Yysha POV.Di paren mawala sa isipan ko ang nangyari kahapon. Ang nangyari samen ni Lucas sa rooftop. Oo! Sobrang sama kong babae para di maibigay ang gusto nya..di ko masuklian ang pagmamahal na deserve naman nya
Kahit ganun di paren sya lumalayo saken nanjan paren sya lagi sa tabi ko. Di naman nya sabihin ramdam kong kung gaano sya nasasaktan..
Paakyat ako ngayon sa hagdan ng harangan ako ng ni Mitch kasama ang alipores nya. Sa itsura nito mukhang may di sa magandang binabalak at ayuko munang syang pansinin. Aakyat pa sana ako ng hagdaan ng harangan ako ng mga alipores nya..
"Anong pakiramdam ng pinagpalit" tawa nyang sabi saken "Masakit ba ha!" Dugtong pa nito
Ayuko ng gulo ngayon! Wala ako sa mood na makipagaway. Oo! Alam ko subrang sakit nga eh..
"Malay mo hindi ka pala niya talaga mahal
Pinagtyatyagaan ka lang nya kase ikaw yung nanjan" sabi nyaSiguro nga..Napunan ko ang pagkukulang di Kim noong panahon na mas namimiss nya ang ex nya. Siguro ako ang pumuno at bumuo ng mga hinahanap nya na wala Kay Kim. Kaya nang dumating si Kim sya ang pinili at hindi ako
'Laki mong tanga'
"Pwede ba Mitch! Wag ngayon please" sabi ko dine ng hindi manlang hinaharap at tinatapunan ng tingin
Aakyat na ko sana ako ng higitin nya ang braso ko "Ayuko ng tinatalikuran ako ha!" Sigaw nya saken
Dumadami na ang tao na nanunuod samen pero wala kahit sino ang pumunta samen at pigalan ang ginagawa nito saken. Siguro nga takot sila kay Mitch..
"Ano ba kaseng kailangan mo" sabi ko dine ng di nya paren binibitawan ang braso ko
"Di mo naiisip na isa ka sa mga naging laruan ni Shawn tapos tinutotoo mo" tawa nyang sabi dahil sa inis ko tinabig ko ang kamay nya na nakakabit sa braso ko
"Pakealam mo ba ha! Problema ko to hindi problema mo!" Sigawkailangangl
"Sabing wag mo kong tatalikuran!" Sigaw nito ng talikuran ko syaHinala nya ko ng napalakas at sa hindi inaasahang nawalan ako ng balanse na sya kinahulog ko sa hagdan..
Naramdaman ko nalang ang sakit mg katawan ko at sakit ng ulo ko. Sinusubukan kong igalaw ang mga daliri ko pero parang namamamhid at ayaw gumalaw. Nakaramdam na den ako ng pagod at bagbaba ng mga talukap ko dahil sa sakit na nararamdaman ko
Bago pa ko makatulog nakita ko sya na may pagalala. Natataranta syang tinatapik ang pisngi ko kita ko den ang galit sa mata nya
"Shawn.."
Huling katagang nabanggit ko bago mawalan ng malay...
-----------------------------------------------------------
Shawn POV.
Paakyat ako ng hagdan ng mapansin kong sobrang dami ng tao. Anong meron? Nakipagsiksikan ako sa mga estudyante
"Sabing wag mo kong tatalikuran!" Sigaw nito
Hindi kaya no! Di pede to bumalik napala si Mitch so bumalik na ren si Iron. Ano nanaman kayang katarantaduhan ang ginagawa ng babaeng to ngayon
Nagulat ako ng makitang nagpagulong gulo sya sa hagdan. Nawala ako sa sarili ng makita kong sino sya kaya nagtatakbo ako papunta dito wala akong pake kung nababangga ko ang iba basta ang alam ko kailangang nya ko
Nang makalapit ako dito kita ko ang dugo sa ulo nya. Hindi bakit nangyari to. Tumingin kung sino ang may gawa nito sa kanya kita ko ang panginginig nya

BINABASA MO ANG
FTTCOME 1: Falling to the child of my Enemy (Completed)
Romance(Completed) Book 2: Revenge or. Love