Ten

21 4 0
                                    

Andi's Pov

Matapos ang buong klase ay puro introduce yourself lang ang nangyari at syempre pagbilin ng nga kailangan sa school.Kaya naman naisipan naming mamili sa malapit na mall sa school ng mga school supplies.

Habang naglilibot sa bookstore ay nagreklamo ako.
"Alam mo hindi ko talaga gets eh bakit tayo pibibili ng bunot at floorwax eh hindi naman magagamit 'yon sa pag-aaral"sabi ko.Binatukan naman ako ni Vlys at nagkunwari nalang ako nasaktan."Tungaks!syempre kailangan yon panglinis ng room natin palibhasa pagnaglilinis tayo sa yellow house lahat kami nagalaw at ikaw naman ayon hala sige ML!"

Niratrat na naman niya ako habang sina Francine naman ay panay an hagikgik.Pagkatapos namin ay nagyaya na silang umuwi."Mauna na kayo may dadaanan pa 'ko."sabi ko at humakbang na paalis.

Pumunta ako sa likod ng mall kung saan may nag-aantay na isang pribadong kotse."Manong pasensya na natagalan.sabi ko sa driver na tumango lang.

Dumaan ang ilang minuto at dinala ako sa isang malaking bahay.Automatic na bumukas ang malaking gate nang papasok na ang kotse na sinasakyan namin.May nagbukas ng pintuan ko kaya naman bumaba ako."Hinahantay na po kayo ni Master."sabi ng lalake at itinuro ang papasok sa loob.

Napaka engrande ng mga palamuti sa loob.Paintings,vase at iba pang furnitures they look old pero alam kong mga makasaysayan ang iba doon.Inshort mamahalin.Napunta naman ang tingin ko sa pababang pormal na pormadong lalaki.

"Tito Alex.."bati ko.Ngumiti naman siya bilang tugon.Pumunta kami sa sala nila."Hija..May gusto akong ipakilala sa'yo."sabi niya at may isang lalaking lumapit sa amin.Sa tantsa ko magkasing edad lang kami.Wala rin namang mapipintas sa mukha niya.Clean cut of hair.Fair skin.Attractive eyes.Yung tipong maiilang ka kapag nakipagtitigan ka sakaniya.

Pwe tama na sa daydreaming!
Tumaas naman ang isang sulok ng lalaking kaharap ko.Why do I find it sexy?"Andi hija..This is my son,Haji Kosumi."pakilala niya sa anak niya.Nag offer naman ng kamay si Haji.Tinignan ko muna siya sabay tango.I don't do shakehands.

Napaawang naman ang bibig niya sabay tago ng kamay.Natawa naman si Tito Alex samin."Andi si Haji ang magbabantay sayo hanggat hindi pa natin kilala kung sino ang inutusan ng ate Gilian mo."Napag-usapan na namin 'to ni Tito noong palihim kaming nagkita nung nakaraan,pero hindi ko inaasahan na anak niya ang ipagkakatiwala niya sa akin."Hindi mo siya nakalaro noon dahil nasa States siya nung bata ka pa kasama ng Tita Hazel mo."

"Ah ganoon po ba."speechless ako mga inday.Ang hot naman ng magbabantay sakin huhuhu."Hi Kuya Haji."sabi ko at tumawa naman si Tito at nagsmirk si Haji."Drop the 'kuya' same age lang kayo.By the way magiging schoolma---ay no classmates pala para mas mabantayan ka niya."

What?!

Kumunot ang noo ko sinabi niya."Ha?Tito nagsimula na 'yung klase ah?"

Tumawa naman siya."I can pull some strings Andi parang hindi mo naman ako kilala."yeah si Tito Alex nga pala 'to lahat bagay may koneksyon.Bigla namang dumating ang tatlong yaya na may dalang nga maleta.Ano yan pinalayas?

"Master ito na po."sabi ng isang yaya."Haji will be staying in your house."What the fvck?!"Ha bakit Tito?!"

"Para mas mabantayan ka."maotoridad na sabi niya.Tumikhim naman si Haji kaya napatingin ako sa kaniya."Maliit lang ang bahay namin."sabi ko at ngumiti nama siya.God he's damn hot!

"I know.I remember the night you're drinking."nagitla naman ako sa sinabi niya."Masama sa babae ang nag-iinom"So siya pala 'yon?!Damuho akala ko multo 'yon!

Matapos magdiskusyon sumakay kami sa isang van para ihatid sa yellow house.May isa pa pala akong problema!Ano sasabihin ko kina Vlys?!"What's bothering you?"tanong niya habang tutok na nakatingi sakin.Umiling lang ako."Tahimik ka pala?Paano tayo magiging close niyan?"napaigtad naman ako sa sinabi niya.Kaming dalawa lang ang nasa backseat at sa harapan ay ang driver lang."Kailangan bang maging close tayo? Hehehe"sabi ko sabay kamot ulo.

"Ofcourse binili ka sa akin ni Dad."

Pagpasok ng van sa court malapit sa yello house agad na nagtinginan ang mga batang naglalaro.Akmang baba na si Haji pero hinawakan ko siya sa kamay para pigilan."Wait.."

Napatingin naman siya sa kamay ko na nakahawak sa kaniya kaya inalis ko."Ehem.Ano kasi---hindi alam ng mga tao dito na mayaman kami nagpapanggap lang kami dito atsaka magtataka sina Vlys yung mga kaibigan ko sino ka.Hindi rin nila alam ang dahilan kung bakit ako lumipat dito."

Nakatanga lang siya sakin ng ilan seguno bago sumagot."Ako bahala."Why do I feel so relieve sa sinabi niya?Bakit parang kahit saglit naramdaman kong may masasandalan ako?"By the way,you have a soft hand huh?"sabi niya sabay kindat bago bumaba.

"HAJI!!!!"Ang damuho tinawanan lang ako.

Pagkababa namin ay dinala na namin ang mga maleta.Sa pintuan palang ng bahay namin ay kitang kita ang pagtataka sa mukha nila Queen.Nadatnan ko sa sala si Francine at Ellie na kumakain habang nanonood ng kdrama sa laptop.At si Vlys at Jenise naman ay nagkukwentuhan.

"Andi!Sino yan?!"si Vlys as usual inuusisa na naman ako.

Napabuntong hininga nalang ako ng may maramdaman akong braso na humapit sa bewang ko.
"Easy girls.I'm her boyfriend."

Tangina?Anong pinagsasabi nito?!Ito ba ang sinasabi niyang 'ako ang bahala'?Pinilit kong kumawala pero mas lalo lang niya akong hinahapit palapit sa kaniya.

"ANO?!"Sabay sabay na sabi nila at halata sa kanilang gulong gulo sila."Gagi!Umalis kalang saglit tapos may jowa ka na pagbalik?Naka move on kana kay Brent?!"

Tumikhim naman si Haji sa narinig niya kaya napatingin ako sa kaniya at muka siyang iritado?Ayaw niya ata ng maiingay.Paktay malaking problema 'to.

"Yeah.She already moved on.She's into me.I'm Haji Kosumi."inilahad niya ang kamay niya at dali dali naman siyang kinamayan ng mga kaibigan ko.

"Banal na aso!Santong kabayo!"

Nabaling naman ang atensyon namin sa babaeng nakanta.Lumabas si Queen galing sa banyo ng nakabathrobe na kumakanta at nakapikit pa.

"Natatawa ako hihihihi!"

Nasapo ko naman ang noo ko.Nakakahiya!"Queen!"sigaw ni Vlys.Dumilat si Queen at tumawa bigla pero natigil ng biglang nakita niya si Haji.

"What the fvck?!"sabi niya at hinigpitan ang kapit sa bathrobe at tumakbo papuntang kwarto.Nagtawanan naman kami maliban kay Haji na mukhang nakakita ng multo."Hoi bakit?"umangat pa ako ng kaonti para bumulong sa kaniya dahil mas matangkad siya sakin.

Lumunok naman siya ng ilang beses.Wala siyang sinagot pero nginuso niya ang ibabang parte niya.Yuck!

"Bwiset kadiri ka!'Wag mo sabihing na love at first sight ka kay Queen?"tanong ko at hinahampas hampas ang braso dibdib niya.Ngumisi naman siya at yumuko para bulungan ako.Naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko.Shit tindig balahibo ako!

"Jealous?"nanunudyo niyang tanong.Siniko ko naman siya"G*go"sabi ko at tumawa naman siya.

Iniwan ko muna si Haji sa sala dahil ini-interrogate siya nila Jenise.Mga gunggong paniwalang paniwala na jowa ko 'yon!Pagpasok ko na abutan ko si Queen na may kausap sa cellphone.Nakaupo siya sa kama at nakatalikod sakin."Ano pa bang bago kuya?Kontrolado niyo naman buhay ko diba?"pinilit kong maging tahimik."Bahala kayo!"sabi niya at binato ang cellphone sa kama.

Nagkunwari naman akong kadadating lang."Hoi 'Queengina'!"sabi ko at pumunta sa dulong kama katabi ng kama ko.Ininaayos ko 'yon para higaan ni Haji.Walo kasi ang higaan at sa tabi ko nalang ang walang gumagamit.Ayaw daw nila dahil malapit sa bintana.

"Kanina ka pa diyan?"bakas sa boses niya ang kaba.Bakit anong tinatago mo Queen?.Umiling ako."Kadadating ko lang."

Napabuntong hininga naman siya.Wala akong karapatang magtanong dahil ako mismo maraming tinatago sa inyo.

Habang nag-aayos ikinuwento ko kay Queen na boyfriend ko nga si Haji.Kinilig ang gaga.

REBELLIOUS SQUADTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon