A/N: Yow, Sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. Basta type lang ako ng type. Hahaha! Enjoy.....
Chapter 8: Hance
Jansen POV.
Nakasimangot kong ibinaba ang dalang tray na may lamang pagkain. Sumunod sa akin si Sariel at tumabi.
Walang gana akong kumain. Hindi ko kasi malasahan ang mga in-order ko. Kaya napatulala na lang ako at nilaro ang pasta sa pinggan gamit ang tinidor.
"Ahmmm.... Jansen?" Napalingon ako kay Sariel.
"Gano'n ba talaga si Ace?" Tanong niya.
Napataas ang kilay ko. "What do you mean?"
"Ahh... A-ano kasi... Sorry.. 'wag na lang." Nauutal na pagsasalita niya at napansin kong nanginginig ang mga kamay nitong uminom ng tubig.
Bumuntong hininga ako.
I know, I'm such a b*tch right now and I don't want to be hard to Sariel.
"Sorry, but I can't help it. I mean, hindi ko kaya na wala sa tabi ko si Ace. Si Ace lang kasi ang itinuturing kong kaibigan, at kapatid." Pahayag ko.
Lumingon si Sariel sa akin at nahihiyang tumango.
Mabait si Sariel at nakakatuwa ang presensya niya. Pero hindi ako p'wedeng magtiwala agad.
"Hindi ko alam kung bakit at paano kayo naging magkaibigan ni Ace pero masasabi kong masuwerte siya sa'yo." Seryoso niyang pahayag pero nagpantig ang tainga ko.
"Ako ang masuwerte dahil naging kaibigan ko siya." Madiin kong pagsasalita.
Muli siyang uminom ng tubig at katulad kanina ay nanginginig ang kamay nito.
I know Ace didn't show his emotion but I'm already used to it.
Sa loob ba naman ng sampung taon na magkasama kami ay hindi na ako magtataka sa mga ikinikilos niya.
Masikreto at tahimik, ganyan si Ace. Palagi niyang inoobserbahan ang mga taong nasa paligid niya at hindi mo alam kung ano ang mga iniisip o pinaplano niya. Bukod sa nahihirapan siyang iexpress ang feelings niya ay nahihirapan din siyang magtiwala at alam kong isa ako sa taong hindi niya kayang pagkatiwalaan.
Hindi man niya ipakita sa akin na nag-aalala siya at sinasabi niyang wala siyang pakialam, alam ko at nararamdaman ko na mahalaga ako sa kanya at gayundin siya sa akin.
"Pasensya ka na Jansen..." Mahinang sabi ni Sariel sa tabi ko at alam kong pinipili na niya ang mga sasabihin sa akin.
"Hindi lang siguro ako sanay sa ugali ni Ace. I mean I treat him like a friend rather like a brother but I guess he didn't trust me." Malungkot niyang dagdag.
Inakbayan ko siya. "Ganoon talaga si Ace. Hirap siyang magtiwala." Bulalas ko.
Napatingin si Sariel sa akin. "Paano mo nasabi?" Tanong niya.
Nagkibit balikat ako sa kanya. "Mas mabuti pang kumain kaysa pag-usapan ang buhay niya." Payo ko sa kanya.
Tumango ito at bumalik sa pagkain. Habang ako ay uminom na lang ng tubig. Hindi ako sanay na hindi kasabay si Ace kumain.
Alam ko naman na kaya niya sinagot ang Prof kanina para makatulog siya sa detention room. Sanay na ako sa mga dahilan niya dahil noong nasa Japan pa kami ay ginagawa niya na rin ito.
Kaya naman niyang tiisin na makinig sa mga Prof kahit na alam na niya ang mga tinuturo ng mga ito. Nagkataon lang na puyat at pagod siya kagabi dahil sa laban.
BINABASA MO ANG
Hard Heart
Action"It's not the future you are afraid of. It's the fear of the past repeating itself that haunts you." - Ace THIS IS BOYXBOY/MANXMAN/GAYXMAN/BOYSLOVE ROMANCE STORY. IF YOU ARE NOT INTO IT! THEN LEAVE.. Date published: May 12, 2020 Date finished: ©202...