Chapter eight
OMO! Nakita kami nila Mark!!!!
"Wow! Ang lakas nila mga pre!" sabi ni Miggy na tropa ni Mark
"Hala, may rambulan? Knockout ang kalaban! ~ting~ning~ning~!" segunda ni Leo
"Uyy, mga Amazona ang peg nila ngayon, haha!" tawa naman nang unggoy na si Jeric
Agad namang may lumipad na notebook sa mukha ni Jeric kaya ayon sapul sa mukha, hahaha
Ewan ko kung saan nakuha ni Chrissy yung notebook na yon, pero epik talaga, wahahaha
"Anong tatawa-tawa niyo dyan?" tanong samin ni Mark, tae! Seryoso si commander!! *insert sarcastic*
"'Bat niyo sinuntok at sinampal si Bianca?" cold niyang sabi samin, anla! Di ko pala alam na di pa siya naka move on, love parin pala niya si Bianca, my gish!
Humaba tuloy nguso ko, aba! Dapat ako yung pinagtatanggol niya hindi si Bianca, hmp! Si Bianca na nga yung nauna!
"Wag kang ngunguso dyan di bagay sa'yo, mukha kang pato niyan" aba! Sabi ko na, ehh di talaga tumino si Mark!
"Ihh, si Bianca nauna kanina lang kasi dapat maghuhugas ako nang kamay ko sa cr ang kaso nakita kong umiiyak si Bianca tas ibibigay ko sana sa kanya yung towel ko ang kaso sinampal niya ako kaya nag self defense ako" paliwanag ko, ayahay! Kung di lang ako takot na mapatawag sa office malilintikan talaga sakin yung pugita na yun!!
"Weh? Maniwala,ehh huli na kayo sa akto" aba! Itong Jeric na ito kanina pa, ahh
"Ikaw kausap ko? Ikaw kausap ko? Ha?!" Ayan na nagiging beast mode na ako
"Wag mo sakin yan i-explain, i-explain mo yan sa Principals office" hmp! Sige lang, ganyan ka sakin ngayon? Hmp! Pagkatapos ko ikaw damayan?!
Nakasimangot nalang kaming tatlo habang si pugita binitbit nila Miggy at Leo, psh. Buti nga sa pugita na yon! Aatake-atake na walang back-up
^~^~^~^~^~^~^~^
Natapos namin yung klase nang biglang pinatawag kami sa Principals office, aish, ito palang yung una na pinatawag kami sa PO, hmp!
Malamang nagsumbong si pugita! Amiga kaya nang mama ni pugita yung Principal! Ang unfair talaga!!
Pumunta nalang kaming tatlo sa PO nang tahimik, alangan naman na tumatawa, hmp! BV ako ngayon
Pagkapasok namin sa PO tahimik lang kaming umupo sa sofa doon sa loob habang si pugita ngingisi-ngisi samin! Hmp, meron akong ebidensya na siya yung nauna! Meron kayang CCTV yung labas nang girls CR, kala ni pugita, ahh
"Sino ang nauna sa inyo ang naunang gumawa nang gulo?" sabi ni Mrs. Lopez , huhu, paktay ako neto kila mama!!
"Siya po" sabi ni Chrissy sabay turo kay Bianca
"Sila po ang nauna!" Sabay turo ni Bianca samin
"Si Bianca po" sabi naman ni Em
"Si Bianca po talaga ang nauna" sabi ko naman halos sabay lang naming sinabi yun
"Umamin na kayo kundi papatawagin ko yung mga parents niyo" cold na sabi ni Mrs. Lopez, huhu
"Bianca po talaga yung nauna kasi kanina lang po papunta ako nang cr para maghugas nang kamay nang makita ko si Bianca, ibibigay ko sana kay Bianca yung towel ko kasi nakita kong umiiyak si Bianca kaso lang po sinampal niya ako tapos sinabunutan kaya ayun siya talaga ang nauna" uwah!! Kung nakarating 'to kay kuya patay talaga ako!!!!!
"Hindi po talaga ako tita yung nauna, look tita ang dami ko pong galos" aba! Dedepensa pa si pugita!!
"Hay nako mga bata kayo! Titingnan nalang nga natin yung CCTV camera doon banda sa girls CR" anla!! Kinakabahan ako!!!! Huhu, patay ako neto!!!
BINABASA MO ANG
COMPLICATED LOVE STORY
Teen Fiction"Mahal kita" ayan ang sabi ni Nicole pero hindi niya alam kung totoo nga bang mahal niya ang lalaki o hindi dahil nalilito siya kung sino ang kanyang mahal Merong isang babae na nagmahal pero hindi siya ang mahal nang minamahal niya pero sa isang ig...