CHAPTER 36

124 7 0
                                    


Kyle Steve POV.

Dahil sa pagod sa hospital pagkauwi ko at sumalampak ako sa sofa! Sobrang daming ng pasyente kanina kaya wala kang time na umupo kahit sobra na ang pagoda mo

"Iho! Oh tubig" abot sakin ni Manong ng isang tubig nginitian ko ito bago kuhain "Sobrang rami bang pasyente?" Tanong nito

"Oho!" Sabi ko at inabot ang baso "Si Tita?" Nang napansin kong walang tita ang sumasalubong saken

"Ahh! Nandon kasama yung kapatid mo" sabi nya sinenyasan nya ang isa sa mga katulong namen na lumapit inabot nya naman ang baso dito "Makilagay sa kusina"

Si Manang ang pinakamatandang katulong namen! Sya ang nagpalaki saken pati kay Yysha kaya tinuturing naren namen syang pamilya

"Si Yysha ho! Andito?"takang tanong ko

"Oo! Iho nagulat nga kami dahil biglang dumating tsaka nakauniform sya halatang di pumasok" nag-alalang sabi nito

"May sinabi ba sa inyo?" Tanong ko habang tinatangal ang polo ko

"Hindi nga! Kausapin mo mukhang galing sa iyak eh" sabi ni Manang at inabot ang T-shirt ko "Change your clothes muna Iho! Basa ka ng pawis.. Baka matuyuan ka at magkasakit ka pa"

"Manang! Ok lang po ako di na ko bata"nakangiti kong sabi at kinuha ang damit at sinuot ito " Akyat po muna ko"

Umakyat na ko sa taas di pa ko nakaktapat ng pinto ni Yysha ng lumabas si Tita dito

"Ohh! Anjan ka na pala" sabi nya nang makalapit saken

"Opo! Si Yysha tulog na?" Tanong ko umiling naman sya

"Nandon! Mukhang may problema " sabi nito hinila nya ko palayo sa pinto "Tinatanong ko naman ayaw sumagot"

"Haystt!umiiyak ba?"

"Di pinapakita! Kausapin mo sayo lang naman sya nagoopen eh" sabi nya at tinapik ako sa balikat bago umalis

Baka problema kau Shawn na naman to! Walang hiya talagang lalaki yan. Halos di ko mabilang kung ilang iyak na syang tumatawag saken at same pa ng reason

Siguro dahil sa break-up nila ilang araw plang ang lumilipas! Kahit hindi nya sabihin alam ko dahil kay Kate..

Kumatok ako pero walang pahintulot ni Yysha ang narinig ko kaya walang alinglalangan kong pinihit ang doorknob di naman ako nagkamali dahil sa bukas to. Pumasok ako nakita ko syang nakaupo kita ko na malalim ang iniisip nya ng di nya maramdaman na papalapit ako sa kanya

"Yysha.." Tawag ko pero di sya sumagot umupo ako sa tabi nya "Yysha" sabay tapik sa balikat nya sa part na yan napansin na niya ko

"Kuya! Anjan ka pala" ngiti nya pero alam kong tong ngiting to ay may lungkot na kasama

"Kanina pa ko! Malalim lang talaga iniisip mo" ngiti kong sabi dito imbes na sumagot niyakap nya ko at umiiyak sa balikat ko

Ngayun ko lang ulit syang nakitang umiiyak ng ganito! Pagkakaalam ko ang huling iyak nya sa harap ko yung nawala mga parents namen non dati

Dati ang luha na yan ang sumisimbolo ng matinding galit nya sa mga pumatay sa mga magulang namen pero ngayun ang luha niyang yan at sumisimbolo ng matinding sakit na nararamdaman

Dati napapsugod sya dito dahil may humahabol sa kanyang mga kaaway! Pero ngayon napapasugod sya dahil kailangan nya ng makakusap

Dati yang tumutulo sa mga mukha nya dugo galing sa kaaway nya! Pero ngayon yang tumutulo sa mukha nya luha na galing sa isang lalaki

Dati yung mga sermon ko sa kanya di nya pinakikinggan! Pero ngayun sya na ang lumalapit para humihingi ng sermon

"Sya naman ba ha" sabi ko pero mas siniksik nya ang ulo nya sa leeg ko tinapik ko sya sa balikat kahit ito lang mapagaan ko pakiramdam nya

Bumitaw sya sa pagkakayakap! Pinunasan ang luhang patuloy sa pagtulo pinagmamasdan ko lang sya

"If you have the ability to read my mind! Promise you'll cry" nakayuko niyang sabi

"Yeah! I have not ability to read your mind but I have a ability to know the reason why your cry" sabi ko dine

"I hate the moment when suddenly my anger turns into tears" tawa niyang sabi pero kahit nakayuko kita ko ang pagluha niya dahil sa basa na ang kumot nya na tinutuluan nito "Kuya! Ang sakit! Sakit" hamapas nya sa dibdib nya pinigilan ko naman sya

"Pag nakikita kitang nasasaktan!mas nasasaktan ako. Hindi ko kayang nakikita kang malungkot. Mas gugustuhin kong ako nalang! Wag ka lang masasaktan.. Wag lang kitang makikitang malungkot.." Niyakap ko to

Ni minsan di ko pa sya sinasaktan kahit pero Puta! Nagkakaganito sya dahil sa isang lalaki

"Iniwan nya na ko Kuya! Pinili ny yung ex nya over me!" Iyak na paring sabi

"Shhh!" Pagtatahan ko sa kanya kahit di ko alam kung pano sya papatigilin sa pagiyak nya ngayon

"I'm just wasting my tears to someone who doesn't apperiacite it" humarap sya saken pugto na ang mata nya dahil sa iyak

"Nasan yang lalaki na yan ha! Ibibigay ko ang sakit na nararamdaman mo ngayon sa kanya!" Di ko na mapigilang ang sarili

"Kuya no! Please kahit anong gawen naten wala na den namang mangyayari eh" pigil nya saken

"Nakakatawang sabihin pero mas masakit palang maheartbroken kesa mabugbog! Tanga ko para maniwala sa love na yan... Halos kalahati ng katawan ko ng hina"

Wala akong maisagot sa kanya! Wala ni isang salita ang lumalabas sa bibig ko kaya niyakap ko nalang sya

Ang sakit! Sobra! Ayukong makitang  bumalik ulit sya sa dati dahil di ko kakayanin

Naramdaman ko namang tumigil na sya sa pagkaiyak tinignan ko to na mahimbing na natutulog! Nakatulog sya dahil sa pagod sa pagiyak

Nakatulog sya ng di manlang napagaan ang loob! Wala akong kwentang kapatid! Pinatulog ko sya na may masakit na dinaramdam

Inihiga ko sa kama at kinumutan bago umalis at hinalikan ko sya sa noo sabay labas patay ng lamp sa gilid ng kama nya

"Anong sabi?" Tanong ni Tita ng nakaupo ako sa sofa

"Manang paki kuha ako ng isa pang T-shirt!" Sabi ko dito pagkababa ng kape sa lamesa tumango naman sya at umalis "Same reason"

"Sino bang Shawn kase yan! Kung saktan ang pamangkin ko grabe"sigaw nito

"Boyfriend nya Tita" sabi ko nagulat naman sya

"Boyfriend? Bat hindi ko alam"

"Kahit naman ipaalam ko hindi ka makakarelate" asar ko dine

"Huh?"

"Ni wala ka pa ngang boyfriend eh" sabi ko sabay higop ng kape

"Aba! Baka sabihin ko sa iyo na kaya di ako nakapag-asawa dahil sa inyong magkapatid"

"Bakit kami?" Kunot noo ko "Sisihin ba kaming magkapatid"

"Haha! Natatakot lumapit saken yung mga lalaking manliligaw ko ni hindi nga sila makaapak sa gate nato dahil sa inyong dalawa baka daw mamamatay ng maaga"

Tumawa naman ako "Oo nalang" sabay higop ulit ng kape

"Haysttt! Pasaway talaga"

"Tulog na ko tita! Mapahinga na den kayo wag puro trabaho kaya tatandang dalaga" tayo kung sabi

"Aba! Kyle Pasaway!!" Tumakbo ako papunta sa kwarto ko at mabilis na nagsarado ng pinto baka mamamatay ako ng maaga nito

Humiga ako sa kama na may galit na nararamdaman sa sarili dahil sa kanina.. Ayuko na ulit masaktan ang kapatid ko

Sa totoo lang nagsisisi na ko bat nagbago pa sya! Bat nakilala nya pa si Shawn

Kailangan kong ilayo si Yysha kay Shawn!Ayukong bumalik sya sa dating Yysha dahil sa sikreto ng pamilyang Montefalcon

Hanggat maaga! Gagawa ako ng paraan para mailayo ang kapatid sa pamilya na gusto niyang gantihan! Pamilya na pumatay sa magulang namen

Ayuko...

FTTCOME 1: Falling to the child of my Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon