Can I feature you?
Ria's POV
Nandito ako ngayon sa cafeteria, dahil nagugutom na ko. Hindi pa lunchtime, pero vacant ko naman , kaya kumain na ko.
Wala akong kasabay ngayon, dahil magkakaiba kami ng schedule ng mga kaibigan ko.
Hindi pa rin mawala sa isip ko yung regalo na natanggap ko kahapon. Sabi ni mama, nakita nya daw yon sa tapat ng pintuan namin. Hindi daw dapat nya kukunin, pero nakita nyang may pangalan ko, kaya dinala na lang nya sa kuwarto ko.
Natutuwa ako kasi, kailangan ko talaga ng stethoscope ngayon. Nga pala, I'm a 2nd year medical student. Kung nagtataka kayo kung kanino nanggaling yon, mas lalo naman ako, ako nakatanggap eh.
Wala akong maisip na taong posibleng magbigay sakin non. Hindi naman ako bibilhan non ng mga kaibigan ko. Saka kung bibigyan man nila ko ng regalo, direct nila yung ibibigay. Kaya, sino kaya talaga yon?
Si mama naman, sinabihan kung ako na lang ang bibili, kaya hindi din sya. Impossible namang si Zuri, walang pera yon.
Nakakastress naman to! Hay, sino kaya yung secret sender na yon?
"Hi! Would you mind, if I sit here? Wala na kasing ibang vacant na upuan."
"Ah, no, it's okay."
"Wait, are you Ms. Bartolome, the top student of medicine department?"
"Ah, oo ako nga." Ayokong magmukhang mayabang, pero alangan namang sabi kung hindi ako yon. Hindi ko siya kilala, pero alam kong student sya dito, dahil nakauniform sya.
"Pwede ba kitang i-feature sa gagawin kong article?"
"Wait, ako ife-feature mo? There's nothing special on me."
"Anong wala? Eh sikat na sikat ka nga sa mga estudyante dito?"
"Ha? Ako sikat? Bakit naman?"
"Dahil sa angking talino mo. Madaming ngang naiingit sayo eh, pero madami ding humahanga sayo. Kaya pumayag ka ng i-feature kita."
"Ganon ba? Eh ano namang ilalagay mo sa article kung sakaling pumayag ako?"
"Your secrets."
"What secrets?"
"Kung pa'no mo namemaintain yung pagiging top student mo."
"Ah, ayun ba, sige it'll be a pleasure to share my secrets to other students."
"Okay, kailan kita pwedeng mainterview?"
"Bukas, vacant ko ng 10 a.m."
"Good, vacant ko din yon, so see you tomorrow, nga pala I'm Mon, feature writer ng university publication."
YOU ARE READING
WEATHER YOU LIKE IT OR NOT
Non-FictionJoin Ria and Mon as they overcome their fears, accept the reality of life, and pursue their dreams together despite of their differences.