CHAPTER 2

6.7K 179 21
                                    

AN: Good morning guys! Salamat po sa inyong lahat sa pag-support ulit dito sa bago na story ko. Mag-iingat kayong lahat Stay Home for safety 😊❤😚

-----------

Sakay ng mamahalin niyang kotse hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin. Hindi rin ako makapagtanong dahil baka magkamali ako ng itatanong ko.

"S-Salamat." mahinang sabi ko habang narito ako sa likod, gumalaw ako niya patagili lang at muling humarap sa unahan habang nagmamaneho.

Hanggang sa huminto kami sa isang magandang bahay mataas ito ganon rin ang gate. Kusang umangat ito at pinasok na niya ang kotse, napalapit ako sa binta dahil manghang-mangha ako sa ganda ng bahay kahit madilim ay kita ko ito.

"Bumaba ka na."

Napalingon ako at naiilang pa ako kumilos dahil nag-aalala rin ako sa itsura at amoy ko.

"B-bakit dinala mo ako dito? Saka bakit kilala mo ako?"

"Importante pa ba 'yon? Nahanap kita at ngayon nandito ka na sa mga kamay ko. Bakit hindi mo na lang isipin na isa itong napakagandang panaginip."

Biglang bumilis ang pintig ng puso ko ng malaya ko ng nasilayan ang mukha niya. Matangos ang ilong niya at ang gwapo niya habang nakangiti sa akin.

"Maligo ka na rin ang sama na ng amoy mo." sabi pa niya sabay talikod niya.

Hindi ko alam pero napangiti ako dahil sa sinabi niya at sumunod ako sa kanya, pinagmamasdan ko ang likod niya habang maangas na naglalakad ito.

Tama siya bakit ko ba kailangan ko 'yon tanungin? Ang importante ay inalis niya ako sa lugar na 'yon at niligtas na rin.. Saka ko na lang siguro tatanungin kung paano niya nalaman ang buong pangalan ko.

Masayang nakasunod na ako sa kanya papasok sa loob may sumalubong agad sa kanya na dalawang babae at yumukod sa kanya. Napatingin sila sa akin na may pagtataka sa kanilang mukha.

"Bagong katulong ka ba ni, Sir?"

Tanong nitong babae na parang kaedad lang niya at hanggang balikat ang buhok nito, yung katabi naman niya ay mukhang mas matanda sa amin.

"H-Hindi ko po alam." sagot ko na lang dahil hindi ko naman talaga alam kung ano ang ganap ko dito.

Napatango sila sa akin at muling bumalik itong lalaki at hinarap ang dalawa.

"Dalhin niyo siya tabi ng kuwarto ko at dalhan siya ng mga gagamitin para makaligo siya."

Matapos nitong magutos ay muli itong naglakad at umakyat sa hagdan, napapangiting hindi sila makapaniwala ng tingnan nila ako.

"Sabihin mo nga ano ka ba ni, Sir Anthony? Aba, ngayon lang yan nagdala ng babae rito at dito na patitirahin. May mga nagpupunta dito na mga babae ni Sir, pero hanggang doon lang."

Hindi ko na naintindihan ang mga sinabi nila dahila ang pangalan ng taong nagligtas sa akin ang tanging nasa isip ko. Anthony, yon pala ang pangalan niya. Salamat ulit, Anthony.

"Halika na nga mukhang wala ka naman sa sarili eh." Natatawang sabi nitong maikli ang buhok.

"Ikaw talaga Gema, syempre baka naguguluhan at ang daldal mo kasi kaya ganon." sabi naman ng isa at mahinang tinampal siya sa ulo.

Napangiti naman ako sa kanila dahil mukha naman pala silang mabait.

"Sandali ba't ganyan ang itsura mo saan ka ba nagsuot at ganyan ka karumi? At ako nga pala si, Linda at ito si, Gema."

Ngiting pakilala nila sa akin. "Mahabang kuwento saka na lang, Gema at Linda." sagot ko habang paakyat na kami sa itass.

"Siya sige, maligo ka na at linisan mo mabuti ang katawan mo. Kailangan gumanda ka ah." nakangising sabi ni, Gema.

He Owned Me (R-18) COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon