Chapter 3

11 0 0
                                    

Interview

Mon's POV

Nakakaboring naman ang class na 'to. Puro history, eh bakit pa ba kasi namin kailangang malaman yon eh history na nga. Sabi nga nila, past is past, hindi na dapat pang balikan ang nakaraan.

Excited na ko sa interview ko mamaya kay Ms. Bartolome. Actually, crush ko sya eh, ang talino nya kasi. Matalino din naman ako, pero nakakahanga talaga sya.

"Mr. Acosta, are you still with us?" Patay, nahuli na naman ako ni Prof. na hindi nakikinig sa kanya.

"Ah, yes Sir."

"But, why aren't you answering my question?" Question, wala naman akong naaalalang tinanong nya ko.

"What question Sir? I didn't remember anything."

"See, you're not listening."

"I'm sorry Sir, what's the question again?"

"Ah, never mind. I wonder if you can answer that." Yabang naman ni Sir, matalino kaya ako, tinatamad lang talaga kong makinig.

***

Nasa'n na kaya si Ms. Bartolome? Sabagay, 3 minutes pa lang naman syang late.

"Mr. Acosta, sorry nalate ako, nag-overtime na naman kasi yung isa kong Professor."

"It's okay, mahaba pa naman ang oras. By the way, you can just call me Mon, Mr. Acosta is so professional."

"No, I prefer Mr. Acosta, besides you also call me by my family name."

"Okay, if that's what you want. Shall we begin?"

"Ah, yes, feel free to ask questions, as long as it's not below the belt."

***

So, yun pala ang secrets nya. Lalo lang akong humanga sa kanya.

Ang init naman ngayon, sirang sira na talaga ang ozone layer. Makapunta na nga sa classroom, baka malate na naman ako.

Boogsh!

'Pag minamalas ka nga naman nadulas pa. Buti wala masyadong students sa labas, kung hindi nakakahiya.

Hala, yung manuscript ng interview ko kanina. Patay, ba't naman napunit 'to? Nasan yung kadugsong nito?

Kringgg!

Patay, time na, hindi ako pwedeng malate, baka ibagsak na ko. Bahala na nga, medyo natatandaan ko pa naman yung mga sagot nya.

***

Ria's POV

Mamayang 1 pa ulit yung susunod kong klase. Kaya naisipan kong pumunta muna sa library.

la la la la la la la la la la

Ano bayan, hindi ba sya aware na library 'to at hindi studio. Ang ingay eh. Maganda naman yung boses nya, pero kahit na, nasa library pa rin sya. Makapagbasa na nga lang.

Hobby ko talaga ang pagbabasa, part na sya nga daily living ko. Kung baga, hindi matatapos yung isang araw na wala akong binasa na kahit ano.

Saka kung gusto mong maging doctor, dapat masipag ka talagang magbasa. Hindi naman sa sinasabi kong hindi magaling yung teachers ko, pero mas marami akong natututunan kapag nagbabasa ako.

"Ria, sabi na nga ba nandito ka na naman eh." Naku, yan na naman si Calla, ang makulit at cute kong kaibigan.

"Bakit mo ba ko hinahanap?" Sa totoo lang, alam ko na kung bakit, magpapasama na naman sya sa store.

"Magpapasama sana ako sa store, nagugutom kasi ako eh." Sabi na nga ba eh, ewan ko ba dito kay Calla, ang takaw takaw eh hindi naman tumataba.

"Ayoko, nagbabasa pa ko eh."

"Sige na, samahan mo na ko, ililibre kita." May pagnguso pa 'tong babaeng 'to. Pero, wait libre, go ako dyan. Hindi naman ako pobre, matipid lang talaga.

"Sige na nga." Nagpanggap ako na parang napipilitan lang.

"Kunwari ka pang napipilitan, eh  kaya ka naman umoo, kasi ililibre kita."

"Tsss, tara na nga, baka magbago pa ang isip ko."

***

Wala masyadong tao sa store, kaya madali kaming nakabili ng pagkain.

"Okay na ba sayo 'yan?"

"Oo, okay na 'to, nakakahiya naman sayo kung dadagdagan ko pa."

"Sus, kunwari pang nahiya, sabihin mo nagdidiet ka lang, hahahaha."

"Hindi ako nagdidiet no, medyo busog lang." Hindi naman talaga ko nagdidiet, nahihiya lang talaga ko, pero konti lang.

"Nga pala, nakita kitang may kausap na lalaki kanina, ikaw ha, may hindi ka sinasabi sakin."

"Lalaki? Sino yon? Ah, yung nag-interview sakin kanina, feature writer yon ng university publication."

"Eh, ba't ka naman nya ininterview?"

"Tungkol daw sa pagiging top student ko."

"Ah, yun pala, 'kala ko naman, pinopormahan ka na."

"Hay naku, kung anu-anong pinag-iiisip mo, kumain ka na nga lang."

"Pero, wag ka, maitsura si kuya."

"Maitsura, maitsura, eh lahat naman ng tao may itsura."

"Aisshh, ewan ko sayo, ang pilosopo mo talaga. Pero, Ria, wala ka ba talagang balak magboyfriend?"

"Calla, ilang beses ko bang sasabihin sayo na study first ako."

"Dahil pa din ba 'to kay Damien?"

WEATHER YOU LIKE IT OR NOTWhere stories live. Discover now