Ellie's Pov
"ELLIE ALCAZAR!"6 pm.Umalingaw ngaw sa kwarto ko ang boses ni Mama.
"Maa.."sabi ko at nag-inat inat pa."Anong sa tingin mo ang ginagawa mo sa school ha?!Look at your grades 87?You should get 97-98.Buti pa ang pinsan mo!Ganiyan ba ang napapala mo sa kababarkada mo kela Andi?!"
Agad akong umiling."Ma!Hindi!"
From the very beggining ganto na si Mama.She always want me to top the class.When I was on elementary,maayos ang lahat.Nasusunod ko ang gusto niya na maging top sa klase.Pero nang tumuntong ako ng highschool.Doon ko nameet sina Andi.Hindi sila masamang impluwensya sakin,infact tinuruan nila akong maging masaya sa paraang gusto ko.1st year and 2nd year ay nagtop parin naman ako sa class.But the 3rd year is really hard for me.Gusto kong sundin si Mama pero gusto ko ring maging normal na studyante na masaya.'Yung tipon galawan ni Andi na hindi magrereview sa exam,makakazero sa quiz pero nakangiti parin.I like that.So hindi ako nagseryoso ng 3rd year.Napansin din nila Queen 'yon pero wala silang sinumbat sakin.
"Baba ng grades ko ngayon!"si Andi na winawagayway pa ang card niya.Binatukan naman siya ni Vlys."Ugok!Dati pa namang mababa ang grade mo ano pang bago doon?Hahahaha"nagtawanan naman sila.
Tinapik ako ni Jenise."Oh Ellie,Huwebes pala pero yung mukha mo pang biyernes santo!"Nagsilunganan naman sila sakin.Yumuko lang ako habang hawak ang card ko.
Lumapit si Francine at kinuha ang card ko,wala siyang imik at pinasa kay Jenise.Hinablot naman bigla ni Andi yung card,pinasadahan niya ng tingin 'yon at bumaling sakin.
"You're great."tipid niya sabi.Somehow I feel relief."Paniguradong lagot ako kay Mama"sabi ko at yumuko uli.
"Grades is just a number.."si Jenise.
"Don't just stick on that Jenise.Yeah grades is just a number,but it will define who you are in the near future."sabi ko.
"Tama na 'yan!Okay lang yan Ellie ang taas nga ng grade mo eh may mga tao lang talaga na hindi makukuntento sa kung anong meron ka."ani Vlys.
Kinuha uli ni Francine ang card ko at pinasadahan ng tingin.Hinawi niya ang takas na buhok sa mukha niya at lumingon sakin"How to be you po?"sabi niya in a pabebe way.
"Ma ako nasa top10 naman ako ng class.Are you not contented with that?"para namang nagpantig ang tenga ni mama.Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin."Contented?With that Ellie?!Ang baba ng grade mo!Hindi ka guma--"
I cut her off."Hindi naman kami parehas.Alam mong mas matalino sakin si Dafney!Bakit ba hindi kayo makuntento sa kung anong na-achieve ko?Ah oo nga pala nakikipagpaligsahan ka kasi kay Tita Dane kaya ako ang pinepressure mo!Edi sana hindi nalang ako ang naging anak mo!"Isang malakas na sampal lang naman ang natanggap ko.She pointed me her index finger."How dare you talk to me like that!Ganyan ba ang tinuturo sa school niyo?O ng barkada mo?!"Umagos naman sa pisngi ako ang luha ko.You'll never understand me!
"Anong nangyayari dito?"dumating si Papa"Kausapin mo 'yang anak mo 'yang Echo!Kung magsasagot sakin akala mo kung sino!"
"Ellie,anak sige na ako na bahala dito."sinara ni Papa ang pinto ng kwarto ko.Hindi ko alam kung paano nakuha ni mama ang card ko gayong tinago ko 'yon.I cried all night thinking what's wrong with me.
Beep.Beep.
My phone vibrates.May message sa gc namin.Wait bagon group chat?
Vlys:Mga ugok
Francine:Po?
Jenise:Ano?
Kailani is typing...
Vlys:Pumunta kaninang madaling araw si Andi samin.
Queen:Sana all.
Ako:Why?
Vlys:Sabi niya pupunta siya ng Cavite.Doon na daw siya mag-aaral!May mga dalang maleta feeling ko naglayas!
Francine:Hala:<
Jenise:Loka loka talaga!
Kai:What's the plan?
Vlys:Do you want to go with her?
Francine:Yehey!Yuhoo....
Queen:What?!Parang papayagan ako ni Kuya King!
Jenise:Uso takas tanga!
Vlys:What do you think Ellie?
Should I come with them?Nakakasakal na si Mama..
Ako:Sige?
Francine:Wowowow sige daw sabi ni Ellieeee!
Queen:May problema ba sa inyo El?Himala at pumayag ka?
Vlys:Let's meet on my house this morning.Mag impake na kayo!
Francine:Yuhooooo!
Queen:Magtatampo si Andi pagnalamang may gc tayo.
Nag react lang kami ng haha.
Queen changed the group photo.
Pfft.It was an epic picture of Andi habang humihikab!Hahahaha.
Queen:Curse?
Kai:Gaga ka hahahaha.
Sinunod namin ang plano ni Vlys.Saktong wala sila Mama't papa kaya naka alis din agad ako.
Nang dumating ako ay si Francine nalang ang wala."Are you sure about this Vlys?"tanong ni Kai sa kaniya."Ngayon ka pa ba mag aalinlangan andito na tayo Kai!"si Queen.Maya maya pa'y dumating na si Francine.Nagulat kami nang sa van siya bumaba kasama ang Mommy niya?!What the heck!
"Francine!Bakit andito si Tita Analyn?!"galit na bulong ni Queen."Okay lang!Sinabi ko na kay Mommy"
"WHAT?!"Sigaw ni Kai.
Sabay sabay kaming napalingon sa pagbaba ni Tita Analyn sa van."Hi girls!"she giggled.
"'Wag kayong mag-alala pinayagan ko si Francine!Dahil mawawal rin kami in a few months ng Daddy niya so make sure na aalagaan niyo ang anak ko ha!"Oo nga pala spoiled si Francine sa mga magulang niya.
"Tita Analyn,sana wag ng makarating 'to sa parents namin."nagsusumamong sabi ni Vlys.
Tumango si Tita."Sure.Sure.Pero inform me kapag may kailangan kayo or may masamang mangyari ha.I trust you girls sa anak ko."Sabay sabay kaming tumango.Nagpaalam na si Tita sa amin.Kami naman ay bumyahe na papuntang airport.
New life here I come.
BINABASA MO ANG
REBELLIOUS SQUAD
Teen FictionA story about friendship,love and family. Andi Fabregas is a typical highschool girl who's longing for the love of her mother who died because of cancer.Ate the age of 17 ipinamana ng Lolo Dad niya sa kaniya ang kompanya at lahat ng ari-arian ng ang...