Shawn POV.Matapos ang paguusap naming yun di na muli akong nagpakita sa kanya. Kailangan nya munang magpahinga ayukong lalong mastress sya lalo kaya imbes na kamustahin sya sa pagdalaw sa kanya ay tinatawagan ko nalang sila kung okay lang ba si Yysha.
Mahirap pero kakayanin konting panahon nalang matatapos na ang problema na to! Di pa pedeng sumuko lalo't malalaking kalaban ang makakasangga namen. Nagpabalik ako sa ulirat ko ng biglang magvibrate ang phone ko
~Marky calling~
Bago ko sagutin ay lumayo muna ako dahil sa ingay ng tunog. Nasa bar ako ngayon para mag-alis ng lungkot. Ito ang lagi kong kasama kapag busy silang lahat. Kahit papano ay nakakawala ng sakit kaso paggising sa umuga bumabalik..
"Hello"
"[Where are you?]"
"Bar"
"[Naglalasing ka nanaman..Bro!]"
"Puntahan mo nalang ako para may kasama ako"
"[San ba yan?]"
"Malapit sa School"
"[Okay! Wait mo ko ha]"
Imbes na magpaalam at sumagot pinatay ko nalang ang tawag at pumunta ulit sa dating pwesto.
Tanging tunog, sigawan, ingay, tawanan, sayawan ang makikita at maririnig mo sa loob ng bar na to. Lumagok ulit ako ng alak na hawak ko ngayon. Lasang lasa ang lakas ng tama nito dahil sa init na dumaloy sa lalamunan ko
Gusto ko mang puntahan sya ay wala na kong mukhang maihaharap sa kanya lalo't mas nagalit pa sya saken. Sana alam nya lang ang pinagdadaanan ko? Para kahit papano malalaman ko kung meron ka nga bang tiwala saken
'Sana nakausap kana ni Kim'
Para kahit di ako makasagot sa mga tanong mo. Masasagot naman ni Kim ang iba...
"SD!" Sigaw nito nakadadating lang mukhang nagpandalas pa to! Dahil sa paghahabol nito ng hininga
"Tumakbo ka?" Tanong ko paren habang nilagok ang alak "Dalawa pa!" Baling ko sa bartender tumango naman to..
"Nakakailang baso ka na?" Tanong nya habang nakaturo sa hawak kong baso
"Konti palang" sagot ko habang nilalaro ang yelo sa loob mg baso ko
"Here Sir" singit ng bartender tsaka nilapag ang alak sa harap namen
"Here" sabi ko habang binibigay sa kanya ang isang baso
Tinanggap nya yun habang iiling-iling tsaka naupo sa bakanteng silya sa tabi ko
"Okay lang ba sya?" Tanong ko ng di sya binabalingan ng tingin
"Yeah! Makakalabas na den sya" sabi nito
Di naman ako umimik. Lalabas na sya ng hospital ng wala ako. Humarap ako at tumingin sa mga nagsasayawan sa gitna habang nilalaro ulit ang yelo sa baso ko. Pano kaya kung hindi nangyari to sa tingin ko magiging okay pa kami at masaya..
'Siguro nga'
"Bat di mo puntahan at kausapin?" Sabi nya na daretso lang deng nakatingin sa dance floor
"Galit pa sya saken" pilit na ngiti ko
"Kaya lumalayo ka!" May inis na sabi nito pero imbes na sagutin ay lumagok ako ng alak "You think ignoring her weak! No bro! You're making her lose feelings"
"Mahal ko sya bro! Kaya nagagawa ko lahat to.. Kahit sa tingin ko ikagagalit nya"
"Pag nagmahal ka ng isang tao,nagagawa mo yung mga bagay na kahit kailan di mo inaasahang gagawin mo." Seryuso syang tumingin saken tsaka bumaling sa bartender at nagsenyas don ko lang napagtanto ubos napala ang alak namen
BINABASA MO ANG
FTTCOME 1: Falling to the child of my Enemy (Completed)
Romance(Completed) Book 2: Revenge or. Love