To You I Shouldn't Love Anymore

83 8 4
                                    

Somewhere in the Universe
Date Unknown


Maayong gabii!

Sabi nila kapag hindi raw bumati pabalik ang taong binati mo, ibig sabihin hindi siya tao.

Kaya kung nababasa mo ito (na imposible din naman), bumati ka pabalik ha.

Miss na miss na kita. I miss the way you smile and look at me. Na para bang ako lang ang nag-iisang babae sa mundo. Na para bang ako lang ang pinakamaganda sa paningin mo. You were always like that. Kahit pa wala pang suklay ang aking magulong buhok, you never failed to tell me how beautiful I was. And I admired you for it.

I love the kindness and the pure goodness in your heart. Kung paano mo tratuhin ang mga batang nakakasalubong natin sa lansangan at bigyan sila ng packed meals every Christmas. Kung paano mo alagaan ang lola mong bedridden. Kung paano ka nag-volunteer noong bumaha rito sa atin at isinalba ang napakaraming tao mula sa rumaragasang alon ng tubig na maaaring kumitil sa buhay nila.

Alam mo, tinalo mo na siguro ang Avengers at Justice League dahil sa pagiging superhero wanna-be mo. Ano bang mayroon sa iyo at talagang gustong gusto mong sumuong sa disgrasya at panganib tapos parang wala lang sa iyo na mahirapan ka o masaktan ka basta lang magawa mo ang trabaho mo.

Tangina, hindi na nga kita mapigilan. Trabaho mo na ang kalaban ko eh. Passion mo na ang kalaban ko. Buhay na ng marami ang kalaban ko kontra ng buhay mo. Bakit ba hindi mo maintindihan na natatakot lang akong mawala ka? Na baka isang araw magising na lang ako na hiram na sandali lang pala ang lahat.

Yawa, ikakasal na dapat tayo, eh! Eric, tandang-tanda ko pa iyong araw na iyon. Hinintay kitang makauwi dahil nagluto ako ng paborito mong Afritada. Naglagay pa ako ng kandila sa gitna ng mesa at inihanda ang paborito nating wine. Apat na oras kitang hinintay noon, eh. Alas diyes pasado na ng gabi pero hindi ka pa rin dumarating. Isang tawag nga lang mula sa kasamahan mo ang natanggap ko. Nasa ospital ka na raw, kritikal ang kondisyon.

Alam mo bang halos liparin ko na ang ospital kung nasaan ka sa oras na iyon? Eric, sobrang nag-aalala ako noon. Pagkarating ko doon, ikinwento na sa akin ang lahat.

May sunog raw sa Binangonan. Isang bahay na may dalawang palapag at may walong miyembro ang kanilang pamilya. Kinakain na raw ng apoy ang buong bahay kaya kahit subukan niyo mang pasukin iyon, walang kasiguruhan na makakalabas pa kayong buhay. Pero dahil matigas ang ulo mo at superhero ka nga, sinuong mo ang naglalagablab na apoy at isinalba ang lahat ng miyembro ng pamilyang iyon. Nasalba mo nga ang lahat, nakalimutan mo naman ang sarili mo.

Sa totoo lang, gusto kitang sumbatan. Gusto kitang saktan dahil kinalimutan mo na naman ang sarili mo. Kinalimutan mo na naman na nandito ako. Nandito ako na natatakot mawala ka. Eric naman. Alam mo namang mahal na mahal kita 'di ba? Alam mo namang hindi ko kakayanin kapag nawala ka 'di ba?

Pero nawala ka pa rin. Ilang balde ng luha na ang nasaid ko kakaiyak noon. Ilang gabi rin akong hindi makatulog kakaisip sa iyo. Nagpapalunod na lang ako sa hinagpis at kalungkutan dala ng pagkawala mo.

Ilang buwan na rin ang nakalipas. Naghahanda na rin ang pamilya mo sa nalalapit na anibersaryo ng iyong pagkawala rito sa mundong ibabaw ngunit nandito pa rin ako. Nandito pa rin ako't nagdadalamhati.

Silang lahat, natanggap na. Na inaasahan naman na raw nila na mangyayari iyon. Sooner or later alam nilang mawawala ka dahil sa trabaho na mayroon ka.

Nakakagago no? Alam nila na mawawala ka pala? Bakit hindi man lang nila ako sinabihan? Bakit walang warning? Manghuhula naman pala sila, eh bakit hindi nila ako pinaalalahanan? Tangina lang eh.

Everyone and by everyone, lahat sila. Lahat sila sinasabi na tama na daw. Itigil ko na raw. Na dapat ko na lang daw tanggapin na wala ka na. Na kesyo maghanap na lang daw ako ng iba.

Paano ako maghahanap ng iba kung ikaw at ikaw pa rin? Ikaw at ikaw pa rin talaga eh.

Everyone's been telling me that I shouldn't keep on loving you any further. That I just cannot love you anymore. As if namang may switch itong mga nararamdaman ko para sa iyo.

Ikaw talaga ang literal na ghoster dahil nararamdaman pa rin kita sa paligid, katabi ko. Kaya kahit ilang beses man nila akong pagsabihan na huwag na, itigil na. Hindi ko kaya. Kasi alam kong nandiyan ka lang.

Paalam, aking mahal. Hanggang sa susunod na lang nating pagkikita.

Ikaw at ikaw pa rin,
Aliah

Unsent LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon