CHAPTER 35

137 7 0
                                    


Yysha POV.

Naalimpungatan ako dahil sa sakit ng ulo ko. Minulat mulat ko ang mga pikit kong mata habang hawak and ulong kumikirot nagtataka ako dahil sa hinding pamilyar na kwarto ang nakikita ko

Bumukas ang pinto nito at bumungad ang isang babae na Hindi ko kilala

"Ah! Gising na po pala kayo" binaba nito ang dala at nagpunta saken

Imbes na sumagot tinignan ko ang katawan ko laking gulat ko ng magiba ang damit nito. Ano ba talagang nangyari saken kagabi? Di ko maalala!

"Ako po nagpalit sa inyo kagabi" kamot ulo nitong sabi ng makita ang reaction ko "Sobrang lasing na lasing po kayo kagabi"

Tumango ako "Nasan ako?" Tanong ko ng igala ulit ang paningin sa kabuoang ng kwarto

"Nasa kwarto po kayo ni Sir. Lucas" sabi nya

"Si Lucas? Naalala ko nasa bar ako pano nya ko dinala dito?" Takang tanong ko habang iniisip paren ang nangyari kagabi

"Ahh yun po ba! Opo nasa bar ka po nya" nakangiti nitong sabi

"So sinasabi mong yung bar napinuntahan ko kanya?" Di makapaniwala kong tanong

Ni minsan di nagkwento si Lucas na may bar pala sya pagmamay ari!

"Opo! Kung nagtataka kayo nasa bar kapo nya ngayun at nasa kwarto ka nya. Sobrang lasing ka po kagabi kaya dito ka na niya dinala" paliwanang nito tumango nalang ako

"Eh! Nasan si Lucas?" Tanong ko

"Nauna pong pumasok! Nagmamadali po pinagbilin ka nya samen" pinagmasdan ko lang sya patayo "Ito po palang yung gamot bago po yun kumain po muna kayo Ma'am Yysha" baba nya sa kama na hinihigaan ko

"Kilala mo ko?"tanong ko ngumiti naman sya

" After nyo pong kumain. Ito po yung uniform nyo"baba nya ng paper bag

Di naman ako sumagot at kumain nalang. Nagkwekwentuhan kami at don ko nalaman na nagtratrabaho pala sya bilang waitress sa bar ni  Lucas.

At don ko din nalaman na may ginawa pala akong katangahan nung sobrang lasing. Na sinuntok ko daw yung mga lalaki. Naguntog daw ako sa poste habang pinipilit yung sarili ko na kaya kong maglakad magisa at ang mas nakakahiya sinukahan ko pa daw si Lucas

Grabe di naman ako ganung kabobo pagna lalasing! Wala na kong mukhang maihaharap nito kay Lucas dahil sa ginawa ko kagabi

"Nakakahiya pala yung pinaggagawa ko nun" kamot ulo kong sabi

Tumawa naman sya habang nililigpit ang pinagkainan at pinaginuman ko ng gamot.

"Jusko! Lahat naman ganan pagnalalasing mas matindi pa nga yung iba" nakatalikod niyang sabi

"Tim! Salamat" nakangiti kong sabi dito

"Nako Ms. Yysha! Trabaho lang" humarap ito dala ang pinaggamitan ko "Sige po magayos na kayo" at tuluyan na ngang umalis ito

Bumaba ako sa kama at nagpunta sa banyo para maligo

Papasok ba ko? Haysttt! Wag nalang kaya pero ang daming lesson na ang nalilikdanggan ko

Pagkatapos kong mag-ayos lumabas na ko. Kita ko ang ganda ng bar na ito di ko pansin Kay Lucas na may pagkacreative kahit black ang red lang yung color nito. Kita ko den ang mga naglilinis dito

Sa pagkakataon na ito halatang magbubukas palang sila!

"Ohh! Ms. Yysha gising na po pala kayo" bungad ng lalaki sa harap ko hawak ang basahan

FTTCOME 1: Falling to the child of my Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon