This chapter is quite triggering.
WARNING: There are scenes that can be triggering for you. READ AT YOUR OWN RISK.Chapter 9
"Kamusta ka na? Hindi kita nakausap ng maayos kahapon." Mom asked me as she put rice on the plate of Kuya Kane.
Malungkot ako napangiti at huminga ng malalim.
"Okay lang po ako." Kumuha na ako ng kanin at nag lagay ng ulam.
I keep on glancing at Mom and Kuya Kane. Humigpit ang hawak ko. Nakakainggit. Sobra.
"Naikwento nito ni Thomas na running for honors ka." Tumango na lang ako at nag simulang kumain.
"Kane, ito paborito mong ulam. Sinigang na hipon." Napangiti si Kuya kay mommy at inalalayan siya sa pagkuha ng ulam.
Nag lagay ng broccoli sa'kin si Thomas. I looked at him and he smiled, "Favorite mo iyang broccoli na luto ni manang diba?" I nodded and he put some more.
The dinner was okay, I really don't know what to feel. I am jealous. I am hurt. I feel out of place. I feel a lot of things.
Pagkatapos ko kumain nag hahanap ako ng maiinom.
Kuya Kane looked at me, inabot niya sa'kin ang isang can ng sprite. I was about to speak up when Thomas put away the can of sprite.
"Manang, four seasons po para kay Cadie." I looked at Thomas and he clenched his jaw.
"Hindi ka na ba nag soft drinks?" Tanong ni Mama kaya napailing ako.
"Nag stop na po ako uminom ng soft drinks bago pa po kayo umalis sa bahay." I smiled and I saw how her face saddened.
"Diba paborito mo rin ang ulam na sinigang na hipon?" She asked again.
I politely shook my head, "Beef Salpicao po ang favorite ko. Dati pa..."
"Eh iyong favorite candy mo diba Reeses—"
"Favorite po iyan ni kuya, hindi po ako kumakain ng peanut butter."
"Ay." Tumawa siya, "Ano nga ulit?"
"KitKat po." Si Thomas na ang sumagot.
"Sinasabi ko po sainyo mga paborito ni Cadie. Siguro nga nakalimutan niyo na po."
"So you're telling us we don't know Cadie?" Kuya Kane asked.
Umiling si Thomas at ngumiti, "I know you know her. But not too much."
"Bakit, Thomas? May kailangan ba kami malaman?" Mom sounded worried.
"Hindi niyo naman siguro deserve malaman." He said almost a whisper.
"Kung tungkol kay Cadie, kailangan talaga namin malaman—" Kuya Kane was serious already.
"Huwag na po kayo mag talo. Ma, Kuya, Thomas." Tumingin ako kay Thomas at ngumiti sakaniya, "Ayos lang, hindi naman nila ako nakasama ng matagal para malaman lahat ng paborito ko." I looked at Kuya Ka e, "Hindi niyo rin naman po kailangan malaman kung anong nangyayari sa'kin."
Nakita ko na nairita si Kuya Kane sa sinabi ko.
"Pamilya tayo tas hindi kailangan malaman? Are you crazy, Millicent Cadie?" Napataas ang boses niya kaya napapikit ako.
Huminga ako ng malalim at nakita na cinocomfort na siya ni Mommy.
"Kane, calm down." I heard my mom whispered.
"Hindi ma eh. Kung makaasta akala mo hindi tayo nagaalala sakaniya." Bumalik ang tingin ko sakaniya, doon ako napangisi.
"Nagaalala, pero walang magawa para itanggal ako sa bahay na iyon. Para makawala sa sakal ni Papa. Nagaalala, sige." Tumango tango ako at tumayo.
I was about to exit the dining area when my mom spoke.
"Alam mo naman mahirap, anak—"
"Mahirap? Si Kuya Kane, naisama mo. Pero ako ang hindi?" I waited for a reply but I only heard a sobbed.
Umiling ako at dumiretso sa living room para kunin gamit ko.
Nagmamadaling lumapit sa'kin si Thomas, "I'm sorry—"
Umiling kaagad ako, "Shush. You don't have to say sorry. I just want to go home now."
"Alis tayo nila Greg bukas." Tumango na lang ako.
I smiled at him before leaving the house and entering the car.
Tahimik akong nakatingin sa bintana habang pauwi. Out of place. That's why I always feel. School, friends, family. I'm always out of place. I don't know where to position myself because whenever I try, it just slaps me that I don't belong. I always try my best to tell myself that I am enough. But, my surroundings doesn't tend to agree with me.
"Ma'am." Napaangat ako ng tingin and nakitang nandito na kami sa bahay.
I smiled at the driver, "Salamat po. Ingat po kayo." Kinuha ko na ang gamit ko at bumaba na.
When I was about to open the front door, bumungad sa'kin si Papa.
I saw how angry he is.
He pulled me harshly inside and pushed me that I immediately fell.
"Anong sabi ko?" He asked while walking slowly towards me.
"P-Papa—" He slapped and pulled my hair so I can level him.
"Anong sabi ko? Diba sinabi ko na huwag kang makikipagkita don sa mga walanghiya mong nanay at kuya?!" He slapped me once again. My cheek is stinging.
"Pinagbigyan kita. Pinagbigyan kita samahan ka ng pinsan mo! Pero may kasunduan tayo diba? Na hindi ka na makikipagkita don sakanila?! Hindi ka na makakauwi don sa bahay na iyon?!" He shouted near my ear. I can't help but to bite my lip.
He pulled my arm and held it tightly. "Ang tigas talaga ng ulo mo ha?!" He punched my stomach that made me gag.
"Walang hiya ka! Hindi ka marunong sumunod." He let go of me but immediately punched my face.
"Papa! Papa! T-Tama na! Papa, hindi na po mauulit!" He slapped me, scratched me, punched me. "Papa! Please! Hindi na po mauulit. Please. Let go of me, papa! Nasasaktan ako, Papa!" I shouted and cried, but he continued to do it. I was becoming weak. Hindi na ako makahinga ng maayos.
"Tumigil ka na, Reynaldo! I heard manang said.
"Huwag kang makielam dito manang!" Sigaw ni Papa pabalik sakaniya.
"Nakikita mo na ba ang sarili mo? Ang anak mo! Nakikita mo na ba ang nangyayari sa anak mo?!" Manang shouted.
I crawled to her, kahit sobrang sakit na ng buong katawan ko.
"Manang, shh." I tried stopping her but she didn't let me.
"Binaboy mo na ang anak mo! Tas eto pa? Maawa ka naman! Anak mo iyan! Kadugo mo!"
I heard papa heavy breathings, "Manang, kung ayaw mo mawalan ng trabaho, huwag kang makielam dito. Away pamilya to, labas ka na dun."
I successfully placed my hand on manang's foot.
"Stop, please. Manang." Pagmamakaawa ko.
I heard her sobbed. Umangat ang tingin ko at napatakip siya ng bibig.
Narinig ko si Papa nag mura bago padabog na umakyat.
Lumuhod sa harap ko si Manang. "Anak. Umalis ka na dito."
Umiling ako, "Hindi ko pa alam kung paano, Manang. Alam mo kung anong pwedeng gawin ni Papa kahit kanino. Hindi mo dapat ginawa iyon, Manang. Baka mapahamak ka pa."
"Kung hindi ako nagsalita, sigurado akong bangkay ka na."
BINABASA MO ANG
Gleaming Part
Genç KurguEugene Darius Fernando Millicent Cadie Rom When you have someone special during your high school years, what is it called? Is it Puppy Love? Is it First Love? Or is it just Someone you knew back in high school? You may value the person as much as y...