Chapter 7

41 3 2
                                    

A/N: Sorry for the late update! Almost one month of being hiatus! But, I hope I can make it up to you! Nalilibang lang ako sa Malec!!!!!! Char, Enjoy this chapter ;)

Chapter 7: Detention room

Yohan POV.

"Talagang ang tigas ng ulo mo Yohan!" Seryosong sabi sa akin ni Rochelle pero hindi ako nag-abalang magsalita.

Inayos ko ang suot kong uniform.

"Kailangan mong magpahinga Yohan! 'Wag mong pilitin ang sarili mo na pumasok. Ako na ang bahalang kumausap sa mga Professor." Kalmadong pagsasalita naman ni Kent.

Kinuha ko ang suklay at humarap sa salamin. Sa ikalawang pagkakataon ay hindi ko pinansin ang sinabi ni Kent.

Sabay napabuntong hininga sina Kent at Rochelle.

Lumabas sa banyo si Ralph at agad na lumapit sa akin. "Hindi na ba magbabago ang desisyon mong pumasok?" Pagtatanong naman niya.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Tapos ko nang ayusin ang buhok ko at balak kong magpagupit sa susunod na araw.

Sandali akong natulala at naalala ang nangyari kagabi. Kitang kita ko sa salamin ang maputla kong mukha at ramdam ko ang hapdi sa kaliwang dibdib. Katatapos ko lang rin palitan ng benda ang sugat ko.

Malalim ang sugat ko sa kaliwang dibdib at sa tingin ni Ralph ay aabot ng ilang linggo bago ito gumaling.

"I'm so sorry Yohan. Ako ang dapat na matatamaan ng dagger na 'yon at hindi ikaw." Malumanay na pagsasalita naman ni Luke na nasa tabi ko.

Alam kong sinisisi nila ang sarili nila sa nangyari sa akin kagabi lalo na si Luke.

Hindi tuloy ako sanay na malumanay at kalmado itong si Luke.

Huminga ako nang malalim. Seryoso ang mga mukha nila at halata ang pag-aalala.

Tinapik ko sa balikat si Ralph pagkatapos ay hinarap sila.

"Please... Alam ko ang ginagawa ko. Gusto kong pumasok sa University para mag-aral. Iingatan ko ang sarili ko at alam kong nad'yan kayo sa tabi ko... Well, kung may mangyayari ulit sa akin na masama." Seryosong pahayag ko sa kanila.

Sumimangot sina Ralph at Luke dahil wala na silang magagawa sa desisyon ko. Habang si Kent ay tumango sa akin.

Napabuntong hininga si Rochelle at marahan na niyakap ako. "Sorry, nag-aalala lang kami sa'yo. Pero kung nagtitiwala ka sa amin ay gayundin kami sa'yo." Mahina niyang pagsasalita pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi.

Ngumiti naman ako sa kanila.

They're not only my member or friends. They are my family. They respect me and my decision and I'm glad of that.

Mas'werte ako na nakilala ko sila at ang salitang tiwala ang pinanghahawakan namin sa isa't isa.

"Group hug!" Malakas na sigaw ni Ralph pero pinigilan siya ni Kent.

"Dadagdagan mo pa 'yung sugat ni Yohan eh...." Seryosong sabi ni Kent kaya napasimangot si Ralph.

Natawa na lang ako sa kanila dahil parang bumalik kami sa dati kung saan hindi pa ako nasasaksak ng dagger.

Sabay sabay kaming pumasok sa HU at tulad ng dati ay naiwan si Rochelle sa safe house.

Napabuntong hininga ako.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maialis sa isip ko si Ithuriel.

Ewan ko ba! Para kasing may kakaiba sa taong 'to.

Hard HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon