To All The Boys Who Have Loved Me Before

72 17 13
                                    

Frightful day, 2020

Hi everything,

Kamusta na kayong lahat? Okay pa rin ba? May sapat pa bang supply ngayong quarantine? Pwede kayong umutang sa akin if you want.

Alam ko kung bakit ko isinusulat ito. Alam ko rin na hindi ko ito ipapadala. O baka ipapadala ko. Baka saniban ako ng COVID-19 at bigla kong ipadala sa post office. Ang tanga naman.

Nakakaasar kayong lahat. Alam niyo iyon? Ilan ba kayo? Lima? Ah, pito. Pito kayong lahat na dumaan sa buhay ko. Pero anong nangyari? Wala pa rin.

Porket sa panahon natin uso na ang ghosting at namatay na ang makalumang panliligaw, gagawin niyo rin sa akin. Bakit ba ako naglilitanya? Hindi naman kayo ang nang-ghost di ba? Di ba ako naman? Di ba ako naman ang hindi nag-reply? Di ba ako naman ang nang-seen? Nang-block? Nang-ignore?

I don't want to say sorry. I'm actually happy some of you are getting married already if it wasn't for this stupid virus. It's just that, it makes me sad knowing that it could be me only if you have tried harder.

When I said no, you should have proven your worth to me. Noong tinanong niyo akong lahat kung pwede bang tayo na, sana man lang nag-effort pa kayo. Sana naman nag-effort pa kayong manligaw. Sana man lang inaya niyo akong kumain sa kung saan. Sana man lang pinakita niyo sa akin na worth it kayo. Kahit isa man lang sa inyo.

I'm actually a bit disappointed. Not in myself. Kasi alam ko kung anong klase ng lalaki ang hinahanap ko. Let's say, having social media swag is nice bro. Let's say, gwapo ka, madami kang followers sa instagram, sa twitter, pero hindi iyon ang hinahanap ko. I was actually looking for a man who is a man. Not a boy disguising himself as a man. Siguro noong mga panahong iyon, wala pa kayong guts. Teenager pa yata tayo noon eh. Hanggang ngayon, wala pa akong nakikitang matinong lalaki. Sana, kung mas naging matapang ako at sinagot ang isa sa inyo, edi sana, sana nalaman ko kung kaya niyo pang mag-mature.

Let's say you once loved me, pero that love wasn't enough. I'm just sorry I love myself too much.


Never yours,
                                  Shane

Unsent LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon