"Mahal na mahal kita Nicole" sabi ni Jozhua sakin habang yakap-yakap niya ako sa likod"Mahal din kit---" hindi ko na patuloy ang dapat kong sasabihin dahil biglang may sumigaw
"Bakit siya ang pinili mo Nicole?! Bakit siya pa?! Sasaktan ka lang niya! Bakit hindi nalang ako?!" Biglang sigaw ni Mark
"M-Mark patawarin mo ako! Hindi na kita mahal" sabi ko kay Mark kahit ang hirap para sakin na bigkasin ang mga salitang iyon
"Wag mo na kaming guluhin, Mark" seryosong sabi ni Jozhua kay Mark
Sa totoo lang hindi ko na talaga kaya na makitang nasasaktan si Mark nang dahil sakin. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko.
"Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi sakin napupunta si Nicole" sigaw ni Mark kay Jozhua
"Mark! Please! Tumigil ka na!" Sabi ko kay Mark habang unti-unting naluluha ang aking mga mata
Nagulat nalang ako nang merong pinalabas na baril si Mark
"Sino pipiliin mo? Ako o si Jozhua?" Mahinahon pero may diing sabi ni Mark sakin
"I-I'm sorry Mark, pero buo ang desisyon ko, si Jozhua ang pipiliin ko" sabi ko kahit hindi ko kayang sabihin sa kanya
"Ayaw mo sakin?! Pwes! Magsama kayo!!" Sigaw ni Mark at biglang kinasa ang kanyang baril na deretsong nakatutok kay Jozhua
Hindi ko alam ang gagawin ko pero parang may sariling utak ang mga paa ko na biglang naglakad papunta sa harapan ni Jozhua
Biglang pumutok ang baril at ramdam ko ang hapdi sa aking tagiliran nang meron ako narinig na panibagong putok nang baril bago ko unti-unting sinara ang aking mga mata at nilamon na nang dilim.........
------------------------------------
~brizk~brizk~brizk~brizk~
Nanghihingalong pinatay ko ang alarm ko, napanaginipan ko na naman yun! Hindi ko alam kung sino-sino ang mga tao dun pero isa lang ang alam ko. Kilala ako nang dalawang lalaki sa panaginip ko
Akala ko patay na ako dahil parang naramdaman ko yung kirot sa tagiliran ko pero wala naman akong sugat
Nakakalito para sakin kung ano talaga ang nangyari sa panaginip ko pero parang feeling ko totoo yung mga nangyari doon sa panaginip ko, hay nako!
"Nicolette! Gising na! Male-late na tayo!" Sigaw ni kuya sa labas nang pintuan ko
Mamaya ko nalang iisip yung panaginip ko! Baka magalit sakin si kuya
Nang natapos na ako magbihis lumabas na ako sa kwarto ko, dumeretso ako sa dining area namin at kumain nang almusal
"Bilisan mo na nandyan na yung service natin" sabi ni kuya sakin habang sinusuot niya yung sapatos niyang itim
Ewan ko kay kuya kung bakit parati nalang siyang seryoso minsan nagagalit na sakin, kung di ko lang kapatid yan baka kanina ko pa yan ibinigay sa mga gusto nang kuya!
Palabas na kami nang makita namin na kami nalang inaantay sa tricycle namin punuan na kasi at dalawa nalang yung may space sa harapan banda
Paalis na kami nang biglang nakita ko si Jozhua, kababata namin
Kumaway siya pero si kuya di siya pinansin habang ako nakatingin lang sa kanya, hmn... Parang nakita ko na si Jozhua sa panaginip ko... Tsaka yung schoolmate kong isa sa school, hmnn.... Ewan ko lang pero parang nakita ko na sila, ehh
BINABASA MO ANG
COMPLICATED LOVE STORY
Teen Fiction"Mahal kita" ayan ang sabi ni Nicole pero hindi niya alam kung totoo nga bang mahal niya ang lalaki o hindi dahil nalilito siya kung sino ang kanyang mahal Merong isang babae na nagmahal pero hindi siya ang mahal nang minamahal niya pero sa isang ig...