No Dress Code
Ria's POV
Hindi pa din mawala sa isipan ko yung sinabi ni Calla kanina.
Nung tinanong niya ko kanina, hindi ako nakasagot. Matagal tagal ko ring hindi naririnig ang pangalan niya, kaya natigilan ako nung banggitin ulit yon ni Calla.
Dahil hindi na ko nakasagot kanina, nagpaalam na sakin si Calla at pumunta na din ako sa next class ko.
Kahit na nasa klase ako kanina ay lumilipad ang isipan ko sa ibang bagay. Kung baga, physically present, but mentally absent.
Wala akong naintindihan kanina. Buti na nga lang at walang naging quiz o recitation. Dahil 'pag nagkataon, wala akong maisasagot.
"Ate, tara na kakain na."
"Sige, susunod na lang ako."
***
"Kamusta naman ang araw mo anak, bakit parang ang tahimik mo?"
"Medyo napagod lang po ako mama, madami kasi kaming ginawa."
"Ah, ganun ba." sagot ni mama na halatang hindi sumang-ayon sa naging sagot ko. "Nga pala, may klase ka ba sa Sunday?"
"Wala po, bakit po?"
"Piano recital kasi ni Zuri, uuwi din ang papa mo."
"Ganon po ba? Sya Zuri, galingan mo ha! Manonood ako."
"Syempre naman ate, dapat ikaw ang unang papalakpak."
"Oo ba, with standing ovation pa."
"Sabi mo yan ha, promise?"
"Promise." sagot ko na may kasama pang pinky swear. Bata pa lang si Zuri ay nagpapiano na sya. Actually, kaming dalawa eh, pero itinigil ko na. Siya, sobrang nagustuhan nya, kaya ngayon ang galing galing na nya.
***
"Ria, sorry kahapon ha? Hindi ko sinasadyang banggitin yung pangalan niya."
"Okay lang yon Calla. Nga pala nakita mo ba sina Lana at Bella?
"Hindi nga eh, baka nagsosolo na naman, alam mo naman yung dalawa yon, napakadaming sikreto."
Sina Lana at Bella ay mga kaibigan ko din, pero minsan ko lang sila makasama. Madalas ay si Calla ang nakakasama ko. Childhood best friend ko siya, ewan ko ba't hindi kami nagkakasawaan nito. Sabagay sabi nga, "Truly great friends are hard to find, difficult to leave, and impossible to forget."
"Calla, may lakad ka ba sa Sunday?"
"Wala naman, bakit?"
"Piano recital kasi ni Zuri, baka gusto mong pumunta, tutal pianist ka din naman."
"Sige pupunta ko, pero sa isang kondisyon."
"Ano naman yon?"
"Samahan mo ko sa store." Hay, yan na naman sya, gutom na naman.
"Yung totoo Calla, pinapakain ka ba sa bahay niyo?" natatawa kong tanong sa kanya.
"Oo naman, hindi nila ako gugutumin no, ako lang naman ang nag-iisa nilang anak na maganda."
"Pa'nong hindi ka mag-iisa eh ikaw lang naman ang babae sa inyong magkakapatid hahahaha."
"Sasamahan mo ba ko o hindi? Bahala ka, walang ibang manlilibre sayo." Totoo yung sinabi nya, sya lang yung laging nanlilibre sakin. Eh, may kapalit naman yon, lagi ko syang sinasamahan bumili.
"Sabi ko nga, tara na" natatawa ko pa ring sabi.
***
"Ria, ano nga palang kailangan kong suotin sa recital ni Zuri, gown ba o cocktail?" Yan pa ang isang katangian ni Calla, masyado syang OA magdamit.
"Sige maggown ka nang mapagkamalan kang Disney princess."
"Eh, ano nga dapat?"
"Simple dress lang."
"Ah, ganon ba? Kahit anong kulay?"
"Oo", tipid kong sagot.
YOU ARE READING
WEATHER YOU LIKE IT OR NOT
Документальная прозаJoin Ria and Mon as they overcome their fears, accept the reality of life, and pursue their dreams together despite of their differences.