Chapter 4

55 3 2
                                    

A/N: Good day! Enjoy this chapter!!! Muahhh ;)

Chapter 4: Rank

Ace POV.

"Isama mo na kasi ako Ace. Promise! Hindi ako magiging hadlang sa kung anuman ang pinaplano mo." Pagpupumilit ni Jansen pero hindi ko siya pinakinggan.

Sa halip ay inayos ko ang susuotin kong damit para sa isang battle mamaya at itim na mask na tatakip sa kalahati ng mukha ko.

Wala kasing nakakakilala sa akin at tanging ang committee lang at si Jansen ang nakakaalam.

Hinanda ko rin ang maliit na baril na ilalagay ko sa tagiliran.

Isang buwan na rin ang nakalipas simula nang huli akong nakipaglaban kaya kinakailangan kong mag-ingat.

Napatingin ako kay Jansen na parang bata kung magmaktol. Nakalumbaba siya sa mesa habang pinapanood akong inihahanda ang mga gagamitin para sa laban.

Alam kong gusto niyang malaman ang pinaplano ko pero hindi ko p'wedeng sabihin sa kanya dahil bukod sa napakadelikado ng gagawin ko ay wala rin akong tiwala sa sinuman, kahit pa sa kanya.

Itinuon ko ang sarili sa pagpapatalas ng dalawang dagger na ilalagay ko sa magkabilang binti ko.

"Namimiss ko na ang underground world... Alam mo 'yan." Seryoso niyang pahayag.

Napatingin ako sa kanya at halata sa mukha niya na gusto niyang sumama sa akin. Sa underground world.

Sa lugar kung saan napalilibutan ng mga taong demonyo at walang kaluluwa.

"Lalo na't nalaman ko na bumaba ang pwesto ko sa ranking." Malungkot niyang pag-amin sa akin na ikinagulat ko.

Bumaba ang ranking niya? Sa pagkakaalam ko ay hindi pa siya natatalo ng mga kumakalaban sa kanya.

Kaya bakit bumaba ang ranggo nito?

Sa underground world ay may ranking na tinatawag. Dito nasusukat ang lakas, determinasyon, bilis, abilidad at talino ng isang tao.

Para makakuha ng rank o malagay sa p'westo sa underground world ay kinakailangan nitong lumaban sa tinatawag na underground battle.

Ang underground battle naman ay labanan ng dalawang tao para makamit ang p'westong ninanais. Maaaring labanan ng lakas o pisikal, racing gamit ang sasakyan, firing at iba pa na maaari mong ikamatay.

Ang laban na 'to ay hindi lamang para sa p'westo mo sa rank ng underground world, laban din ito para mabuhay.

Whether you live and fight for it or simply die.

Walang emosyon ko siyang tinitigan.

"Okay! Fine! Kahit hindi mo sabihin, alam kong gusto mong malaman kung nasa p'westo ka pa rin. And your honor, ikaw pa rin ang nagwagi." Mapang-asar niyang pagsasalita kaya tinaasan ko siya ng kilay.

Kapag nasa rank ka ay katatakutan ka ng mga taong nasa mafia at ituturing kang pinakamalakas sa buong underground world at nakabase ito sa mga laban na naipanalo mo.

Karamihan ang mga taong ito ay nasa isang mafia group.

Though, wala akong grupo pero itinuturing pa rin nila akong malakas at kinakatakutan.

Napagtanto ko ang sinabi ni Jansen.

Paano at anong dahilan kung bakit ako pa rin ang nangunguna?

Well, tulad ng sabi ko ay kailangan mong matalo ang mga taong humahamon sa'yo para mahawakan mo ang pinakaiingatan mong pwesto.

Sa Japan nga kami nakatira ni Jansen pero umuuwi kami rito sa Pilipinas para lang makipaglaban o sa madaling salita, para pumatay ng tao.

Hard HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon