iba agad ang pakiramdam ko kaya nagpunta ako sa ilalim ng tulay na medyo malayo dito pakiramdam ko namumula yung mga mata ko ngayon.
“Miss, pwede paisa?” may isang lalake naman na kaedad ko lang ata.
Maputi
Makinis
Maganda ang mapupungaw niyang mata lalo na sa mala rosas niyang labi.Umupo siya sa tabi ko at hinihimas ang hita ko.
“Gusto mo ba ang katawan ko?” tanong ko na siya naman ang tumatango.
Tumayo ako at hinila siya sa madilim na parte dito sa eskinita, walang katao tao.
Di ko napansin dahil sa paninigurado ko di ko alam na nakahubo't hubad na ang lalake sa harap ko.
Pinunasan ko muna ang pisngi ko. Hinalikan ko yung lalake, mas idiniin pa niya ang pag halik sa akin.
Sobrang kulit ng dila niya dahil pinilit niya itong ipinasok sa bunganga ko.
Hinahalikan niya ako sa leeg, dahil sa sobrang manyak niya dahan dahan kong nilagay ang kamay ko sa dibdib niya at idiniin ang mahahaba kong koko.
“Ah” napahiyaw siya sa sakit. Umaagos naman ang dugo mula sa dibdib niya.
May natirang dugo naman sa kuko kaya dinilaan ko ito.
“Hayop kang babae ka!” sigaw nito sakin.
“Bakit? Nabitin ka? Mag enjoy tayo” tinulak ko siya ng malakas sa pader at marahas ko siyang nilapitan at dinilaan ang dugo na umaagos sa dibdib niya.
Kinagat ko ang balat nito at kinain, nakaramdam ako ng matinding gutom sa tao ngayon.
Dahil sa pag kagat ko sa balat niya, nawalan na siya ng malay. May nakita naman akong bote kaya binasag ko ito at idiniin sa tiyan nung lalake ngayon ay nahati na.
Kinuha ko ang pinaka paborito ko sa lahat ang puso saka ko ito kinain.
Dahil sa matinding pagkakatakam ko di ko na pa naisip ang lalakeng sinaktan ako.
Ethan's Pov
“Wala raw po siya dun sir” napakamot ako sa noo dahil sa inis. Ginulo ko naman ang buhok ko. Sobra akong pinag alala ni Zelda.
Di namin siya mahanap kung saan. Bakit ba kasi siya umalis ng walang paalam? Saan na kaya yun nagpunta?
“Hanapin ko nalang siya ulit sa parke baka andun lang yun” sambit ni Kasper habang papunta sa kotse niya.
“Okay thanks”sagot ko lang.
BINABASA MO ANG
The Psychopath's love
HorrorBabaeng isinumpa upang maging isang baliw, mamamatay tao at kumakain rin ng kapwa tao. Siya ang nagluksa sa lahat ng kabayaran sa kasamaan ng mga magulang nito. Hindi mapigilan ng isang dalagitang isinumpa upang hindi gawin ang pagiging imortal nito...