Chapter 3

46 3 1
                                    

A/N: Yoww! Kamusta Amigas? Enjoy reading ;)

Chapter 3: Commotion

Ace POV.

"Yes and he's so freaking hot. Kahit pa anong suotin niya ay talagang nakakainlove!" Sabay kaming napabuntong hininga ni Jansen.

Mag-iisang linggo na naming kasama si Sariel at talagang nakakaburyo ang ingay niya. Halos mabingi na nga ako sa kakadaldal nila ni Jansen.

Hindi ko nga alam kung bakit sumasama-sama siya sa amin ni Jansen ngayon eh.

Simula nang magbreak time namin ay nilapitan niya kami at nakipagkaibigan sa amin ni Jansen.

Hindi ko alam ang pakay niya at kahit sabihin o ipakita niya na ang gusto niya lang ay makipagkaibigan sa amin ay hindi ko magawang magtiwala.

I don't trust anyone.

Nandito kami sa canteen dahil katatapos lang ng klase namin at mamaya pang alas tres ang susunod naming klase.

Pareho sila ng in-order na pagkain. Pasta at orange juices. Samantalang ako ay pizza at isang bote ng tubig.

"Para silang Flower Four na mapapanood mo sa mga telenobela." Dagdag na sabi ni Sariel at kulang na lang ay maging puso ang mata nito dahil sa pagbibida niya sa mga lalaki.

Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy niya dahil hindi naman ako nakikinig. Mas maganda pang kumain na lang ako ng tahimik kaysa makialam sa kanila ni Jansen.

"Hindi naman sila ganon kagwapo. Pero mas gusto ko 'yung matangkad na lalaki. 'Yung palaging kasama ng nasabunutan ni Ace." Hindi ko alam pero parang nagpantig ang tainga ko sa narinig.

Napatingin ako sa dalawa. Kinikilig sila at masasabi kong tipo nila ang mga lalaking binabanggit nila. Hindi naman sa tago ang sekswalidad nila dahil una pa lang ay malinaw na sa akin na naaattract sila sa kapareho.

I mean they're gay and I don't care.

Inamin sa akin ni Jansen na mas gusto niya ang mga lalaki kaysa sa mga babae na makarelasyon at gayundin ang pag-amin sa amin ni Sariel.

Kaya siguro nagkasundo sila agad.

Napansin nilang nakatingin ako kaya huminto sila sa pinag-uusapan.

Tumaas ang kilay ni Jansen dahil sa pagtataka. Sanay kasi ito na wala akong pakialam sa paligid at sa pinag-uusapan nila.

Walang gana naman akong bumalik sa pagkain. Baka ano pa ang isipin niya.

"Wait... Sariel? Ano nga ang pangalan nung nasabunutan ni Ace sa classroom?" Pagtatanong ni Jansen kay Sariel.

Siguro naisip ni Jansen na curious ako sa lalaki.

"Ahhh... Siya si Yohan Angeles. Actually, hindi ko siya masyadong kilala dahil ngayon lang siya nakasama sa tatlo, sina Kent Chua, Luke Simon, at Ralph Brooks." Pagkukwento niya.

Umayos ng upo si Jansen at maging ako ay taimtim na nakinig sa usapan nila.

"Si Kent Chua, sikat siya sa mga babae dahil halos lahat ay naging girlfriend niya, bukod siguro sa mga first year. Ni-hindi ko nga nakita na may tumagal sa kanya na babae.. Baka siguro para siya sa akin...." Kinikilig na sabi ni Sariel at narinig kong natawa si Jansen at sinuportahan ang kahibangan ng bago niyang kaibigan.

"Si Luke Simon naman ay kilala dahil sa pagiging mainitin ang ulo at hindi lang 'yon, palagi niyang ibinibida 'yung motor at sasakyan niya. Well, may ibubuga naman kasi." Proud na sabi ni Sariel at kahit hindi ko tignan si Jansen ay alam kong namamangha siya sa mga naririnig.

Hard HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon