To The Man In My Dreams

73 17 5
                                    


Hi! Good day!

        We have finally claimed your remittance through Palawan Express Pera Padala. Thank you for your little donation in these trying times due to this pandemic. We hope to see you soon and hope you are sleeping well. Stay away from the virus, everything!
       
        Charot lang. Why the hell am I writing this letter? Siguro out of confusion, stress, o baka naman may dysfunction na sa utak ko. Hindi ko alam.

        Noong una kitang makita, nabihag mo agad ang aking mga mata. At dahan-dahan nang nahulog, hindi ko namalayan, na ikaw pala, ikaw na nga ang matagal ko nang hinihintay.

       Charot ulit. Kanta ni John Roa yan. Hanapin mo sometime. Hindi ito na talaga. Ito na.

        The first time I saw you was a cloudy day. It's always a cloudy day. Lahat ng mga panaginip ko, puro madilim. Kung hindi naman makulimlim ang langit, umuulan naman. Nakaupo ako sa isang bench tapos lumapit ka sa akin na may dalang rosas. I was surprised, but at that time, I felt like I know you but I don't. Ang gulo ipaliwanag but it was how it felt looking at you. Ang laki ng ngiti mo nang inabot mo sa akin ang bulaklak. Tumabi ka sa akin tapos nagkwentuhan lang tayo. Hindi ko na rin matandaan kung ano ang pinag-usapan natin noon.

         Ilang beses pa iyong naulit. Minsan magkakasunod sunod pa sa isang linggo kitang napapanaginipan. It was the same scene. Pero sa ibang lugar nangyayari. Minsan, sa dalampasigan mo ako nahanap, tapos inabutan mo din ako ng rosas at nakipag-usap lang sa akin. Minsan naman, sa park. Minsan din, sa simbahan. Pero pagkagising ko, nakakalimutan ko din ang mukha mo. Pero sa pagtulog ko, nakikilala kita. Kaya sa bawat gabi, hindi na nga ako nag-s-scroll hanggang madaling araw kasi mas gusto ko pang matulog para makita na naman ulit kita. Ni hindi ko man lang alam ang pangalan mo.

         I don't really know if you exist in this real world or totoo ka ba talaga o baka gawa-gawa ka lang naman ng dysfunctional kong utak. Pero kung totoo ka man, sana makita kita in person. I want to thank you for coming into my dreams and making my dreams far more better than my reality. Hanggang sa muli nating pagkikita kung saan may dala ka na namang rosas, tatanungin ko na ang pangalan mo.

                                               Sumasaiyo,
                                                   Justine

Unsent LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon