CHAPTER 46

120 6 0
                                    


Yysha POV.

"May damit ka na bang isusuot para mamaya?" Tanong ni Kate saken

"Wala pa nga eh" kamot sa ulo kong sabi

Naglalakad kami papuntang canteen para maglunch..wala kaming klase ngayon dahil may event kami mamaya na dapat paghandaan

'Acquaintance party'

Isang buwan na den ang nakalipas pero walang Shawn ang nagpaparamdam. Di sya napasok kahit sino walang nakakaalam kung nasan ba talaga sya..

'Dadating kaya sya mamaya?'

Umiling ako. Hindi mangyayari yun di nga sya nagpakita ng ilang linggo samen tapos susulpot sya..

"Bumili na lang tayo sa Mall mamaya" sabi ko ng makaupo kami sa bakanteng lamesa

"Pwede naman pero.." Tumigil sya sa pagsasalita at tumingin saken "Di ba maraming binili si Sh--Ano ng damit nung birthday party ni Troy" dugtong nya ng hindi tumitingin saken

Halos lahat sila takot na banggitin ang pangalan nya. Di ko alam kung anong dahilan nila pero halatang namimiss rin nila lalo ng ng BG...

"Di ko alam kung saan nakatago tsaka maalikabok na yun" nakangiti kong sabi dito

"Your choice.. Edi magmall na tayo"

Napagpasyahan nameng dalawa na kami na ang bumili ng makakain namen. Iniisip ko paren kung dadating sya kahit alam kong malabong nangyari yun..

'Sana..'

"Nasan nga pala ang mga boys?" Tanong ko habang nililibot ang paningin sa kabuuan ng canteen

"I don't know" sabi nya at ginaya den ang ginagawa ko "Kanina pa sila wala pati Justine wala den"

"Siguro may katarantanduhan nanaman silang ginagawa" sabi ko dito "Dati paren po Manang" baling ko sa babaeng nagaasikaso ng pagkain dito

"Siguro nga.. May pagbabago ba sa mga yun" tawa nyang sabi saken

"Salamata po" ngiting kong sabi habang kinuha ang pagkaing inabot nito samen

"Welcome Iha! Enjoy" ngiti nya sabi saken tsaka tinuon ang pansin sa kasunod namen

"Baka naman kase may kinabibisihan yung mga yun" sabi ko dito

"Ano yun araw- araw pati si Justine di naman belong nakikibelong" nakanguso nitong sabi

"Nag-aalala ka ba sa kanila?" Tanong ko

"Syempre! Malay mo may nangyari sa kanilang masama tapos-- Aray!" Di na nito natapos ang sasabihin ng mapadaing na hampansin ko sya sa braso

"Sari-sari na iniisip mo!" Sigaw ko dine "Mga lalaki sila kaya di mangyayari yun" dugtong ko

Inilapag ko ang pagkain ko sa lamesa namen ng makarating kami. Nasan na ba kase ang mga yun kahit si Lucas wala ren. Ano ba kaseng ginagawa nila?

"Excited na kong maisayaw mamaya"

"Ano kayang damit susuotin ko?"

"Pinahihintay ng lahat"

Halos lahat yan ang topic sa loob ng canteen. Ganun na nga ata sila ka-excited kase isang beses lang naman mangyayari sa isang taon to lalo na sa mga katulad kong kapwa estudyante. Pero bakit ako di ako nakakaramdam ng excitement sa event mamaya..

"Halos lahat di makapaghintay" nakangusong sabi nito habang nakatingin sa katabing lamesa

Napangiti naman ako sa inasta nya "Eh ikaw excited ka ba?" Tanong ko sa kanya

FTTCOME 1: Falling to the child of my Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon