One

88 35 9
                                    

Andi's Pov

"Wooooh!Cavite here we come!!!"agad kong binatukan si Francine."Aray ko..."nagpout pa siya.

"Napakaingay mo."sita ko sa kaniya.Binalewala lang niya ako at inalabas uli ang ulo sa bintana ng jeep.

Mga talipandas!Chinika pala ni Vlyss kela Ellie na aalis ako.Ang mga gago naman ay sumama.
Habang nasa byahe kami ay hindi ko naiwasang magtanong."Ano sinabi niyo sa magulang niyo?"

Nagkatinginan pa silang lahat bago sumagot."Tumakas kami."

"Ano?!"Baliw na ba sila?

"Wala naman sila mommy kaya okay lang sakin."Vlyss.

"Same!"sigaw ni Queen.

"Pinayagan naman ako ni Mommy pero hindi niya alam na ngayon tayo aalis."Francine.No wonder kung bakit siya pinayagan.She's a spoiled brat.

"Eh kayo?"tanong ko naman sa kanilang apat.

"Takas lang sa gedli!"maligayang sigaw pa ni Jenise.

"Sayang nga lang at hindi nakasama si----"

BEEEEEEEEEEEPPPPPPP

Biglang pumreno ang jeep na sinasakyan namin."Ano ba 'yan manong?!"bulyaw naman ni Kiara habang hawak hawak ang dibdib niya.Tumalbog kasi hahahaha.

"Sorry ho ma'am."kakamot kamot ng ulo si kuya.Pinagpatuloy naman ni manong anh pagdadrive.After 5 minutes huminto ito sa isang paradahan ng mga jeep.
"Ma'am ito po ang terminal.Mula po dito sumakay kayo ng jeep na may signboard na Area tapos itanong niyo nalang po kung saan yung baranggay niyo ho."sabi ni kuya.Bumababa naman kami at kaniya kaniyang hila ng mga maleta.

"Wahhh shawarma!"sigaw ni Francine at hinila niya si Ellie  para bumili."Hoi bilisan niyo kung ayaw niyong iwan naman kayo at maging palaboy nalang kayo habangbuhay!"bulyaw ko naman.

MULA sa kinatatayuan ko nakita ko ang mga jeep na naka parada.May espasyo namang bukod para sa mga tricycle.Bumalik na sina Francine habang may hawak na shawarma."Tara na."sabi ni Vlys.

Pumasok kami sa taling nakaharang sa terminal."Manong sa'n ho dito sakayan ng area?"tanong ni Jenise.Itunuro ni Manong ang isang jeep.Puno naman ng nga barker na sumusigaw doon."Oh area!Area!Area!"

Pumasok kami sa jeep na itinuro ni Manong.Nang mapuno ang jeep ay nagbayad nakami.Tahimik ko lang pinagmamasdan ang kalsad nang may marinig ako."Ate!Kuya!Kahit pembarya"Anak ng pota!Nakita ko si Francine na nakalhad ang kamay at umaarte na sumasakit ang tiyan."Hindi po kami masamang tao.Nais lang po namin na humingi ng konting tulong."gatong naman ni Queen.

Inirapan naman sila ng mga babaeng kaharap namin.Sa tingin ko mga kasing edad namin sila."Iww so cheap!"nagpantig naman ang tenga ko doon.

PUUUUUUUUKKK!

Sabay kong kinutusan sina Queen."Ano ba kayo nakakahiya kayo!"bulyaw ko.Wala naman silan imik habang hawak hawak ang ulo.Sigurado akong mainit 'yon kinaskas ko kasi habang kinukitusan hahaha."Makapag sabi naman ng cheap kala mo may ari ng hacienda."pagpaparinig ko"Excuse me?!Are you reffering to us?!"sigaw naman ng isa sa kanila.Bakit ganoon?Malabo mata ko o ano?Muka silang mga coloring book.Puro make up ang panget naman!

"No.Pero kung natataman aba sige saluhin mo lahat."sabi ko.

"Owwwwwww!"siraulo talaga si Francine."Tama na 'yan!"pigil naman ni Vlys.Alam kong inaawat niya ako dahil maikili lang pasensya ko.Konting daldal pa ng babaeng kaharap ko dadapo 'tong kamao ko sa mukha niya.

"Pagsabihan mo 'yang kaibigan mo muka kayong bago dito pero gumagawa agad kayo ng kahihiyan."sabat pa ng isa.

Hindi nalang namin pinansin.Mukang malayo layo 'rin ang byahe."Saan ba tayo?"tanong sakin ni Ellie.Kumuha ako ng rerentahang bahay para sa amin bago pa kami nakasakay sa eroplano kanina."Manong pakibaba po kami sa kanto ng Area D!"sabi ko.

Habang nasa byahe pansin ko ang mga gusaling nakatayo.Hindi ganoon kataas pero may mga kaniyang kaniyang signboard.Gaya nalamang ng una kong nakita."Petshop ni Roy"sinilip ko mula sa bintana.Madaming ibon ang nasa labas.Gusto kong bumisita doon baka sa susunod.Nag kalat rin ang franchise ng isang kilalang convenient store sa kalsada.

Nahagip ng mata ko ang isang palengke.May malaking letrang nakasulat na MAGRA
Sa tabi no'n ay isang mall!Wow!

"Omy god!Buti at may mall dito!"sigaw ni Queen na halatang excited mamili.Nadaanan din namin ang munisipyo."Infairness ang ganda ng muni nila ha!Look mukang malinis at may mga korte pa ang puno!"

Nadaan naman namin ang isang school.San Gabriel 2 Elementary School.May kadugtung itong school.At doon kami papasok next monday.

"Is that our school?"tanong ni Kiara sakin.Tumango lamang ako.Sa sobrang paglilibot ng mata ko hindi ko namalayan na kami nalang ang pasahero ni manong.

"Maam andito na po tayo."sabi ni kuya at nakatigil kami sa kalsada katabi ang isa pang public school.

Bumaba kaming lahat dala dala ang mga gamit."Wow!Ang ganda naman dito ba tayo titira?!"si Francine."Gaga!School 'yan!"asar namin sa kaniya.

Naglakad ako papunta sa mga tricycle driver."Kuya pwede po bang ihatid niyo kami sa Brgy.Tirona?Yung yellow house daw po."sabi ko at pinakita ang picture na sinend ng may ari.

Sumakay naman kaming lahat.Dalawang tricycle ang inarkila namin dahil 7 kami at hindi kakasya sa isa."Ano ka ba Francine baka sayo lang maubos ang stocks ng pakain natin ah!"asar ni Ellie hawak hawak kasi ni Francine ang isang balot ng marshmallow.Mula pa kanina 'di nawalan ng nginangata sa bunganga!

Tumigil ang tricycle sa isang eskinita na may court?May mga batang nagtatakbuhan doon.May mga lalaki ring nagbabasketball.Naka topless.Wow Abs!

"WOW!May swing oh!"

"Look ang ganda ng sikat ng araw!Magandang pang IG!"

"Omygod!Tara siso tayo!"

Nagbayad na ako kay manong ng pamasahe namin.Nilibot ko ang mata ko habang sila naman excited na naglaro sa playground.

Lumapit ako sa isang lalaki.Pagharap niya tagaktak ang pawis niya.He's handsome.I think were on the same age but his abs is already firm.I wonder how hard to achieve that kind of body."Miss may kailangan ka?"nabalik naman ako sa reyalidad ng magsalita siya.

"Ah a-ano"shet bat nauutal ako!
Kagagaling ko lang sa heartbreak tapos ito ako.Stop it Andi!Tangina harot!

"Alam mo ba kung saan yung yellow house daw?"tanong ko.
Hindi kagad siya sumagot at lumapi ang mga tropa."Pre may mga chicks do'n oh!"sinundan ko ng turo ang daliri niya.Sila Queen ang tinutukoy niya."Oo nga!Gaganda amputsa!"bulyaw pa ng isa."Bakat pa 'yung--"

Hindi niya natuloy ang sasabihin niya ng sunggaban ko ang kwelyo niya."Hoi anong problema mo!"sigaw niya sa mukha ko.Pota naman nag pa waterfalls pa.

"'Wag na ' wag mong babastusin ang mga kaibigan ko!"

***

REBELLIOUS SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon