CHAPTER 29- TALK

130 7 1
                                    


Lucas POV.

Di ako makatulog dahil sa sinabi nya na yun. Sa iba parang grasya na pero saken hindi. Oo mahal ko sya ang sarap marinig sa kanya  nanggaling ang salita na yun pero mas nanaig yung kabilang side ko na parang mali yung pag oo ko sa kanya

Tanga mo Lucas! Bat ba kase pumayag ka sa gusto nya lalo't di mo pa naririnig side nya

-Flashback-

Nasa restaurant kaming dalawa ni Yysha para kumain. Kanina pa kase sya nagrereklamo na kasalanan ko daw kung bakit nalipasan sya ng gutom

"Ma'am ! Sir ito po yung menu" sabi ng babae makarating kami sa table. Inabot nya samen yung menu kaya kinuha namen at namili ng kakainin

"Hmm..fried rice tsaka chicken" sabi ni Yysha na nakapili na

"How about you s--"

"Ahh! Wait I forgot wala pa kong drinks" putol nito sa sasabihin nung waitress " Shake nalang tsaka water"

Napangiti ako habang tinitignan sya. Di mo mahahalata na broken sya pero deep inside masakit paren sa kanya

Yan yung nagustuhan ko sa kanya nagpreretend sya masaya kahit grabe yung sakit na dinadanas nya

"Wala napo kayong idadagdag?" Tanong nung babae umiling naman si Yysha "Kayo sir?"

"Same nalang ng kanya" nakangii Kong sabi Sabay abot ng menu

"Sige po" sabi nito at umalis na

"Lucas! Wala akong dalang cash ha hinila mo ko palabas ng dorm ko kaya di ako nagdala kahit piso" sabi nya habang nililibot ng tingin ang restaurant

"Opo" nakangiti kong sabi habang pinagmamasdan sya

Sobrang ganda nya kaya di nako nagtataka na nagustuhan sya ni Shawn. Ngayon ko lang napansin yung makinis niyang mukha na may matangos na ilong..pinky lips at may mahahabang pilik

This girl is so fuvking gorgeous. I like that girl damn so much.

Pero may Shawn sya. At Alam ko den na grabe yung pagmamahal nya sa pinsan ko. Pero kailangan ko muna makausap si Shawn about sa nangyari

Siguro kung hindi dumating si Kim siguro di sya nasasaktan ng ganito. Grabe ang epekto ng sakit sa kanya kahit di nya sabihin ramdam ko

I'm fucking hurt if her tears falling down in her eyes.

Yung nangyari na yun sa field ay sobrang sakit paden saken. Yung nakikita mo yung taong mahal mo na umiiyak wala akong nagawa nun. Di ko man lang napigilan si Shawn sa desisyon nya

"Hey!Lucas" tapik nya saken na nagpabalik sa realidad ko. Nasa harapan ko na sya "May problema ba? Kanina pa kita tinatawag tsaka tulala ka"

"Huh? W- wala" sabi ko tumango nalang sya at umupo sa harap ko

"Kanina pa kita tinatawag para kumain " sabi nya at nagsimula ng kumain

"May iniisip lang" sabi ko at gaya nya nagsimula nalang den ako kumain

"Ano yun?"

"Huh?"

"Sabi ko ano yung iniisip mo?" Tanong nya hinarap ko naman sya

"Kung pano ka kung wala ako" nakatingin ko pareng sabi sa kanya

Dahil sa hindi sya sumagot saken ay katahimikan ang bumabalot saken patuloy lang kami sa pagkain

FTTCOME 1: Falling to the child of my Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon