A/N: Update again... Short chapter and another point of view... Enjoy reading ;)
Chapter 9: Spicy hot chicken ramen cup.
Ralph POV.
Lumipas ang tatlong araw mula nang madention si Yohan ay napansin ko na mabilis siyang mairita at sa tuwing mababanggit namin si Ace ay sumisimangot ang mukha niya.
"Why don't you share with me, who's Ace?" Nagtatakang tanong ni Rochelle.
Ngumisi kami nina Kent at Luke. Naririndi na siguro itong si Rochelle dahil sa mga pinagsasabi namin kaya hindi na niya maiwasang hindi magtanong.
"Seriously? Hanggang dito?! 'Yang pangalan pa rin niya ang naririnig ko?!" Hindi niya makapaniwalang pahayag at isa-isa kaming tinignan.
Kaya naman nagmamadaling umalis sina Kent at Luke dahil kukuhanin nila ang transaction na galing sa ibang bansa. Ako naman ay umiwas ng tingin dahil nararamdaman kong naiinis na siya.
Kinuha ko ang first aid kit at bagong benda. Tutulungan ko kasing linisin ang sugat ni Yohan dahil hindi niya pa kayang kumilos.
"I'm just asking, Yohan. But if you tell me that Ace is nothing to you, you don't mind give me a d*mn answer!" Pagsasalita ni Rochelle at umirap. Ibinalin na lang niya ang atensiyon sa laptop.
Ewan ko ba simula kasi nang grumaduate siya sa Lavigne University ay libangan na niya ang manood ng bl drama, bukod sa pagmomonitor sa mga transaction namin sa mafia.
"Okay fine." Bumuntong hininga si Yohan kasabay nang pag-alis niya ng suot na t-shirt. Sinenyasan ko kasi siya na hubarin ang suot dahil lilinisan ko ang sugat niya.
Umupo ako sa harap niya at inilapag ang first aid kit. Napansin ko rin na binitiwan ni Rochelle ang hawak ng laptop at mas lumapit sa amin ni Yohan.
Bumuntong hininga muna si Yohan bago nagsalita. Habang ako ay tinatanggal ang benda sa dibdib niya.
"Ace is simply our blockmates." Nakasimangot na sabi ni Yohan kaya lihim akong natawa.
Blockmates? Napansin ko na hindi lang simpleng blockmates ang turing niya kay Ace. Tulad nga nang sinabi ni Kent, the more you hate the more you love.
"And?" Excited na sabi ni Rochelle at hindi ko na mapigilan ang pagtawa.
Pareho silang tumingin sa akin kaya naman napaayos ako ng upo. "Don't mind me."
Ewan ko ba, masaya lang ako para kay Yohan dahil natutuon na niya ang atensyon sa iba. Dati kasi, palagi siyang tulala sa gallery ng cellphone niya at kung minsan ay umiiyak.
Pinababayaan na lang namin ito pero hindi namin maiwasan na hindi malungkot para sa kaibigan. Simula bata pa lang siya ay iisang tao lang ang hinahangaan niya at alam kong wala nang papalit sa puso niya pero sana... sana buksan niya ang puso sa iba para naman kahit papaano ay maramdaman niyang minamahal din siya at maging masaya siya.
"'Wag mong pansinin si Ralph. Wala lang nagkakagusto d'yan! Kaya ganyan." Natatawang sabi ni Rochelle na ikinasimangot ko.
She's right.
Wala pang taong nagkamali na magustuhan ako at wala rin naman akong nagugustuhan, hindi dahil sa pihikan ako. Ayaw ko lang na makipagrelasyon.
I mean, it's okay to me that I'm single 'coz I want to stay focus on our mafia group. And that's my happiness!
"I don't know why I'm feeling like this. I simply don't like him and there's no reason for that." Nakakunot ang noo ni Yohan habang inaayos ang salamin niya sa mata.
BINABASA MO ANG
Hard Heart
Action"It's not the future you are afraid of. It's the fear of the past repeating itself that haunts you." - Ace THIS IS BOYXBOY/MANXMAN/GAYXMAN/BOYSLOVE ROMANCE STORY. IF YOU ARE NOT INTO IT! THEN LEAVE.. Date published: May 12, 2020 Date finished: ©202...