June 16, 2019
Dear Novem,
Hi Bem. Ako lang 'to, si Harry na mahal na mahal ka. Biro lang, ito naman. Naiimagine ko na ang nakakunot mong noo tsaka napapailing tapos napapairap ka nalang. Pasensya na. Alam ko namang hindi mo ako matitiis, eh.
Thank you nga pala kasi kahit mahigpit ang schedule mo, you managed to make some time for me. From Manila, umuwi ka pa ng Aklan. Natural, best friend mo ako, eh. Tsaka ikakasal na ako bukas. Akalain mo iyon? Ako, na babaero dati, biglang makakahanap ng babaeng papakasalan at makakasama habang buhay? Minsan, hindi pa rin ako makapaniwala pero binihag niya talaga ang puso ko. Lisa had me since day one, but you had me since day zero.
Sudden turn of events, right? Hindi naging madali para sa akin ang lahat. Alam mo ba na ikaw ang first love ko? Hindi mo siguro alam. Mula high school hanggang college, hindi ko magawang magseryoso sa mga naging past girlfriends and flings ko kasi I was secretly in love with you. Alam kong hindi dapat pero I was. I was deeply in love with you. Pero I didn't get the chance to tell you kasi naduwag ako. You also had some boyfriends here and there and I was your great comforter. You basked under my warmth and I thought it was enough. Siguro kung nagkaroon lang ako ng lakas ng loob, siguro lang, baka naging tayo. Baka tayo ang ikakasal bukas. Pero tama na sa what ifs. Masaya ako kay Lisa, at alam kung ganoon ka rin kay Alfred. I might never send you this letter, afraid to complicate things more. Siguro ibabaon ko na lang ang lahat ng iyon sa nakaraan.
Thank you for always being there, Bem. You were my first love, but Lisa was my greatest. Sana one day, mahanap mo na din ang taong para sa iyo.
PS: Take care. Huwag masyadong magpaka-workaholic ha. Alagaan mo sarili mo, tangina ka. Hahahaha.
All the Best,
Harry

BINABASA MO ANG
Unsent Letters
De TodoKung bibigyan ka ng pagkakataong sumulat sa isang tao ngayong araw, sa oras na ito, kanino mo ito ibibigay? Pero nasa sa iyo pa rin kung tuluyan mo ngang ipapadala ang sulat o pananatilihin na lamang itong munting alaala mula sa nakaraan. Welcome to...