Chapter 6

74 5 4
                                    

A/N: Hi? Naaadik na naman ako pero sa Malec. Isa sila sa bida sa ShadowHunter na palabas. Nire-recommend ko na panoorin niyo ang lovestory nila. Hihihi ;) Btw, enjoy this chapter!!!!!

Chapter 6: Ithuriel

Yohan/Nayo POV.

"Nayo, are you sure about this?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Rochelle o mas kilala bilang Athena rito sa underground world.

"Don't worry Athena. Kaya ko naman sigurong makipaglaban." Natatawa kong sagot ngunit sumimangot lang ito sa akin.

"Si Nayo pa! Parang si Superman 'yan!" Natatawa ring sabi ni Ralph na kilala bilang Zeus.

Lumabas si Kent mula sa kwarto at hawak hawak nito ang Ipod niya. "Ano? Na hack mo na ba ang website Apollo?" Tanong ni Ralph kay Kent.

"Kapag nalaman 'to ng committee Zeus!" Umiiling niyang sabi pero nakangisi.

Napangisi rin ako dahil alam kong kayang i-hack ni Kent o Apollo ang website. Kailangan kong malaman kung sino ang mga nasa listahan para maihanda ang sarili.

Lumabas naman si Luke o mas kilala bilang Ares. Hawak hawak niya ang tiyan niya at namumutla.

"Sorry Nayo! Hindi ko alam kung bakit sumasakit itong tiyan ko." Nanghihina niyang pagsasalita.

Tumango ako sa kanya at lihim na natawa.

Okay lang naman sa akin na ako ang papalit sa kanya. Sumasakit kasi ang tiyan nito at pabalik balik sa banyo dahil sa kinain niyang luto ni Rochelle.

Napatingin kami kay Rochelle na ngayon ay namumula dahil sa kahihiyan. Lahat naman kami ay kumain sa niluto niyang pancake. Si Luke lang talaga ang nadale dahil sa pihikan ang tiyan nito.

"Oh? Anong tinitingin tingin niyo d'yan?! Sinabi ko na! Hindi ako ang may kasalanan. Ito kasing si Ares patay gutom!" Naiinis niyang sabi at sabay sabay kaming natawa nang banggitin niyang patay gutom si Luke.

Eh si Luke ang pinakamaarte sa amin pagdating sa pagkain.

Binato ni Luke ang susi ng motor niya kay Rochelle at nagmadaling bumalik sa banyo. Mabuti na lang at mabilis na nasalo ni Rochelle ang susi dahil kung hindi ay sapul ang mukha nito.

Alam naman namin na pinilit lang ni Luke kainin ang niluto ni Rochelle para hindi ito magtampo. Pero sa tingin ko, ito na ang huling pagkakataon na kakain si Luke sa luto ni Rochelle dahil nadala na siya sa nangyari.

Isa ito sa hindi niya makakalimutang araw sa buhay niya. Bukod kasi sa sumakit ang tiyan nito ay hindi rin siya makakalaban sa motorcycle racing na gagawin dito sa underground world.

Lumapit si Kent sa amin. "Hindi ko mahack ang website. Masyadong secured." Hinawakan ko siya sa balikat.

"It's okay Apollo. Good work." Simpleng sabi ko. Ngumiti naman ito sa akin at ibinalik sa bag niya ang hawak na Ipod.

Ibinigay sa akin ni Ralph ang susuotin ko. Mga protective gears na ginagamit kapag makikipagkarera ng motor.

Pamilyar naman ako sa mga ito dahil nakikipagkarera rin ako pero si Ares ang masasabi kong pinakamagaling sa larangan na ito.

Huminga ako ng malalim. Alam kong may pinaplano ang committee at mas mabuti na ring ako ang papalit kay Luke sa laban.

"Gusto mo ba, ako na lang ang makipagkarera? Kaya ko naman 'yan Nayo." Seryosong pahayag ni Ralph.

Ngumisi naman ako sa kanya. Alam kong kaya niyang ipanalo ang laban pero kailangan ko ring alamin ang sikreto ng committe. Alam kong may binabalak ang mga ito kaya dapat ko itong malaman.

Hard HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon