CHAPTER 47

125 6 0
                                    


Yysha POV.

"Bagay ba saken to?" Tanong saken ni Kate ng ilatad saken ang kulay pulang dress na may makikintab na desinyo

"Patingin daw" sabi ko dito

Pumunta sya sa likod ko kung saan naroroon ang salamin sinukat nya ito sa harap ng salamin at nagpa-ikot ikot

"Ano okay ba?" Tanong nito nakaharap sa salamin habang nakatingin saken

"Maganda.. Siguradong magugutuhan yan ni Justine" Biro ko dito

"Talaga?" Di makapaniwalang sagot nito nagulat ako ng sakyan nya ang trip ko

Napatingin ako sa kanya na nakangiting nakaharap sa salamin at tinignan ang desinyo ng damit na napili nya. Isa lang ang napagtanto ko sa mga inasta nya. Araw-araw wala syang bukang-bibig kundi Justine..

"Kate!" Tawag ko dito

"Hmmm?" Sagot nya saken na di paren ako tinitignan

"May gusto kaba kay Justine?" Tanong ko dito

Napatingin naman sya saken at biglang namula. Bumalik sa salamin.. Di nga ko nagkamali may gusto nga sy kay Justine? Rinig kong bumuntong hinga sya..

"Yeah! I like him" pag-amin nya "Sige! Babayaran ko na to" ngiting paalam nya saken "Secret lang naten to ha!" Dugtong nya pa napatango naman ako

"Anong secret yun?" Singit nito habang tinitignan si Kate don sa casher

"Samen lang yun" baling ko dine

"Kaibigan nyo naman na ko diba?" Nakasimangot na sabi nito

"Yup! Pero personal kase" sabi ko dito napabaling ako sa dala nyang tela "Yan ba susuotin mo?" Turo ko don

Tumango sya "Maganda ba?" Tanong nya ng iharal saken ang kulay itim na dress nito

"Sa daming kulay bat itim pa?" Tanong ko dito tsaka bumaling sa mga damit para ako naman ang mamili

"Trip ko lang! Di ba maganda?" Tanong nya habang binabaliktad ang damit

"Okay lang! Maganda sayo" nakangiting ko tong binalingan

"Totoo?" Tumango naman ako "Eh ikaw may napili kana?"

Umiling ako habang namimili ng dress na pwedeng is out na nababagay saken

"Aytss! Ako pipili sayo at sisiguraduhin kong mas magugustuhan ka ni Shawn" nakangiting sambit nito napangiti naman ako dito pero pilit

Kung pupunta nga ang inaashan ko..

"Pahawak" sabi nito ng iabot ang damit na napili nya saken kinuha ko naman to "Ano kayang nababagay na kulay sayo?"

Pinagmamasdan ko lang sya na namimili ng damit. Maganda si Mitch. At di ko inaashang may tinatago pala syang bait at daldal. Kung ipagkukumpara silang dalawa ni Kate sya ang napaka daldal...

"Ito" sabi niya habang daladala ang kulay pink na dress papunta saken "Halika Try naten" hinila nya ko papuntang salamin

Kinuha nya damit nya na hawak ko tsaka pinatong nya to. Tsaka humarap saken ng nakangiti. Inilapit nya sa katawan ko ang napili nya dress saken tsaka humarap sa salamin

"Tsk! Ampanget ng kulay" iling nya habang nakahawak sa baba at pinagmamasdan ako sa salamin napailing naman ako sa inasta nya "Wait! Jan kalang pipili ako ng magandang kulay para sayo" dugtong nya tsaka tinalikuran ako

Di ko talaga inaashang magkakaganto sya. Malaking pagkakaiba ang Mitch na nakilala ko noon na kaaway ko sa Mitch na kasama namen ngayon..

"Ano mas Nice na ba syang kaibigan saken?" Taas kilay nitong sabi

FTTCOME 1: Falling to the child of my Enemy (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon