What's the ocassion?
Ria's POV
Hindi pa rin sakin sinasabi ni Calla kung anong naging problema sa bahay nila kagabi. Nag-aalala na nga ko don eh, halatang mabigat yung problema niya.
Flashback
"Calla iha, kain muna tayo bago umuwi, ihahatid ka na lang namin sa inyo" aya ni mama.
"Hindi na po muna ako sasama tita, pagod na po kasi ako saka busog pa naman po ako" sagot nya na may kasamang pilit na ngiti.
"Ah, ganon ba, sige, ihatid ka na lang muna namin."
"Wag, na po, okay lang naman po ako, una na po ako, bye po tita, bye Zuri, bye Ria."
"Teka lan---" bago ko pa matapos yung sasabihin ko, tumakbo na sya para pumara ng taxi.
Tawagan ko nga yon, maaga pa naman, may time pa kong magready for school.
~~Dialing Lala~~
The subscriber you're calling is either unattended or out of coverage area, please try again later.
The subscriber you're calling is either unattended or out of coverage area, please try again later.
~~Dialing Lala~~
The subscriber you're calling is either unattended or out of coverage area, please try again later.
The subscriber you're calling is either unattended or out of coverage area, please try again later.
Anu ba yan, tulog pa siguro yon. Matry pa nga ng isa.
~~Dialing Lala~~
"The subscriber you're calling is either unattended or out of coverage area, please try again later."
Hay, wala talaga, sa school ko na lang yun tatanungin mamaya. Makapagready na nga, baka malate pa ako.
"Anak, halika na kayo, kain na tayo."
"Sige ma, coming."
"Wow, anong meron ma, ba't ang daming pagkain?" magtataka ka talaga kasi may spagetti, may puto, may cassava cake, saka kung anu-ano pa. Wala naman akong maalalang may birthday ngayon. Kasi puro ber months yung birthday namin, eh august pa lang naman ngayon.
"Hulaan mo."
Ano pa bang special ocassions maliban sa birthdays? Hindi din naman anniversary, kasi nung February pa anniversary nila.
"Ano ba kasi yon mama? Di ko talaga maalala."
"Isipin mong mabuti, sabi ko sayo noon, wag na wag na wag mo yung kakalimutan. Eh ang bata mo pa'y ulyanin ka na" sabi ni mama na may kasama pang tawa.
~~Kring Kring Kring~~
~~Bella's calling~~
"Hello, Bella, ang aga ah. Ba't ka napatawag?"
"Ria, pwedeng humingi ng favor?"
"Pwede naman, ano ba yun?"
"Diba, marunong ka namang magpiano? Pwedeng ikaw na lang kunin kung pianist?"
"Bella, alam mo namang matagal na kung hindi natugtog diba?"
"Oo nga eh, kaso wala na talaga akong ibang mahanap. So, sana pumayag ka. Saka para makaplay ka na din ulit."
"Sige pag-iisipan ko."
"Thank you, thank you Ria, bye."
"By--" ano bayan binabaan agad ako.
Ano na naman kayang play ang sinalihan nun ni Bella?
Nga pala, si Bella, isa sa mga kaibigan namin, mahilig yung sumali sa musical play sa school namin. Nagtataka nga ako kung bakit dentistry ang course non, imbis na Music major.
Wait! Kada may play syang sasalihan si Calla ang kinukuha niyang pianist, pero bakit ngayon ako kinuha nya? Ano ba talagang problema ni Calla?
~~Ding dong ding dong~~
Hello, thank you sa mga nagbabasa nito. Sana magustuhan niyo. Feel free to like, share, and subscribe joke hahahahah. Feel free to vote and comment.
YOU ARE READING
WEATHER YOU LIKE IT OR NOT
Non-FictionJoin Ria and Mon as they overcome their fears, accept the reality of life, and pursue their dreams together despite of their differences.