Chapter 5

5 0 0
                                    

Ria's POV

It's Sunday, walang pasok, kaya late na ko bumangon. Oo nga pala, Piano recital na ni Zuri mamaya, wala pa pala kong susuotin. Sabagay, mamayang 2 pm pa naman yon, may oras pa ko para maghanda.

"Ate, may ginagawa ka ba?"

"Wala naman, bakit?"

"Magpapatulong ako sayo pumili ng damit."

"Wala ka pang isusuot para mamaya?"

"Wala pa ate, hindi kasi ako makapili eh. Ano bang mas bagay sakin, eto bang pink dress na may ribbon sa likod o itong blue na nasa harap yung ribbon?"

"Bagay naman sayo parehas, pero mas gusto ko yung kulay blue."

"Talaga ate, sige ito na susuotin ko. Ikaw ba ate, may susuotin ka na ba?"

"Wala pa nga din eh, pero hahanap na ko."

"Piliin mo yung pinakamaganda ate ha, kasi it's a special day."

"Oo naman no."

"Sige ate, magpapractice muna ako."

Ang cute talaga ni Zuri at ang bait bait pa. Minsan may kakulitan, pero minsan lang yon.

***

"Ate, dun kayo sa unahan nina mama at ate Calla ha, reserved daw yon para sa relatives ng mga magrerecital ngayon."

"Aba, dapat lang, para kitang kita ka namin."

"Ate, nasan na nga pala si ate Calla?"

"Baka nahirapang pumili ng damit, parating na din yon."

"Sige ate, punta muna ako kay mama."

~~Lala's calling~~

"Calla, nasa'n ka na?"

"On the way na ko, intayin mo ko sa labas ha?"

"Oo, bilisan mo na. Ibababa ko na 'to."

"Ria, sorry, late na ba ako?"

"Hindi pa naman, pero malapit na. Ba't ka ba nalate? Nahirapan kang maghanap ng isusuot no?"

"Hindi, nagkaproblema lang sa bahay."

"Hala, anong nangyari?"

"Tara na, mukhang magsisimula na oh." pag-iiba nya sa usapan.

Mamaya ko na nga lang kakausapin si Calla, mukhang hindi naman ganon kaserious yung naging problema nya.

Nga pala, kung nagtataka kayo kung bakit Lala ang nakasave na pangalan sa phone ko eh magtaka lang kayo. Hahaha, joke lang, nickname nya yon, pero di ko trip itawag sa kanya, kaya sa phone ko na lang.

"Our next recitalist is a 12-year old lovely girl. She will be playing "Claire de Lune" of Debussy. Clair de Lune is the third movement of the four-movement suite. The title is French for "Moonlight", and is based off a poem by Paul Verlaine. Ladies and gentlemen, let us all welcome, Zuri Bartolome.

***

"Ang galing galing mo naman Zuri", puri ni Calla nang matapos na ang lahat ng nagrecital.

"Ikaw din naman ate Lala, idol ka kita eh, si ate kasi nagstop na siya sa pagplay"

"Oo nga, try mo kaya ulit Ria, malay mo magustuhan mo na magplay this time", saad sakin ni Calla.

"Try ko, 'pag may time."

"Ay nako, eh lagi nga namang walang time hahahahah", singit ni mama.

"Mama naman"

~~Kring Kring Kring~~

"May natawag sayo, Calla."

"Hala, oo nga, saglit ang ha, sagutin ko lang 'to" sabi niya saka naglakad palayo samin.

WEATHER YOU LIKE IT OR NOTWhere stories live. Discover now