Chapter 1

11 1 1
                                    

RAIN, RAIN GO WAY

Ria's POV

Rain, rain go away
Come again another day
Little children wants to play.


'Yan na naman yang kantang yan. Araw araw na lang eh. Bakit ba favorite na favorite ng mga bata yang kantang yan. As if namang titila talaga yung ulan, 'pag kumanta sila.

Speaking of ulan, wala akong dalang payong, kaya para kong basang sisiw ngayon. Kung iniisip niyong may biglang magpapayong sakin or magpapahiram ng jacket, tigilan nyo na ang pag-iisip nyo. Sa mga kwento at movies lang naman nangyayari yon, pero sa reyalidad, mag-isa mo lang talagang tatahakin ang mga bagay bagay.

Bakit ba kasi nag-overtime pa si Prof., yan tuloy inabot pa ko ng ulan. Sabi kasi sa weather app, bandang ala sais pa uulan. Ine-expect ko na nasa bahay na ko nang ganong oras, kaya di na ko nagdala ng payong.

Heto ako, basang basa sa ulan
Walang masisilungan
Walang malalapitan

Ano ba yan! Bakit porket naulan eh puro tungkol sa ulan ang pinapatugtog ngayon, wala na bang ibang kanta?

Splash! Ah, kapag minamalas ka na naman oh, basang basa na nga nadulas pa.

***

"Oh, ate anong nangyari sayo, ba't basang basa ka tapos putikan pa?" Ano ba yan, nakita pa ko ni Zuri, sya nga pala ang nakababata kong kapatid.

"Nakalimutan kong magdala ng payong saka nadulas ako pauwi." Hindi ko naman nakalimutan  hindi talaga ko nagdala.

"Anak---, naku naman, ano bang nangyari sayong bata ka?"

"Nadulas daw po sya sa daan mama"

"Ay naku, pumasok ka na nang makapagpalit ka na, baka magkasakit ka pa dali na."  Sobrang caring talaga ni mama, kaya love na love ko yan eh.

"Sige ma, punta po muna ako sa kuwarto."

"Anak, may nag---" Hindi ko na narinig yung sinabi ni mama dahil patakbo na kong pumunta sa kuwarto.

Hay, there's no comforting place talaga as home.

Makapagshower na nga ang lagkit ko na at ang putik pa.

Wait! Ano'tong nasa bed ko, bakit may  gift dito?

To: You
From: Me

A stethoscope?

Kanino galing 'to?

WEATHER YOU LIKE IT OR NOTWhere stories live. Discover now